Mystic 16 - DEADLY

32 4 0
                                    

"Kailangan kong gawin ito." Seryosong saad ni Daemon.

"Pero ayaw kong ng makadagdag pa sa mga inaasikaso mo. Alam kong may sarili kang pinamumunuan. Kailangan ka nila. At tsaka isa pa, meron naman sila Jake at Stain ah."

Pinagsisilbihan pa rin kasi niya ako dahil iyon rin daw ang sinabi ni Papa.

"Wala ka bang sariling desisyon? Bakit kailangan mong sundin ang sinasabi ni Papa eh isa ka namang hari ng mga bampira? Sa katunayan, mas mataas pa yata ang posisyon mo sa kanya."

"Ang tawag doon ay respeto. Pinapahalagahan iyon sa mundong ito. Bilang isa sa mga nasa namumuno dito, malaki ang utang na loob namin sa kanya. Kahit hari pa ako, isang hamak na Mystician lang din ako. And to clear things up, I'm not doing this just because he told me so, I'm doing this for Mystic."

"Pero---"

"Kung inaalala mo ang kaharian ko, hindi na kailangan. I have my own loyal Mysticians out there. They can manage the kingdom for a while without me. At isa pa, I am not an ordinary Mystician. I'm a vaewolf. I obtain the skills of both being. Mas makapangyarihan ako sa inaakala mo kaya nga kailangan mo ako sa tabi mo. No more talks."

"Wala ka bang tiwala kila Stain?"

"What?"

"Wala ka bang tiwala sa kakayahan nila Jake at Stain?"

"Of course, I trust them. Jake is the strongest Damphir we have here and so he became the youngest Guardian. While Stain..." Napansin ko namang parang natigilan siya nung nabanggit si Stain.

"What about Stain?"

"Stain is very powerful too..." Pagpuputol niya ulit.

"Anong meron sa kanya?"

"I don't have the right to say something too personal about him because he himself doesn't know about it. Sa ngayon, ito lang muna ang masasabi ko. He is a powerful Mystician to the point that he can become deadly. Sometimes, he really gets out of control. That's one of the reason why I have to be beside the both of you. Because I'm doing this not just for Mystic but also for him."

Gumagana na naman ang pagka tatay niya. Sobra sobra na ang pagkaresponsable.

"May problema ka pa ba?"

"Wala. Wala na." Suko na ako. Kung para naman pala ito sa pagligtas ng mundo aba ay wala na akong karapatan pang magreklamo.

"Now, let me do the dishes."

Iiiiiih. Siya na nga nagluto, siya pa maghuhugas.

Oo, dahil diyan kaya kami nag-aaway kanina. Hindi naman sa nag-aaway. Hindi lang nagkaintindihan.

Gawin ba naman lahat ng yan. Kayang kaya ko naman e. Isa pa, ngayon lang din ako nakakita ng hari na naghuhugas ng pinagkainan.

"For your information, I took care of Stain since he was a baby. Parang naging magulang niya na din ako kaya sanay na ako sa mga ganitong gawain." Nabasa nanaman niya iniisip ko. Ayt.

Gumawa agad ako ng barrier.

"What? Eh bat parang kaedad mo lang siya? Ilang taon ka na ba?"

"Almost 40 years old." Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa narinig. Eh mukha nga lang siyang nasa 20s eh.

"Niloloko mo lang ako e." Hindi makapaniwalang saad ko.

"I don't lie. It's normal to look like your debut age for a long time when you're a Mystician. Life is longer here in Mystic. Wag ka ng magtaka pa." Oo nga naman.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now