Mystic 8 - Welcome Examination

42 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa may naamoy akong amoy ulam.

Parang may nagluluto sa may kusina dahil nakakarinig din ako ng tunog ng mga pinggan.

Napabalikwas ako ng bangon at napansin ko na nasa kama nanaman ako.

Hindi na ito basta sleep walk. Malalaman ko din kung bakit ako nadadala dito.

Bumaba ako sa kama at pinuntahan kung saan nanggagaling ang amoy na iyon.

Sa kusina nga.

Bumungad sa akin ang pamilyar na tindig at likuran.

"Maupo ka na diyan Miss Guanza. Luto na ang agahan mo."

Wag mong sabihing kahit ang mga bagay na ito ay ginagawa niya pa para sa akin?

"Hindi mo naman kailangang gawin ito Daemon. Kaya ko na ang sarili ko."

Tsaka hindi naman na talaga ako kumakain sa umaga.

"Kailangan mo ng masanay ngayon. Iniutos din sa akin ni Mr.Williams na ipaghanda ka tuwing umaga. Sabi niya, hindi ka na kumakain ng breakfast at hindi na raw iyon mangyayari pa."

Nawalan na din kasi ako ng ganang kumain tuwing umaga. Nung kumpleto pa kami, lagi kaming sabay sabay kumakain lalo na pagkagising dahil hindi na naman namin magagawa pa iyon kapag nasa trabaho na si Papa.

Kaya nung nawala siya...kasunod ni mama...ay  nawawalan ako ng gana kaya hindi na ako kumakain ng agahan.

Andami niyang niluto. Meron pa ang paborito kong isda.

Sayang naman ang mga pagkain na niluto niya kapag tumanggi ako. Mukhang masarap pa naman. Idagdag mo pa ang effort niyang magluto ng maaga.

Hayss...sige na nga.

"Kakain na ako ng agahan kung sasabayan mo ako."

Tutal, nandyan naman na siya. Hindi din ako makakakain kapag may nakatingin sa akin lalo na kung hindi sumasabay. Awkward kaya kumain pag ganon.

"Sasabayan kita."

Napangiti ako sa sagot niya. Maganda din yata gising niya ngayon ah.

Kukuha na sana ako ng mga plato at kubyertos nung inunahan nanaman niya ako. Palagi na lang.

"Lagi mo na lang akong inuunahan sa mga gagawin ko." Hindi naman ako bata.

Hindi naman sa ayaw ko. Pero hindi rin naman kasi ako baldado.

Kaya kong gawin ang mga ginagawa niya para sakin.

"Obligasyon ko iyon bilang tagapagsilbi mo. Kumain na tayo. Maghahanda ka pa para sa okasyon mamaya."

Mamaya, kakausapin ko si Papa tungkol sa 'tagapagsilbi' na iyan.

Oo nga pala. Mamaya na. Ano bang dapat kong gawin?

Bago ko isipin iyon ay, nagsimula na akong maglagay ng kanin sa aking plato.

At nung kukuha na sana ako ng ulam ay pinaglagyan niya na ako nito.

Isdang nahimay na.

Bakit ba... parang tatay ka kung umasta? At ang bilis niya naman maghimay. Wala pang ni isang tinik. Simot ang isda. Ang galing niya sa halos lahat ng bagay.

Tao pa ba siya?

Oo nga pala...hindi.

"Pakiramdam ko isa akong bata sa ginagawa mo." Reklamo ko.

"Kumain ka na lang po Miss Guanza."

Nagulat ako sa sinabi niya. Tignan mo 'to. Nagsusuplado nanaman.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now