High and Mighty 27

9.1K 357 33
                                    

Napatigil si Thea sa paghakbang ng maramdaman ang tila pagyanig ng paligid.

P*tek, lumindol ba?

Maingat siyang naglakad patungo sa punong malapit sa kanya at kumapit doon.

She inhaled and exhaled. Kailangan niyang kalmahin ang sarili upang hindi tuluyang bumagsak.

Nasa ganoong siyang estado ng dumating si Pulido.

"Corpuz," lumapit ito at inalalayan siya. "Anong nangyayari sayo?"

Napakapit siya sa kaibigan. "Bigla akong nahilo."

Pinangko siya nito. "Dadalhin kita sa doctor."

"Hindi, kaya ko na." Tutol niya sa kaibigan.

"Sigurado ka ba?"

Natatawa niyang hinampas ito. "Oo, nga."

Lingid sa kalam ng dalawa ay may isang pares ng mata ang nagmamasid sa kanila.

***

Sa galit ay hindi na napigilan ni Zion ang sarili, sinipa niya ng paulit-ulit ang kanyang sasakyan.

D*mn, all this time, nasa malapit lang pala ang kanyang hinahanap.

Kung hindi pa siya inimbita ng w*lang h*yang Pulido na yan sa kasal nito ay hindi niya mahahanap ang dalaga.

He almost turned into a mad man ng malamang umalis ang dalaga at bigla na lang itong nawalang parang bula.

D*mn, his brother Poseidon really did his job well.

He had her first, hindi siya papayag na ikasal si Thea sa iba.

Kahit magkamatayan na.

He won't give up Thea that easy.

Ng mapakalma ang sarili ay kinuha niya ang cellphone sa sakyan.

"Pablo?"

"Yo."

Matapos kausapin si Pablo ay napangisi siya.

Mura ni Pablo ang umalingawngaw sa paligid ng makita nito ang sasakyan ni Zion.

"You are insane!"

Nakahawak ito sa yupi ng kanyang puting Lamborghini. Halos maiyak pa ito sa awa.

"Give me your keys." Bukas ang palad na saad niya dito.

Tumalim ang tingin ni Pablo sa kanya. "Kapag nagasgasan yang sasakyan ko, gagasgasin ko din yang mukha."

Natawa naman si Zion.

"Ibibili kita ng bago."

Muli itong nag-mura. "G*go."

Pablo loves cars. Mas may reaksiyon pa ito sa sasakyan kaysa sa babae.

Pamela Storm is Sgt. Nicholas Brown's sister that is why she is like her sister too.

Nasanay itong humahalik sa pisngi sa tuwing nakikita siya ng dalaga na saktong pagdating naman ni Thea.

Marahil ay inakala ni Thea na nakahalik ito sa labi niya. Nagkatalo lang sa anggulo.

"Bring Pam to Poseidon."

Napangisi si Zion, makakaganti na siya sa pagtatago ng kapatid kay Thea.

(Poseidon and Pamela Storm does it rings a bell? Haha)

"I'm sorry Thea, my love, but you only belong to me."

****

Nagtataka si Thea sa hindi pamilyar na paligid na bumungad sa kanya.

Ang huling natatandaan niya ay nakatayo siya sa labas ng kanyang grocery store at hinihintay ang kapatid na si Andrew na susundo sa kanya.

Mr High Meets Ms. MightyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora