High and Mighty - 7

12.3K 415 11
                                    

"Isa, dalawa," ini-ikot ko ang night vision binocular na hawak ko habang nagkukubli sa malaking puno Nasa kanang bahagi ako, samantalang nasa kaliwa si Zion. Wala ding nagawa si Zion kundi isama ako. "Tatlo, apat, lima," bilang ko sa mga lalakeng may dala-dalang mahahabang baril habang naglalakad sa paligid ng bahay. Mataas ang mga pader at may bantay sa lahat ng bahagi. Saan ako pwede tumakas sakaling mahuli ako?

Napapitlag ako ng biglang may humawak sa aking balikat. Hinawakan ko ang kamay at umikot ako para makapwersa sa isang sipa ng makawala ito sa pagkakahawak ko. Sa sobrang bilis ng kilos nito ay natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakasandal sa puno habang nakadiin ang katawaan sa akin. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapag sino ito.

"Shhhhh, that's it for tonight."

Napakurap-kurap ako, paano ito nakalapit sa akin ng hindi ko nararamdaman?

"Umuwi na tayo." Mahina niyang saad. Maingat niyang tinaggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

Itinukod ko ang aking kamay sa dibdib niya at marahan ko siyang itinulak upang makawala. Naiilang ako sa init na nagmumula sa katawan nito.

Walang imikang mabilis naming nilisan ang lugar na iyon.

Tanaw ko na ang kubong tinutuluyan namin nang maisipan kong tanggalin ang sapatos kong suot. Napapikit ako sa ginhawang hatid ng malamig na buhangin sa aking talampakan. Masarap din sa tenga ang hampas ng mga alon, idagdag pa ang mabining hanging dumadampi sa aking balat.

"Why did you chose this job?"

Muntik ko ng makalimutan na may kasama ako kung hindi ito nagsalita. Katulad kanina ay hindi ko namalayang nasa tabi ko na siya.

Masyado lamang ba akong nawili? Pangalawang beses na, na hindi ko namalayang nakalapit siya.

Napamulat ako. "Hmmmm, dahil gusto ko." natawa ako. Tumingala ako, tila nagpapaligsahan ang mga bituin sa pagkislap. Maging ang buwan ay nagpapakitang gilas din sa liwanag nito.

"It doesn't suit you."

Nabura ang ngiti sa aking mga labi. Panira ng mood eh. "What do you mean? Na para lang sa inyong mga lalaki ang trabahong ito?"

"No, I didn't mean that." Tanggi niya.

"Eh an----" nalunod sa loob ng bibig ko ang tanong ko. Sa isang iglap ay nakalapat na ang malambot at mainit niyang labi sa birhen kong labi.

Nanigas ako, napapikit,nanibago. Nawalan ng lakas ang aking kamay para itulak siya dahil sa bawat paghagod ng labi niya ay naghahatid ng masarap ng kilabot sa aking katawan. Nakakawala sa sarili.

Ang kanina'y nakapinid na mga labi ay bumukas, tuluyan ng pinapasok ang hindi inaasahang panauhin.

Impit akong napaungol nang makapasok ang malikot niyang dila sa aking bibig. Kung hindi lang sa maagap niyang paghawak sa aking bewang, marahil ay napaluhod na ako sa tuluyang panlambot ng aking mga tuhod.

Ngayon ko napatunayang madali akong matuto. Sa ilang segundong nakalipas ay natuto akong gayahin ang bawat galaw ng kanyang mga labi.

Natigilan ako ng makarinig ng mga yabag. Labag man sa loob ko ay kinakailangan kong putulin ang halikan namin ni Zion. Ipon ang natitirang lakas ay habol ang hiningang inilayo ko ang aking mga labi. "May ta—" hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng muli niyang huliin ang aking mga labi.

"Buboy?"

Kasabay ng pagtawag kay Zion ang flashlight na tumutok sa aming mukha.

Mabilis akong humiwalay kay Zion at nagtago sa likod nita. Uminit ang aking buong mukha dahil sa kahihiyan.

"Oho."

"Akala naming kung sinong ng binata at dalagang naglalampungan. Kayo palang mag-asawa."

"Hindi ho kasi makatulog si misis, inaya ko siyang maglakad-lakad baka sakaling dalawin siya ng antok kapag napagod" saad ni Zion.

"Pwede kayong maglakad lakad sa lugar natin kahit anong oras ninyo gusto. Ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang kabilang bahagi ng isla." nakalarawan ang takot sa mukha ni Mang Andring.

"Bakit naman ho?" Zion

"Pribado ang lugar na iyon Buboy, magmula ng mamatay si Erning ay hindi na kami nagawi roon."

Nagtama ang aming mga mata ni Zion.

"Andring, halika na para makarami tayo!" sigaw ng isa sa mga kasama nitong nagtutulak na ng bangka patungo sa dalampasigan.

"Buboy, Andrea, saka na tayo magkwentuhan."

Namayani ang katahimikan habang tinatanaw namin ni Zion ang papalayong si Mang Andring.

"I think they kne---" Zion was caught of guard ng dahil sa palad kong dumapo sa pisngi niya.

Bigla kong naalala ang paghalik niya sa akin.

Ginalaw-galaw ni Zion ang panga, maya-maya ay tumawa ito.

"Anong nakakatawa? Pagkatapos mong pagsamantalahan ang labi ko!" Wala na akong pakialam kung naglabasan ang ugat sa leeg ko dahil sa galit.

"Wo, easy. Ano sa tingin mo ang iisipin nila, nandito tayo at this hour? Look." Itinuro niya ang damit. "We are wearing this." Tukoy niya sa suot naming all black. "Kung hindi kita hinalikan, mapapansin nilang may mali sa suot natin. I'm just being careful."

Imbes na huminahon sa paliwanag ni Zion ay mas nangigil ako galit. Ng dahil dun nawala ang first kiss ko?

"Thea bakit ka disappointed?"

"Huwag kang papasok sa kwarto baka mapatay kita!" Padarag akong tumalikod at mabibigat ang hakabang na iniwan siya. Hindi ko alam bakit ako disappointed.

"Dahil gusto mo ang halik niya."

Pinilig ko ang ulo ko para putulin ang panunudyo ng isang bahagi ng utak ko.

Pagpasok ko sa aming kwarto ay kinuha ko ang unan ni Zion at pinagsusuntok.

"Buset kang epal ka! Wala lang pala sayo ha?" Gigil kong muling sununtok ang unan. "Samantalang navirgin mo ang lips ko. G*go k! G*go ka!"

Humihingal akong tumigil ng marinig ko ang paglangitngit ng pinto tanda ng pagpasok niya. Agad akong sumampa sa papag at nagtalukbong ng kumot. Uminit ang aking pisngi, pakiramdam ko ay nakadikit parin ang mainit nitong labi sa kanyang labi. 

***

Hoping magtuloy-tuloy na ang mga brain cells ko.

Pasensya ng marami...

Shy___

Mr High Meets Ms. Mightyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن