Mystic 10 - Real You

42 3 0
                                    

"Princess, gising na."

Mama?

Gusto ko pang matulog.

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng mahina at matinis na hagikhik na parang nagmumula sa isang bata.

Bata... bata?

Kalaunan ay nasundan ulit ito ng boses ng aking ama.

"Anak, gising na...may sorpresa si Papa sa'yo."

Pagkarinig ko ng sorpresa ay agad akong bumangon. 'Di man obvious sa lahat ng kasorpre sorpresang kaganapan na nangyayari sa akin ngayon, ay minahal ko naman ang pakiramdam ng sinosorpresa. Kahit kabaliktaran na ng halos karamihan na may ayaw nito.

Ngunit pagkabukas ko ng aking nga mata, ay
bumungad sa akin ang kwartong walang laman bukod sa aking inuupuan at sa salamin kung san ako ngayon nakaharap.

Mama?! Pagtawag ko kay Mama ngunit walang sumasagot...dahil wala din akong boses.

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang batang ako sa aking repleksyon. Ito yung itsura ko nung mga panahong kumpleto pa kami.

Saka ko lang napagtanto na oo nga pala, hindi ito totoo. Wala na si Mama.

Now, what? Tanong ko sa aking isipan. Ano namang kinalaman nito sa "Emotional Stage" kuno ng unibersidad.

Daming keme keme ah.

Pero as usual, maki go with the flow na lang tayo para safe.

Biglang nagsalita ang bata sa aking repleksyon.

"Kamusta ka na?"

Ang weird. Kinakamusta ako ng batang kamukha ko. Gets?

Paano naman ako makakasagot kung wala akong boses. Hindi nga ako makapagsalita e.

"Maaari mong sabihin ang kasagutan mo sa iyong isipan. Konektado tayo."

Aba. Ma-try nga.

"Ayos lang naman. Bakit? At tsaka sino ka?"

Nanatili lang itong nakatitig sa akin. Hindi yata gumana ang sinabi niya. Nag-iimagine lang naman yata ako. Panaginip lang siguro 'to.

"Oi, magsalita ka naman. Ikaw ang nag-umpisa ng pag-uusap na 'to."

Sinubukan ko ulit sa pangalawang pagkakataon na kausapin siya sa pamamagitan ng aking isipan. Wala naman sigurong mawawala.

Ngunit nakaramdam naman ako ngnoangingilabot dahil bigla itong ngumiti sa akin.

Sht. So weird.

"Kilala kita."

Huh?

"Ano bang gusto mong sabihin hah?"

Pasensya na pero may pagka balahura akong sumagot lalo na sa mga taong hindi diretsahan magsalita. Ayoko kasi ng may mga pasegwe-segway pa. At tsaka isa pa, kinikilabutan ako.

Tumagal ang ilang segundo na hindi pa rin siya sumasagot.

Gusto kong mainis dahil parang sinasadya niya yatang sayangin ang oras ko pero nauudlot lang din naman 'to kapag tinititigan ko ang itsura niya.

Kamukhang kamukha ko kasi ito nung bata ako.

Ang cute ko pala non.

Hindi naman sa mahilig akong magbuhat ng sariling bangko. Nagsasabi lang talaga ako ng totoo.

Ngumiti ulit ito sa akin ng pagkatamis-tamis saka ito pumikit.

Pinanood ko lang ang kung anong ginagawa niya hanggang sa unti-unting naging puti ang suot niya kanina na dati ay kagaya lang ng suot ko ngayon.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now