High & Mighty 24

9.5K 351 24
                                    

Napakunot ang noo ni Thea ng puting kisame ang sumalubong pagmulat ng kanyang mga mata.

"Nasaan ako?"

Napaupo siya ng mapansing puti ang suot niyang damit. Bigla siyang kinabahan. Patay na ba siya? Natamaan ba siya ng bala sa puso habang natutulog sa likod ni Zion?

"Hindi pwede," halos maiyak na si Thea sa mga naisip. "Hindi po ako mabait Lord, huwag niyo muna ako ku-."

Napatigil si Thea sa pagsasalita ng makarinig ng hilik. "May humihilik pala dito sa langit?"

Muling napakunot si Thea ng may lumagabog kasunod ng nasasaktang pag-ungol. Tumayo siya at marahas na hinawi ang puting kurtina sa gilid niya.

Bumungad kay Thea ang nasa sahig na si Pablo. Nakatagilid ang lalake hawak ang likod at paulit-ulit na nagmumura ng mahina.

Pagdako ng mga mata ni Thea sa isang single bed ay naroon si Zion. Nakatagilid din ito at ginawang unan ang magkalapat na mga palad.. Napangiti si Thea, mukhang baby ang sexy love niya.

Dahil nawili si Thea sa pagtitig sa gwapong mukha ni Zion, hindi niya napansin ang pagtayo ni Pablo.

At lalong hindi niya iniaasahan ang pagtulak nito kay Zion dahilan ng pagka-laglag ni sexy love niya sa sahig.

"F*ck! Sinong tumulak sa akin?" Hawak nito ang braso at nakangiwi. Iyon kasi ang unang tumama sa sahig.

"T*ng in*, ikaw ang unang tumulak sa akin."

"Anong akong ako? Ang sarap ng tulog ko, g*go!"

"Sa kakasiksik mo sa akin, nahulog ako."

Tumayo si Zion at hinarap si Pablo. "Kaka-siksik? Ang kapal ng mukha mo. Hindi kita type para sumiksik ako sayo."

Napahawak nalang si Thea sa noo, ewan niya talaga kung ano ang meron sa mga ito. Minsan parang mga timang na nagtatawanan tapos ngayon nagsisigawan.

Nagpasalamat si Thea sa kung sino mang nagbukas ng pinto dahilan upang matigil ang sagutan ng dalawang lalake.

Pumasok ang isang magandang babae. Bagay sa maamo nitong mukha ang puting uniform na suot.

Ngumiti ang nurse.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, ma'am?"

Pinakiramdaman ni Thea ang sarili. Wala namang masakit. At lalong wala na siyang nararamdamang pagod. Pero teka, bakit ba siya nandito sa hospital?

"Ano bang sakit ko?" Kinakabahan man ay kailangang malaman ni Thea ang totoo.

Natawa naman ng mahinhin ang babae. "Nakatulog kasi kayo, ma'am. Akala ni sir may nangyari masama na sa iyo."

Nalukot ang mukha ni Thea ng mapang-akit na tumingin ang babae kay Zion. Hindi pa nakontento ang babae ay nagsulat ito sa chart na hawak at ini-abot kay Zion.

Ang kanina'y magandang pakiramdam ni Thea ay napalitan ng pagka-irita.

Hinablot niya ang chart sa nagtatakang si Zion. Humigpit ang hawak ni Thea sa chart. Hindi nga nagkamali siya nagkamali, numero nito ang isinulat sa chart.

Nanlaki ang mata ng nurse, marahil ay hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Anong akala nito? Tatayo nalang siya at walang gagawin sa lantarang paglandi nito kay Zion?

At ito namang lalaking ito, may landi rin palang itinatago. Tinignan niya ng masama si Zion.

Halos magdilim ang paningin ni Thea. Nang sumilay ang pilyong ngiti sa labi ng lalaki. "At nakuha pa nitong ngumiti?"

Mr High Meets Ms. MightyOnde histórias criam vida. Descubra agora