Mystic 4 - Comeback

40 4 0
                                    

Nagising ako dahil naramdaman kong may kung anong makati sa ilong ko. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya kinusot kusot ko pa mga mata ko.

Abala ako sa pagstretching habang nakapikit ang mga mata nang may narinig akong matipunong boses.

"Ginising na kita Miss.Guanza. Kailangan mo pa po kasi dumaan kay Mr. Williams."

Ah buti nalang, sakto pang nakalimutan kong mag-alarm. Nakatulog na din kasi ako sa pagod. Sinilip ko ang bintana at nakitang hindi pa maliwanag. Tinignan ko kung anong oras na sa vintage style wall clock.

5:15 am.

Saka ko lang napagtanto... t-teka may boses? Napatigil ako ng ilang segundo at tumingin ng dahan dahan sa nakatayong pigura sa tabi ko.

"D-daemon?! Papaano ka nakapasok dito?" Gulat kong tanong. Nagtataka ako dahil sinigurado ko namang nakalock lahat ng bintana at pinto bago pa ako natulog.

"May susi din ako Bia." Woah, tas for the first time tinawag niya akong Bia.

OHMYGAHD!

Makalat pa naman itsura ko kapag kagigising ko lang. Ewan ko pero nataranta na lang ako at agad dumapo ang kamay ko sa mga mata ko para mag-alis ng muta kung meron man. Nakakahiya.

Saka ko lang naramdaman na ang lambot ng inuupuan ko. Paanong nandito...

"Uhmm, Daemon?"

"Ano po yun Miss Guanza?" Sabi kong Bia na lang eh.

"Nung pumasok ka ba, nakita mong nakatulog ako dito sa kama?" Sa pagkakaalala ko ay sa sahig ako natulog.

Agad naman siyang sumagot gamit ang tango. Baka nagsleep walk nanaman ako. Nangyari na din sa akin iyon non eh ngayon lang ulit naulit.

"Nagdalawang isip pa nga ako kung gigisingin pa kita sa sobrang sarap ng tulog mo." Sabay ngiti niya. Woah, hindi ko maiwasang mamangha sa ngiti niya.

Ang aliwalas kasi ng mukha niya pag ngumingiti, taliwas sa malapoker face niyang ekspresyon kahapon. Maganda yata ang gising niya ngayon.

"Ang ganda ng ngiti mo." Banggit ko.

Bigla namang bumalik ang usual poker face niya at tumalikod sa akin.

"May problema ba?" Hindi niya ba nagustuhan yung sinabi ko?

Kahit nga ako nagulat din sa lumabas sa bibig ko.

"Dinala ko na yung mga gagamitin mong uniporme. Nasa mesa na kasama ng schedule mo. Hintayin ko na lang po kayo sa labas Miss Guanza." Bumalik nanaman siya sa dati. Ang weirdo, kakaibang tagapagsilbi, medyo suplado.

Bumangon na ako at tinignan ang schedule ko. 7:00 am (History Class). History. Ang gustong gusto kong asignatura sa lahat. Naliliwanagan din kasi ako sa katotohanan.

Agad akong dumiretso sa banyo. De shower pala dito, hindi naman ako ignorante para 'di malaman kung paano ito paganahin kaso nga lang ay hindi ako sanay.

Tabo tabo na ang gamit ko simula pa non.

Pagkatapos kong maligo ay saka ko lang napansin na hindi pala ako nakakuha ng damit.

Nakita ko naman na may maliit na drawer dito. Binuksan ko ito at nakita ang mga napakaraming mga gamit para sa hygiene. Nakatupi naman ang mga tuwalya sa gilid nito. Agad ko itong kinuha at itinapis ko na lang muna. Wala naman ng ibang tao dito kundi ako. Saka nasa labas na ang suplado kong tagapagsilbi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may nagsisilbi na sa akin pero wala naman akong magagawa kaya tinanggap ko na lang.

Lumabas ako ng banyo at hinanap ang kahon kung saan nakalagay and dalawang klase ng uniporme. Formal uniform at... para san kaya 'to? Physical Education?

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now