Mystic 1 - Night's Creature

77 5 0
                                    

Narinig kong tinatawag na ng punongguro ang aking pangalan, Biaane Guanza.

Umakyat ako sa stage ng nakataas ang noo at buong pusong tinanggap ang diploma, medalya at iba pang mga parangal kahit na mag-isa ko na lamang itong inabot.

Kinamayan ko ang punongguro at humarap sa mga nagtapos kasama ang kani-kanilang mga magulang. Wala na lang magawa kundi ngumiti na nauwi din naman sa pilit na ngiti habang nakaharap sa kamera bago yumuko at tuluyan na ngang bumaba sa entablado.

Hindi ko kasi maiwasang mainggit sa mga kabatch kong may kanya-kanyang bitbit na mga proud na supporters. Sana ol diba.

Ngayon lang naman talaga ako napilitan ngumiti e.

Dahil madali lang naman para sa akin ang gawin ito. Kahit alam ko at aminado naman akong wala na akong mga magulang, walang tunay na kaibigan, at tanging ang sarili ko na lamang ngayon ang inaasahan.

Hindi naman mahirap ngumiti basta't lagi kang tumingin sa positibong banda ng buhay. Iyon din ang turo sa akin noon ng aking mga magulang.

Alam ko din kasi na marami pang natitirang dahilan sa akin para gawin ito lalo na  ngayon, sa mga naabot at natanggap kong mga parangal, kung nagawa ko ba namang maging Valedictorian sa dami ng estudyante sa aming batch at paaralan, bakit ko pipigilan ang sarili kong ngumiti?

Ito na lang din naman ang magagawa at magsisilbing regalo ko para sa sarili ko, ang maging masaya.

Hindi dahil sa kulang ako sa taong sumusuporta sa akin, hindi ibig sabihin non na hindi na ko magiging masaya para sa aking sarili.

Dahil hindi ko nakakalimutan na laging may Diyos sa aking tabi, ang tanging kasama at natitirang nagmamahal sa akin ng sobra.

Sa kabila ng lahat ng nawala at napagdaanan ko, ay sobra sobrang biyaya at regalo naman ang ibinigay niya pagdating sa mga kaya kong gawin.

Dahil mayabang man sa tingin at pandinig ng iba, hindi maikakaila na kung ikukumpara sa mga kaedad ko ay angat ako sa halos lahat ng bagay pagdating sa mga kayang gawin. Mataas ang aking I.Q., magaling sa halos lahat ng trabaho, at hindi pa natatalo sa sanggol kahit lalaki pa yan.

Gawa na din siguro ng mga nakasanayan kong gawin o kaya natural na regalo na talaga ito mula pa nong aking pagkapanganak.

Kaya sa kabila ng lahat, nakayanan kong mag-isa. At eto na nga, sa wakas ay nakapagtapos na din ako ng Señior High School kahit walang natanggap na tulong mula sa ibang tao.

Sa labing walong taon kong pamumuhay sa mundo, labing dalawang taon ko din binuhay ang sarili ko sa lugar na kung saan 'di ka mabubuhay ng matagal kung wala kang pagsisikap at pagtatiyaga. Sabagay, sa lahat naman ng bagay ay kailangan ng pagsisikap.

Ang aming nayon ay isa sa mga pinakamahihirap na nayon sa siyudad ng N.Y.O. Napakababa ng pasahod, pinakaprobinsya sa mga probinsya, at tila nagmistulang bayan na ng mga multo sa sobrang katahimikan. Matatagpuan sa paanan ng bundok ng Mistika, bilang na bilang din ang nakatira dito, at malayo mula sa mataong bayan ng siyudad.

Ang paaralang pinagtapusan ko ay nilalakad ko pa ng ilang kilometro bago ko marating.

Wala akong magagawa dahil kailangan ko din naman magtipid para mabadyet ko ang kinikita ko mula sa mga pagsasideline ko. At isa pa, wala din namang bumabiyahe papunta sa amin, meron lang talaga yung nag-iisang matanda na sobrang sipag dahil kung minsan ay naihahatid niya pa ako hanggang sa may kalsada malapit sa bahay. Sa kasamaang palad, ay namayapa na din si manong.

Marami na rin ang nag-aalok sa akin na lumipat sa bayan. Pero sa hindi malamang dahilan, ay ayaw kong iwanan ang tahanan ko. Ang naisip ko na lang na dahilan ay dahil siguro sa marami akong ala-ala dito na kasama ng aking mga magulang.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now