High and Mighty 17

10.6K 394 13
                                    

Abala si Zion sa kanyang telepono habang si Thea ay hindi parin makapaniwala. Akala niya ay sa mga pelikula lang nangyayari ang mga bagay na iyon.

Parang muling hinalukay ang kanyang tiyan nang maalala ang mga dugo kanina. Sapul lahat at wala man lang itinirang buhay si Zion.

Gustong makonsensiya ni Thea, paano ang pamilya nila? Diba kasalanan sa Diyos ang pumatay?

"Here,"

Napapitlag si Thea ng may mainit na bagay ang bahagyang dumapo sa kanyang balat.

"Take this," hindi niya namalayang nakalapit na pala si Zion sa kanya. Hawak ng lalake ang isang tasang kape.

Pinagmasdan ni Thea si Zion, heto siya at kinakain na ng kanyang konsensiya samantalang si Zion ay walang bakas ng pagsisi sa gwapong mukha nito.

"Oo, gwapo parin ito." Sa paningin ni Thea.

Kinuha ni Zion ang isang kamay ni Thea at maingat na inilagay ang kape sa palad ng huli.

"I know, you have a lot in mind right now." Binasag ni Zion ang katahimikan.

"Trust me, hindi kita hahayaang masaktan."

Hindi alam ni Thea kung bakit naging panatag ang kalooban niya sa sinabi nito. Marami siyang gustong itanong sa lalake pero pinigil niya ang sarili. Alam niyang hindi ito ang tamang panahon para dito.

"They already cleaned the mess, we need to go back in an hour.

Hindi parin kumikibo si Thea hanggang sa lulan na sila ng chopper pabalik sa siyudad. Si Zion ay nananatili ding tahimik sa kanyang tabi.

"Thea," nag-aalalang mukha ni Poseidon ang sumalubong sa kanila ni Zion.

"Are you okay?" nagulat si Thea ng bigla na lamang siyang yakapin ni Poseidon.

"O- - kay lang po boss." Kung dati ay pangarap lang ni Thea ang mga ganitong eksena. Ngayon ay totoo na. Kung si Zion ay amoy lalakeng lalake, ang boss naman niya ay amoy fresh.

Nabitin ang pagsinghot ni Thea sa ere ng may humatak sa kanya palayo kay Poseidon.

"Let's go." Madilim ang mukhang saad ni Zion.

"D*mn," malutong na mura ni Poseidon. "Bakit hindi kayo nag ingat?" Masama nitong tinignan ang kapatid na si Zion. "I told you to take care of her, what have you done?"

Blangko namang sinalubong ni Zion ang galit ng kapatid.

"Muntik na siyang mapahamak." Poseidon.

"Muntik diba?" madiin namang sagot ni Zion. "That means it never happened." Papilosopong sagot ni Zion sa kapatid.

"D*mn Zion, ayusin mo yang pagsagot mo sa akin." Tila nagbubuga na ng apoy sa galit ang mata ni Poseidon. "I'm older than you."

Tumawa ng mapait si Zion. "Older?" umiling ito. "It's your fault, if o- -" hindi na naituloy ni Zion ang sasabihin ng sugurin ito ni Poseidon ng suntok.

Napatili si Thea nang gumanti ng suntok si Zion. "Ano ba kayo?" Agad niyang dinaluhan ang dalawa. "Tumigil kayo," pumagitna siya at itinulak si Poseidon. "Tama na." Humihingal ng mapaghiwalay niya ang dalawa.

Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. "Para kayong mga bata." Tila iisang katawan na sabay pang pinahid ng mga ito ang dumudugong bibig.

Nalaman ni Thea na ang nagtangka sa kanya ay ang mga tauhan ni Congressman Terrado. Paano nakita ng mga ito ang nilagay niyang mga maliliit na camera?

"Buboy, Andrea," lumapit siya sa amin at mahinang nagsalita. "Nandito siya."

"Sino?" kunot noo kong tanong. Hindi ko maintindihan ang sinsasbi ng matanda.

Mr High Meets Ms. MightyWhere stories live. Discover now