Mystic 6 - 4 Disricts

33 4 0
                                    

"Kaya mo yan Miss Guanza. Alam kong kaya mong intindihin ang lahat ng malalaman mo." Mukhang hindi biro ang malalaman ko.

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Baka sakaling magbago pa ang isip niya.

"Matagal ka na niyang gustong kusapin. Isa pa, oras niyo po ito bilang mag-ama. Pumasok ka na."

Huling mga salita ni Daemon bago niya ako iniwan sa opisina ng ama ko.

Ano bang gagawin ko?

"P-princess?"

Nanatili akong nakayuko.

Hindi ko pa siya kayang tignan sa mga mata.

Alam ko kasing baka maiyak lang ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin.

Abala ako sa pag-iisip sa gitna ng katahimikan nang naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Papa.

Hindi naman ako nakagalaw sa biglaang pagyakap niya.

Ang ganitong pakiramdam.

Yakap ng isang nangungulilang ama sa anak na ganun din ang nararamdaman.

"Namiss kita anak. Kayo ng Mama mo. Sobra. Kung alam mo lang. Labis kong ikinalungkot na hindi ko man lang naabutan si Selia."

Alam niya din pala na wala na si Mama?

"Pasensya na kung wala akong nagawa para makita kayo. Pinilit ko kayong balikan pero...p-pinili ko kayong protektahan."

Anong ibig sabihin niya?

"Patawad sa lahat lahat. Patawad kung hindi ko tinupad ang mga pangako ko sa inyo. Patawad at iniwan ko kayo. Wala akong magawa...hindi ko desisyon iyon anak...hindi ko gugustuhing gawin sa inyo ang mga bagay na iyon. Maniwala ka sana sa akin."

Bumitaw ako sa yakap niya na punung-puno ng nararamdamang pagkalito.

Napatingin ako sa kanyang mukha at nakita ko na umiiyak si Papa.

Hindi ako sanay na ganito siya.

Kilalang kilala ko siya bilang matapang at masiyahing ama, at alam kong dahil sa emosyong pinapakita niya ngayon ay...

...nagsasabi siya ng totoo.

Kaya kung ano man ang dahilan ng mga pangyayaring iyon, alam kong isa itong mabigat na rason.

Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak mula sa mga aking mga mata na agad din naman niya pinunasan.

Niyakap ko na lang siya at 'di na napigilang umiyak sa kanyang mga bisig. Namiss din kita Papa.

Kung alam mo lang.

Makalipas ang halos ilang minutong pagdadrama ay nakapagdesisyon na ako.

Bakit ko pa patatagalin diba?

Kung mas maliliwanagan naman ako sa katotohanan at mas mapapagaan nito ang aking pakiramdam, mabuti pa't alamin ko na ang mga kailangang malaman sa lalong madaling panahon. At ngayon na iyon.

"H-handa na akong makinig sa mga paliwanag mo.......Papa."

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung kaya ko na ba talaga. 

Pero alam ko namang kailangan ko ng malaman ang katotohanan nang sa gayon ay makapagdesisyon na din ako sa mga gagawin kong aksyon para makatulong.

Hindi na ako ang batang Bianne na kailangan niyang protektahan.

Kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi na ulit mangyari ang mga nangyari sa amin.

Mystic N.Y.O. :  School Of The GuardiansWhere stories live. Discover now