High & Mighty 30 (Epilogue)

15.5K 450 63
                                    

"Pa," itinaas ni Zeus ang dalawang mga kamay.

Yumuko si Zion at kinarga ang apat na taong gulang na anak. "Na-miss mo si Papa?" Pinupog niya ng ito ng halik at inilapag sa sofa. Ni-wrestling niya ito.

Humagikgik naman si Zeus. Ito ang paborito nilang laro ng anak. Paborito din ng misis niyang si Althea. Ngumisi siya ng pilyo, sa kama nga lang.

Speaking of his magandang misis. Kabuwanan na nito sa pangalawang anak nila. "Hi, love." Tumayo siya at hinalikan ito sa labi.

"Bakit late ka ng umuwi? Siguro may dinaanan ka pang iba no?" Singhal nito sa kanya na ikinatawa niya.

"Love, tinawagan kita diba? May inasikaso kami ni Poseidon."

Sinamaan siya ng tingin ni Althea. "Siguraduhin mo lang, Sarmiento. Kung hindi," ngumuso ito sa paborito nitong parte ng katawan niya. "Mapuputulan ka."

Napahawak si Zion sa hinaharap. "Love naman, huwag kang magbiro ng ganyan."

"Aw!"

Nalukot ang magandang mukha ng asawa. Natatarantang lumapit siya dito. "Bakit, love?"

"Bakit? Ano ba sa tingin m- a!"

Hindi alam ni Zion kung bubuhatin ang asawa o tatakbo palabas para tawagin ang kasambahay nila. Pangalawang anak na nila pero hindi parin siya sanay. At kailanman ay hindi masasanay sa sakit na nakalarawan sa mukha ng asawa.

Sa batang edad ay tila naiitindihan na ni Zeus ang nangyayari. Bumaba ito sa sofa at tumakbo papunta ng kusina. Pagbalik nito ay hila-hila na nito ang kanilang kasambahay.

"D*mn, Sarmiento. Manganganak na ako, ano pang ginagawa mo?" Sita ni Althea ng patakbo sana siyang lalabas.

Napakamot siya ng ulo, bumalik siya para buhatin ang asawa.

"The keys." Babalik sana siya ng masalubong ang driver nila.

"Ser, nandito na ho." Binuksan nito ang pinto sa likod.

Agad naman niyang ipinasok si Thea at niyakap ito at hinalikan sa noo.

"You can do it, love."

Pagdating nila sa hospital ay hinahawi niya ang bawat lalakeng nurse na humahawak sa stretcher ng asawa at sinasamaan ng tingin.

"T*ngin* mo, Sarmiento. Hindi ka na makakaulit." Sigaw ni Thea habang hawak ang kanyang mga kamay.

D*mn, hindi na talaga. Ayaw na niyang makita ang asawa na nahihirapan ng ganito. Doble ang dating ng sakit sa kanya.

"Zeus, meet your sister." Pasimpleng pinunasan ni Zion ang luha. Inilapit niya ang sanggol na mala-anghel ang mukha sa anak na si Zeus. Hindi maipagkakailang ang asawang si Althea ang kamukha nito.

Hinalikan niya ang noo ng natutulog pang asawa. "You did great, love."

He uttered a thankful prayer.

***

"I'm sorry, Mr. Sarmiento. They're gone."

Halos dumugo ang kamay ni Zion sa pagkaka-kuyom, ganoon din si Poseidon.

Wala silang magawang magkapatid kundi pagmasdan ang labi ng kapatid ni King at hipag na si Queenie na ngayon ay nakatakip na sa puting kumot habang isinasakay sa ambulancia.

Kung hindi maagap si Thea sa pagyakap sa kanya ay baka tuluyan na siyang napaluhod. Masyado silang naging abala ni Poseidon at hindi nila naagapan ang aksidenteng kinasangkutan ng mag-asawa.

"D*mn, p*p*tayin ko ang walang h*yang iyon."

"Shhh---, nasa impiy*rno na siya ngayon love at pinagbabayaran na ang kasalanan niya." Pilit na pinatatag ni Thea ang loob para kay Zion.

"Mr. Sarmiento, buhay ho ang pamangkin niyo." Napatakbo sila ni Thea palapit sa pulis na may karga kay Quen Hades.

Kinuha ni Zion si Quen mula sa pulis at niyakap ng mahigpit.

"Tito can—t breath."

"I'm sorry, Tito is here. I won't leave you."

Nagkatinginan sila ng kapatid na si Poseidon. King maybe gone but they are thankful that their nephew is alive.

"It's my fault, I became too occupied taking care of other people's business. D*mn, hindi ko man lang napansin na may banta sa buhay ni King." Sisi ni Poseidon sa sarili.

"No, it's mine." Zion.

Lumapit si Pamela Storm sa kanila at kinuha si Quen. "It's nobody's fault. Think of Quen, he needs you both."

"Tama si Pamela." Kung dati ay inis na inis dito si Thea, ngayon ay magkakampi na silang dalawa ni Pamela Storm na ngayon ay asawa na ni Poseidon.

Malaking dagok man ang dumating sa pamilya Sarmiento sa pagkawala ng pinakabatang kapatid nila na si King ay kailangan nilang maging matatag. Para sa Olympus, para sa kanilang pamilya at para kay Quen.

He has his wife Thea, son Zeus and daughter Aphrodite and now Quen. Poseidon has Pamela Storm, son Thor Adam and daughter Jenna Storm.

Zion and Poseidon both learned from their own mistakes. They made sure that their families are guarded before they protect others. They've taught their children how to fight and use different types of weapons.

They vowed to protect their families and the innocent like their brother King. 

Olympus expanded, and their enemies multiply.

But they are not backing down.

D*mn the corrupt.

D*mn those criminals.

D*mn those druglords.

They are the Sarmiento Clan.

And they are coming.

Be ready to be blown away.

Not just by their bravery and beauty.

But by their love, humor and loyalty.

--WAKAS--

A/N

May mga tanong kayo na nandito yung sagot.

Bibitinin ko muna kayo este hanggang dito nalang muna ang story ni Zion at Althea.

Nasa ibang story pa naman si Zion at Thea.

Hindi sila magtatapos dito.

Poseidon and Pamela Storm? Malay niyo sapian si author ng kasipagan. hahaha

Thank you guys.

At last, tapos na yung story nila.

Thank you for being here kahit taon ata bago ko nahanap ang sarili ko bago makapagsulat ulet.

Sa mga malapit, pwede tayong mag-meet.

Just pm me sa FB Group "Kaibigang ShyWriter07" latest group.

Sa Page just hit the like button. "ShyWriter07"

Fb kung interesado kayo sa mukha kong hindi kagandahan hahahah "Carie Jane Corpuz"

Next is Thor.

Then edit ng ibang Sarmiento Stories.

Then si Zeus.

Wish me luck guys. Hopefully I can publish one of them. At sana suportahan niyo parin ako.

I love you all.

---Shy Seven

Mr High Meets Ms. MightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon