Mystic 2 - Invitation

48 5 0
                                    

Simula nung gabing iyon, naging sunud-sunod na ang mga kaso ng nawawala sa aming baranggay.

Hindi pa nga nakaabot sa bayan ang balita sa una at pangalawang biktima, saka lang nila nalaman nung ang Kapitan na, na pangatlong biktima ang nawala.

Ang nakakainis pa doon ay walang nahahanap na katawan. Nairereport lang na "missing". Walang iniiwan na ebidensya, walang mga bakas ng dugo.

Ako lang ang nakakaalam.

Alam kong, hindi ito basta kaso ng missing na inaakala ng karamihan. Malakas ang pakiramdam ko na katulad ng nakita ko nung gabing iyon ang may kagagawan nito.

Pero wala akong magawa kundi ang tumahimik na lang.

Hindi ko naman pwedeng biglang sabihin na lang na "bampira ang gumagawa nyan!" Syempre baka paghinalaan pa akong baliw o kaya naman ay ang bumibiktima.

Kaya dahil sa mga pangyayari, ay namayani ang takot na mararamdaman sa bawat tao dito sa amin. Kukonti na nga lang kasi kami, binabawasan pa.

Naisip ko din naman na kung ako ang suspek ay dito talaga ang target ko.

Malayo sa mataong lugar, kulang ang mga ilaw sa gabi, magkakahiwalay ang mga bahay bahay at sobrang tahimik.

Kaya heto kami ngayon, nasa kanya kanyang bahay halos buong araw. Pagsapit nga ng alas singko ng hapon ay wala ng lumalabas sa kani-kanilang mga bahay. Pinatupad din kasi iyon ng pumalit na Kapitan para maiwasan na may mawala nanaman.

Kulang na nga lang ay maging kambing na ako sa pagkain ng mga dahon dahil tumagal lang ng dalawang linggo ang huling pamalengke ko.

Hindi naman ako makalabas dahil nag-iingat din ako, nagdulot din kasi ng kaunting trauma ang karanasan kong iyon. Buiset na halimaw e.

Sabi naman ng mga opisyales, magpapamigay daw ang mga taga bayan ng relief goods. Pero lagpas isang linggo na ng paghihintay, hanggang ngayon ay wala pa.

Buiset na mga paasa.

Kaya wala akong magawa kundi kumain na lang muna ng mga tanim diyan sa aking bakuran.

Imbes kasi sana na nakapagtrabaho na ako at may ipon na para sa kolehiyo ay mauubos lang pala ang aking bakasyon dito sa maliit na pamamahay ko.

Naisip ko nga kung papaano ko pa itutuloy ang pag-aaral ko. May unibersidad pa kayang tumatanggap ng scholar dito? Maipagpapatuloy ko pa ba ang pagkokolehiyo sa lalong madaling panahon?

Habang nakaupo ako at nag-iisip ng mga problema at posibleng solusyon, biglang may kumatok sa pintuan dito.

May maliit na butas sa taas banda ng aking pinto, sinilip ko muna kung sino iyon, nabibilang lang kasi ang bumibisita dito at nakakapagtakang may pupunta pa dito lalo na at wala naman na ang pinakamalapit na kapitbahay ko.

Sino namang dadayo dito sa liblib na bundok diba?

Wala namang tao.

Hinawakan ko ng mariin ang pamalo kong kahoy kung sakali bago ko binuksan ang pintuan. Walang tao, pero nakita ko sa may paanan ang isang maliit na kahon.

Ano naman kaya ito?

Kinuha ko ang kahon, sinarado ang pintuan at saka ko ito nilagay sa lamesa upang mapagmasdan ng maayos.

Hindi kaya ito nakakamatay?

Halos ilang minuto ko pa tinitigan ang kahon at pinag-iisipan kung bubuksan ko ba o hindi. Pero napakagara kasi ng kahon, kulay ginto at itim at mukhang hindi naman delikado.

Dahil na rin sa kuryosidad ay napagdesisyunan ko na lang na buksan ang kahon.

