Kabanata 19

16.2K 192 3
                                    

Kabanata 19

Hugs and Kisses





"Hey sleepy head wake up, It's time for breakfast." Si Jayson habang pilit akong ginigising.

Dahang-dahan kong iminulat ang mga mata ko at doon ay bumungad sa akin ang gwapo nyang mukha.

Natatawa kong itinulak ang kanyang mukha sa akin dahil sa sobrang lapit na nito.

"Hmm ang aga-aga pa Jayson ano bang problema?" takang tanong ko sa kanya habang umiinat-inat pa.

"May narinig kasi akong kotse kanina, baka dumating na si Tristan, siguro'y nalaman niyang wala na tayo sa paris kaya nagmadaling umuwi rito para sundan ka." sabi niya sa akin. Napaupo naman ako ng tuwid nang marinig iyon.

Biglang kumabog ang didbdib ko nang marinig kong sambitin ni Jayson ang pangalan niya.

"Si Tristan? nandito na?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Napabuntong-hininga nalamang siya at pag-kuwa'y napatango nalang.

"Bakit? May problema ka ba?" Pansin ko kasi ang pagka balisa niya.

"Ngayon sana kita ibabalik sa kanya," nakayuko niyang sabi sa akin. Napakunot ako ng noo dahil sa narinig ko. Rinig ko nanaman ang kanyang buntong-hininga nang tumingin siya sa aking mata.

"A-ano Ibabalik?! ano ako Jayson? laruan? na pwedeng ibalik kung kailan mo gusto?!" hindi ko napigilan ang pagsigaw ko sa kanya dahil sa biglaan kong nakaramdam ng inis.

"H-hindi naman sa ganun pero, alam kong kailangan kong gawin to, at saka para doon mo na rin maumpisahan ang plano na sinsabi mo hindi ba?" aniya sa akin.

Bigla akong natahimik at tumingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Umalis ako sa kama at tumayo sa harapan niya.

Diretso lang ang kanyang tingin sa akin habang pinapanood ako kung anong gagawin ko. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bewang ko habang tumitingin sa kanya ng mariin.

"Pero sigurado ka na bang nandiyan nga siya sa bahay?" tanong ko.

"Ewan ko, siguro, kasi narinig kong may nagpark ng sasakyan diyan sa kabila, siguro nga siya iyon." tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nakita kong tumayo narin siya at lumapit sa akin.

"Why? are you nervous?" tanong niya. Umiling lang ako kahit sa totoo lang ay sobra ang kaba ko pag-iniiisip ko na magkikita na kami maya-maya.

"Don't worry, I'm just here, I'll protect you " niyakap niya ako na siya namang ginantinahan ko rin. Kumalas siya sa akin at hinawakan ang aking pulsuhan.

"Tara? Breakfast na?" sabi niya at hindi na hinintay ang sasabihin ko sana dahil tuluyan na niyang hinila ang kamay ko pababa sa kusina.

Nang makaupo na ako ay agad naman siyang naghain ng Plato at at doon ay inilagay ang toasted bread na ginawa niya, inilagay rin niya sa tabi ang gatas na itinimpla niya.

"Ikaw may gawa nito?" paninigurado ko sa kanya.

"Oo ako ang gumawa niya, bakit sa tingin mo may iba pa bang tao bukod sa atin?" tanong niya. Napailing nalamang ako at napatawa.

"Alam na alam mo na talaga ang mga gusto ko?" pang-aasar ko.

"Siyempre naman! ako pa? matalino kaya ako? eh baka nga kulay ng panty mo eh alam ko?" sabi pa niya.

"Che! manahimik ka riyan, ang bastos mo nanaman, nasa harapan tayo ng pagkain," sabi ko.

"okay! sorry." Natatawang sabi niya. Mabilis kaming natapos at siya na ang nag-presinta na maghugas ng pinggan, pumayag naman na ako dahil sa tinatamad rin ako at gusto ko ulit makapagpahinga.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon