Mystic 17 - Uncontrollable Bond

44 4 0
                                    

Nakaramdam kami ng malakas na pwersa ng hangin na nagmumula kay Stain. Parang may mga namumuong mga maliliit na whirlwind sa paligid niya.

Napapansin ko na rin na natatangay na ang mga dahon ng mga puno dito dahil sa lakas nito.

Kaya hindi ko na maiwasang mapayakap pa sa aking sarili dahil nilalamig na talaga ako.

"S-stain." Takot kong pagtawag sa kaniyang pangalan.

Anong nangyayari sa kanya?

Parang wala lang itong naririnig dahil hindi pa rin ito lumilingon sa akin.

Nagpatuloy lang siya sa kanyang mabibigat na hakbang papalapit sa mga tsismosa kanina na ngayon ay sobrang nanginginig na sa takot.

Hindi ko sila masisisi. Ramdam ko ang kanilang takot. Dahil maging ako rin ay kinikilabutan na sa nakikita ko ngayong klase ng Stain.

May iba talaga sa kanya ngayon.

"P-patawad p-po Prince S-t-tain!"

"Hindi po namin sinasadya!"

Napaluhod na ng tuluyan ang mga ito dahil malapit na sa kanila si Stain.

Nakakarinig na rin ako ng tunog na parang nagka-crack.

Isa lang ang ibig sabihin nito...

Hindi maaari!

Tinakbo ko agad si Stain at hinarangan ang kanyang dinaraanan. Kaya ngayon ay nakaharap na ako sa kanya.

Nakita kong nakalabas na ang kanyang mga pangil at tumutubo na rin ang mga balahibo sa kanyang balat.

At hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob kong titigan siya sa mga mata niyang sobrang itim.

Parang may mali e. Parang wala siya sa kanyang sarili.

Buong lakas ko siyang pinigilan sa kanyang paglalakad sa pamamagitan ng paglagay ko ng mga kamay ko sa kaniyang mga balikat.

"Get lost!" Ayaw niyang magpapigil.

Napaatras pa ako ng ilang hakbang dahil hindi talaga biro ang lakas niya.

"Stain anong nangyayari sa'yo?!"

"Aray ko po!" Naitulak lang naman ako.

Grabe, parang wala na siyang nakikilala.

Abala ako sa pag-inda ng sakit sa aking pang-upo kaya huli ko ng napansin na nasa harapan na pala nila si Stain.

Ganon na lang ang pagkataranta ko noong nakabwelo na ang kanyang mga kamay na may matutulis na kuko sa harap ng babae.

Ngunit bago pa ito dumapo sa babae ay sumingit na ako. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking braso.

"Mantsa! Tama na!" Pagpipigil ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

Tinitigan ko siya ng mariin sa kanyang mga mata, pinapakiusapan ko sa pamamagitan ng aking mga tingin.

Hanggang sa napansin kong tila natigilan ito bigla.

Mabuti na lang talaga at nagawa niya pang kontrolin ang kanyang pangalawang pag-atake kundi dobleng sugat pa ang natamo ko.

Napansin ko rin na unti-unti ng nawawala ang mga balahibo niya at bumalik sa dati ang kanyang mga pangil kasabay ng pagiging kalmado ng mga hinahangin na mga puno't dahon sa kapaligiran.

Gulat siyang napatingin sa mga mata ko na parang nabigla pa siya sa mga nangyayari.

"W-what happened?" Pagtatanong niya. Bakit...

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now