Ang laman nito ay isang liham at iba pang dokumento kasama ng isang I.D.

I.D.? Tinignan ko ang I.D at baka nagkamali lang ang nagpadala nito. Pero nakita ko ang pangalan at edad ko. Biaane Guanza, 17. 18 na ako ah? Baka nagkamali lang sila, wala pa din kasing larawan.

Sa itaas ng pangalan ay ang logo ng isang unibersidad. N.Y.O University?! Sa likod ng logo ay nakatatak ang isang letrang "D". Anong ibig sabihin neto?

Binuksan ko ang nakatuping kulay gintong papel,

From: Not Your Ordinary University
To: Biaane Guanza

Dear Ms. Guanza,

On behalf of everyone at N.Y.O. University, I am pleased to congratulate you on meeting the requirements of the university. We were very impressed by your academic history, achievements, and skills. We feel that you would make an excellent addition to the University alumni. After careful review of your history and personality, we are delighted to say that someone took interest and believed in you. You do not need to worry because he will be paying all the necessary payments for you.

Please find all the necessary enrollment forms enclosed with this letter. We appreciate you checking them out for possible errors and returning them to us on first day of classes by August 1 in order to ensure your enrollment at N.Y.O. University and facilitate the acceptance process for our program. We look forward to hearing from you.

We hope that you find it a fulfilling and helpful experience that gets you on the road to achieving your dreams. We wish you all the best!

Yours sincerely,

Emilia Feliciano

N.Y.O. University

Totoo ba 'to? N.Y.O. University?! Hindi ko alam na may sarili palang university ang nayon namin.

Aist. Bahala na. Kanina lang pinoproblema ko ang kolehiyo, ngayon sila na mismo lumapit sa akin. At may tao pang handang magbayad ng lahat para sa akin? Ano pang nirerekla-reklamo ko dba?

Pero 'di ko maiwasang magtaka, pinaiimbestigahan ba nila lahat ng potensiyal na mag-aaral dito? Paano nila nalaman lahat ng bagay tungkol sa akin? Nandirito din kasi ang mga personal kong impormasyon bukod nga lang sa walang nakalagay na larawan ko.

Nagsimula nanamang maglikot ang utak ko, iniisip lahat ng posibleng dahilan ng mga 'di pangkaraniwang kaso sa lugar, hanggang sa naisip ko ang misteryosong pangyayari nitong mga nakaraang araw lang.

Teka, ang pin mula sa nagligtas sa buhay ko! Agad ko itong hinanap at tinapat sa logo ng I.D. Parehas na parehas.

Bakit parang konektado na ang lahat? Maaring mabigyan ng kasagutan lahat ng katanungan ko dito sa paaralang ito. Dahil hindi lang naman ako ang witness sa nangyari nung gabi ng graduation ko e.

Ngayon, malakas na ang hatak ng lugar na ito sa akin.

Ang mga panaginip ko. Ang nakita ko. At ang mga kakaibang nangyayari sa paligid ko, nagkataon lang ba? Malakas ang pakiramdam ko na ang unibersidad na ito ang makakatulong sa akin na mahanap ang mga kasagutan sa aking mga katanungan.

Kailangan ko ng mag-impake. Nakalagay din kasi dito na dormitory school ito at hanggang sa magtapos ako dito saka lang ako makakalabas.

Wala na din namang maghihintay sa akin kaya kahit na bigyan kami ng oras na lumabas ay hindi ko din iyon gagawin.

Ito na lang din kasi ang natitirang pagpipilian ko kung gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral ko.

At isa pa, kailangan ko din malaman kung sino ang nagmagandang loob na pag-aralin ako, lalo na kung sino ang nagligtas ng aking buhay nung gabing iyon.

Walang pagaatubiling tinanggap ko ang alok ng paaralang ito.

Now, I'm out to find the truth behind these experiences.

Little did I know, that I'm already unconsciously landing in a world between human and extraordinary beings.

***
(pctto)

~ Vhin D.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now