Mystic 18 - P.E.

40 5 0
                                    

Kinakabahan ako. Sana naman kayanin ko kung ano mang examination ang hinanda para sa akin dito.

Nung nasa Earth ako, madali lang para sa akin ang makapasa. Isa akong athlete kahit hindi ako palagiang pumapasok doon. Pero kung ikukumpara naman ang mga kaya kong gawin sa mga Mysticians aba e walang wala ako sa kanila.

Hindi ko maiwasang pagpawisan.

Pangatlo pa ako.

Nauna ng makapasok si Luke at ako na ang sunod.

"Bhie, chillax ka lang diyan. Bat ka naman natetense?" Pagkausap sa akin ni Femme. Nahalata niya rin pala.

"Wala 'to. Ganto talaga ako kapag nacucurious." Pagrarason ko.

"Kung inaalala mo yung exam, don't worry. Easy lang yun. Walang grado grado. Dinidepende lang sa performance mo." Performance. So kapag naobserbahan nila na meron ako nung hinahanap nila, pasado ako.

Hindi pa rin naman sigurado.

"Cutie." Lumapit sa akin si Jake at bumulong.

"Mind link." Saad niya.

Agad ko namang binuksan ang isipan ko.

"Okay na ba? Naririnig mo na ako?" Pagtatanong niya.

"Oo. Bakit?" Sagot ko naman.

"May alam ka ba sa basic self defense...or any fighting technique?" May kinalaman siguro to sa exam.

"M-medyo." Kinakabahan tuloy ako lalo sa mga tanong niya.

"Good. Then what about weapons? May kaya ka bang gamitin na kahit anong weapon?" Don't tell me...gagamit ng ganon sa Physical?? Omg.

"Hmmmm. Kutsilyo lang alam kong hawakan muehehe." Nakasanayan ko na gamitin yun dahil pinagluluto ko na sarili ko ng ilang taon. Yun lang ang alam kong gamitin na deadly weapon.

"Daggers. Just pick the dagger. Or any blade you see there. Accompany it with your fists and kicks." Dang.

"Kakailanganin ba ng mga ganon? 'Di ako prepared shems!" Kahit kailan 'di pa ako gumamit ng mga ganon. Hanggang manual lang ako, sipa't suntok lang talaga ang gamit ko kapag nasa delikadong sitwasyon ako.

"Yup. Just trust me on this. Ikaw na sunod."  Ako na pala.

"Thank you Cutie Nerd. Lab mo talaga ako.  Isa kang tunay na kaibigan." Mabuti na lang pala at may kasama akong maraming alam HAHA!

"Basta ikaw." Awww. Saka ako nakipagfistbump sa kanya.

"Ikaw na Bhie! Galingan mo ah! Labyuuuuuu muah!" Niyakap niya na ako lahat lahat.

Tapos na si Luke. Tumagal rin siya ng halos dalawampung minuto don.

Paano pa kaya ako? Kung si Luke ay tumagal doon paano pa ako? Nakita ko kung anong kaya niyang gawin, nasaksihan ko na wala pang isang minuto ay napabagsak niya na kaagad ang dalawang rogues.

Hays!

Kaya mo yan. Kaya mo 'to!

Naiiba naman daw ang exam ko sabi ni Mantsa. Pagkakatiwalaan ko na lang ang sinabi niya pati na rin ang tulong ni Cutie Nerd.

Pumikit ako ng madiin at hinakbang ang aking paa papasok sa isang kwarto na parang nagmistulang isang malawak na court.

Nilibot ko ang aking paningin dahil namangha ako sa unti-unting pagkakaroon ng barrier sa buong paligid na umabot pa hanggang sa itaas.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansDove le storie prendono vita. Scoprilo ora