Kabanata 30 (2)

1.2K 5 4
                                    

Kabanata 30

Birthday party (part two)





Ilang  beses ko na siyang sinabihan na 'wag na akong sunduin dahil mas kailangan siya sa party na iyon.

Hindi niya dapat ako susunduin dahil siya mismo ang pinakamain topic sa party. At kung hindi niya siguro ako sususnduin ngayon ay baka busyng-busy siya sa paghahanda para mamaya.

Napailing nalamang ako dahil sa naisip. Tumayo ako dahil sa nauuhaw ako nang biglang may bumusinang kotse sa harap ng bahay. Hindi na ako natuloy sa kusina dahil sa tinignan ko kung sino iyong dumating.

Nanlaki ang mata ko ng makitang si Jayson pala iyon. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at wala nang tingin tingin sa salamin dahil tumakbo na ako palabas ng bahay namin para salubungin si Jayson na bumaba sa sasakyan niya.

"Hey!" masayang bati ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin at sumilay ang kaniyang matatamis na ngiti. Wala sa sariling niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hihigpitan ko pa sana ang pagkakayakap ko nang tapikin niya ako sa akin balikat.

"H-hey too I-i can't breathe!" hirap na daing niya sa akin. Agad naman akong kumalas sa kaniya at doon ay umubo-ubo siya. Para tuloy akong nakonsensiya sa pagyakap ko sa kaniya ng mahigpit.

"D-damn kung hindi lang kita bestfriend ay baka nakutusan na kita ng wala sa oras dahil sa higpit ng yakap mo sa akin!" reklamo niya. I gigled while playfully stuck my tongue out to him. I'm becoming a childish again when he's around, or when he's near me.

Natigil ako sa pang-aasar sa kaniya, nang makita kong naging seryoso ang kaniyang itsura pati na ang kaniya titig sa akin.

Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano nanamang ibig-sabihin ng mga titig niyang iyon sa akin. Nagsisisi tuloy ako nang hindi ako nakainom ng tubig kanina.

"A-ah let's go na? alam ko kasi dapat ka pang maghanda para mamaya." saad ko. Natawa siya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa don? pssh.

"Hmm you know. Even though we stay here in how many minutes or how many hours, I don't care even if I'm the the main topic in the party. Of course! It's my own party right? So I can do whatever I want." maangas na sabi niya.

Napailing ako dahil sa kaniyang inasta. Hindi kalauna'y nasa kotse na kami at papunta na sa bahay nila. Ngunit hindi ko mapigilan ang hindi mabahala dahil sa nakita ko kanina.

Nang makaandar na kasi kami at ilang hakbang na ang layo na namin sa mismong bahay namin ay namataan ko ang sasakyan ni Tristan at doon ay nakita kong bumaba siya at dumiretso sa loob.

Ano kayang magiging reaksiyon niya nang makita akong wala roon at ang ulam lang na niluto ko ang siyang madatnan niya?

Sana nga lang ay hindi siya magalit sa akin.

Mag 8-8:30 na nang makarating na kami sa mismong bahay nila Jayson. Medyo traffic kasi at imbes na makarating kami ng maaga ay halos mag aalas-otso na ng makarating kami rito.

Nagpapakagentleman nanaman ang mokong dahil sa inunahan niya akong bumaba at inilahad pa ang kamay niya sa aking harapan. Malugod ko namang tinanggap iyon at nagsimula na kaming maglakad papasok sa mala mansiyon nilang bahay.

Nasilaw kaagad ako ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Una mo kasing makikita ay ang kanilang napakalaking chandelier na talaga namang nakaka attract tignan dahil sa hindi siya masakit sa mata.

Marami ring mga iba't ibang disenyo na siyang ipininta at isinabit sa kanilang pader. Nakita ko ring mayroon silang dalawang mahaba at malaking hagdanan na kung titignan mo sa malayo ay parang ipaggigitnaan ito ng malaki nilang chandelier.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon