Mystic 5 - First Day

45 3 0
                                    

Kamukhang kamukha niya. Pero ang kaibahan lang ay parang hindi siya tumanda.

Kamukha niya lang kaya?

Hindi e.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga matang iyon.

Huli ko siyang nakita noong magpipitong taong gulang pa lamang ako pero hinding hindi makakalimutan ang sarili kong tatay. Isa siyang mapagmahal na ama na gagawin ang lahat para sa amin ni Mama.

Kaya minahal ko siya...sobra.

Labis kaming nag-alala nung bigla siyang nawala ng ilang araw na kahit minsan ay 'di pa nangyayari, noon yon.

Hinanap namin siya sa pinagtatrabuhan niya, sa lahat ng kakilala niya at sa mga maari niyang puntahan. Pero sa kasamaang palad ay wala kaming nakita. Hanggang sa tumagal ng dalawang taon, nagkasakit si Mama at naiwan akong mag-isa.

12 years. Labing dalawang taon akong nabuhay mag-isa na walang kaalam alam na buhay pa pala ang ama ko. 8 years old pa lang ako non pero di niyo aakalaing kumakayod na ako para sa sarili ko.

Bakit kaya?

Gusto kong magalit pero bakit nananaig pa rin sakin ang pangungulila ko?

"Akala ko...akala ko wala ka na..." Naguguluhan kong saad.

Hindi ako makagalaw. Nanatili akong nakatayo habang tinititigan ang ama ko. Hindi ako makapaniwala.

"Anong nangyari sa'yo Papa?"

Pagkabitaw ko ng tanong na iyon ay sumikip ang dibdib ko dahil pinipigilan kong mapaluha.

Gusto ko lang naman ipakita sa kanya na nakayanan kong mag-isa.

Na naging matapang ako kahit na wala na sila ni Mama.

"Patawad prinsesa ko. M-magpapaliwanag ako." Napatayo siya at lumapit sa akin.

Wow.

Napaatras ako.

Magpapaliwanag?

Bakit ngayon lang?

"Sana bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag."

Bakit ngayon lang?

Tumalikod ako mula sa kanya at humarap sa aking "tagapagsilbi."

"Pasensya na pero...hindi ko pa kaya sa ngayon..." Mahina kong saad.

"Daemon, ihatid mo na ako sa klase ko. Pakiusap."

Kailangan kong umalis dito sa kwartong 'to. Alam kong bibigay na ang mga luha ko at nahihiya talaga akong ipakita iyon sa kanila.

Ayaw ko kasing nagmumukhang mahina. Ayos lang sana kung hindi nila ako nakikita e. 

Nasanay na akong umiyak mag-isa.

Agad namang sumunod si Daemon at sinamahan ako paalis doon.

Wala ako sa sariling naglalakad habang pinoproseso ang nangyari nung biglaang tumigil si Daemon sa harap ko na dahilan ng pagka-untog ng aking noo sa kaniyang malapad na likuran.

"Hindi dapat yan pinipigilan. Maaari mo namang hiramin muna ang likod ko ng may silbi din naman bilang tagapagsilbi mo." Si Daemon ba 'to?

"P-pero...*huk*..." Wala na. Bibigay na.

'Di ba nila alam na mas lalo kang napapaiyak kapag may nagcocomfort na sayo?

Kaya naman ay hindi ko na napigilang umiyak habang nakasandal ako sa kanyang likuran.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now