High and Mighty 12

10K 367 4
                                    

Mabilis kong pinalis ang butil butil na pawis sa aking noo. Sana ay makalabas pa ako dito ng buhay at hindi madamay ang walang kamuwang-muwang na si aling Sonia.

"Miss ganda, tapos ka na?

Ngumiti ako. "Oho, salamat ho." Pinakiramdaman ko siya. Mukhang hindi naman siya naghinala sa akin. Matagumpay kong nailagay ang tatlong spy camera. Isa sa papasok sa banyo, sa figurine na malapit sa lutuan at ang isa ay sa papasok sa sala ng bahay.

"Good job." Papuri ni Zion.

Mayroon pa akong dalawa.

"Akala namin, sinolo mo na si Miss Butiful." Nakangising bungad ng isa sa mga bantay dito sa bahay. Nagtawanan naman ang iba.

Sinuri ko ang lugar kung saan sila nagkumpulan. Isa itong control room na yari sa salamin kaya kitang-kita ko ang mga monitor ng computers sa loob. May mga baril na nakatambak sa bandang gilid.

Pasimple kong hinawakan ang aking dibdib para i-zoom ang camera.

Sunod-sunod na nagmura si Zion.

"D*mn, get out of there now!"

"Sana pare, pero mas gusto ko share-share tayo." Nagtawanan ang mga ito.

"Ma--walang galang na ho mga ser," Nanginginig man ang mga labi ay nagawa parin itong sabihin ni aling Sonia. "Magpapa-alam na ho sana kami nitong pamangkin ko." Nag-aalalang tumingin sa akin ang matanda.

Tumango lang ako, tanda okay lang ako.

"Pwede na kayong umuwi, aling Sonia. Iwan mo na dito si miss butipul." Ngumisi ang lalaki, nakita ko tuloy ang ngipin niyang nagkukulay ginto na. Iww!

Nanginginig na tumawa si aling Sonia. "Hi-ndo ho pwede, mga ser. Ba-ka ho hanapin siya ng asawa niya."

Dumikit ako kay aling Sonia, marahan kong hinaplos ang likod para pakalmahin siya.

Muling umalingawngaw ang mala demonyong tawanan ng mga ito. "Mas masarap kami sa asawa mo."

Lumapit ito sa akin at akmang hahawakan ako ng lumabas ang lalaking nasa tapat ng monitor. "Tama na yan, parating na si Boss." Saway nito.

Nataranta naman yung mga lalake. "Pano sila?" Tukoy sa amin ni aling Sonia.

"Padaanin niyo sa sila sa likod, malilintikan tayo kay bossing kapag nalamang nagpapasok tayo dito." Saad ni Dwayne Johnson ang katawan pero kamukha ni Mr. Suave.

Dalawang lalake ang lumapit sa amin ni aling Sonia. Hinawakan ang aming mga braso at hinatak. "Bilisan niyo!"

Iginiya kami sa ng mga lalaki gilid kung saan ay hindi mo mapapansing mayroong maliit na hagdang kasya lang sa dalawang tao pababa sa dagat. Naunang bumaba sila aling Sonya na gustong-gusto ko sipain ang lalaking kumakaladkad dito. Pati narin ang lalaking nakahawak ng mariin sa braso ko.

Pagpaba ay isang hindi kalakihang daungan ang tumambad sa amin. May tatlong speedboat at dalawang bangkang de motor. "Diyan kayo dumaan," turo ng lalaking may hawak kay aling Sonia sa isang maliit na pintuan na kakulay ng pader. "Dire-diretsuhin niyo lang. Paglabas niyo ay pamilyar na sa inyo ang daan."

"Salamat ho ser." Naka-hinga ng malauwag na saad ni aling Sonia.

"Balik ka dito miss, papasayan ka namin."

Kumuyom ng mariin ang aking kamao nang bitawan niya ako at nakakadiring haplos ang ginawa niya sa braso ko.

"Tama na yan, halika na!" Tinulak ito ng lalaking kanina ay may hawak kay aling Sonia. Malalaki ang mga hakbang na bumalik sa sila sa malaking bahay.

Nang mawala sila sa aming paningin ay halos mitumba ang matanda sa panghihina. Agad ko siyang inalalayan.

"Pasensya ka na Andrea, akala ko ay hindi na kita makakasamang lumabas." Naiiyak niyang saad.

Hinawakan ko ang kamay ni aling Sonia. "Huwag na ho kayong mag-alala, ang mahalaga ho ay kasama niyo ho ako nangayon."

"Hindi niyo lang ho alam, ang laki ng naitulong niyo." Piping saad ko, habang hinahaplos ko ng isa kong kamay ang balikat niya.

"Umuwi na tayo, Andrea."

"Si-ge ho."

Inalalayan ko siya hanggang sa pintuang palabas. Binuksan ko ito at pinauna. Palihim kong tinanggal ang singsing sa aking kamay. "Hala," tinaas ko ang kamay ko at pinakita sa matanda. "nawawala ho yung singsing ko."

Syetness! Di ako makaiyak. Konting push pa Thea.

"Aling Sonia, magagalit ho ang asawa ko. Dugo at pawis ang ipinuhunan niya para mabili ang singsing na yun. " Madramang saad ko.

"No! That's enough." Mariing tutol ni Zion sa kabilang linya.

"Pano yan ineng?"

"Mauna na ho kayo, susunod ako." Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na mura ni Zion.

"Hindi maari, kasama kitang pumunta dito, dapat kasama din kitang umuwi." Determinadong sabi ng matanda.

Nag-isip ako ng paraan paano ko siya makukumbinsing mauna sa akin. "Sige ho aling Sonia, ganito nalang." Hinawakan ko ang ang balikat niya at marahan ko siyang iginiya palabas. "Hintayin niyo nalang ho ako diyan sa labas ng pinto. Isasara ko ho muna para hindi ho nila mapansin."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako, "Oho."

Napipilitang pinakawalan nito ang aking kamay na nakahawak sa kanya. "Mag-iingat ka, ineng. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama." Bumakas ulit ang pag-aala sa mukha ng matanda.

"Oho, babalik ho agad ako."

"F*ck, F*ck, F*ck!" Muling nagmura si Zion.

Dumikit ako sa pader ng muli akong makapasok at patagilid na lumakad. Sa kalkula ko ay hindi ako abot ng cctvng nakaharap sa daungan.

Kasalukuyan kong kinakabit ang isa pang camera ng makarinig ako ng mga yabag.

Mabilis akong kumilos at nagtago sa ilalam ng hagdan. Bumilis ang tahip ng dibdib ko ng makita ang dalawang paang pansamantang tumigil sa ika-apat na baitang bago sa buhangin. Napakurap-kurap ako nang makipagtitigan sa akin ang dulo ng baril.

Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sa paningin ko ang paa at baril. Muli kong itinuloy ang ginagawa ko ng matapos ay mabilis ngunit maingat kong nilisan ang lugar na iyon.

Naabutan ko si aling Sonia na nakaupo nakapikit ang mata at magkasiklop ang mga palad.

"Aling Sonia." Hinawakan ko ito at marahang niyugyog ang balikat.

Agad itong nagmulat ng mata. "Andrea!" Naiiyak na yumakap sa siya akin. "Salamat sa Diyos!"

"Umuwi na ho tayo."





Mr High Meets Ms. MightyМесто, где живут истории. Откройте их для себя