Kabanata 15

21.1K 224 6
                                    

Kabanata 15

Photoshoot





Ilang araw rin ang lumipas no'ng makarating kami sa france, kasalukuyan kaming naninirahan ni Jayson sa isa sa mga high class na hotel rito. Iisang suit lang ang kinuha namin dahil sanay naman na kaming tumira sa iisang bubong.

Naging maayos ang kalagayan namin rito. At lalo pang mas naging malapit kami ni Jayson sa isa't-isa.

Ngayon ay may photoshoot nanaman kami para isa sa mga brand na kami ang pinili para i-model ito.

Malaki ang pasasalamat namin ni Jayson nang malaman namin na kami ang napili ng management para i-handle ang kanilang brand. Kami ang naging official model nito, kung kaya't mabilis kaming nakilala ni Jayson sa france.

Hindi kami makapaniwala sa mga oras na iyon, na siyang sinabi sa amin na kami ang magiging official model ng kanilang kompanya.

Freelancer lang kasi kaming dalawa, ngunit dahil sa nagustuhan nila ang performance namin in modelling ay agad kaming nakakuha ng manager.

"Let's go Anne?" bungad sa akin ni Jayson nang matapos na akong makapag-ayos. Nasa sala kasi siya at inaantay ako. Ngumiti ako sa kanya at pagkuway tumango upang agad na kaming makapunta sa lugar kung saan isasagawa ang photoshoot.

Sa trabaho, ay iilan rin ang pure french, kaya't hindi kami nahirapan ni Jayson sa pakikipag-usap.

Nagulat nga kami dahil mas marami ang pilipinong photographer rito. Marami na rin kaming naging kaibigan, halos lahat na ata ng mga staff at mga kapawa co-model namin. Maski ang aming manager ay isang pilipino rin. Ngunit ang ibang photographer ay mga pranses.

Hindi naman kami nahirapan sa pakikipag-usap dahil bihasa naman pala si Jayson rito. Kaya siya na rin ang nagtatranslate kapag mayroon akong hindi naintindihan.

*
Nang makarating na kami sa lugar na siyang sinabi ng aming manager, ay agad kaming nag-bihis ng aming susuotin para sa photoshoot.

Bikini ang siyang isusuot ko at summer short naman kay Jayson, kung baga pang-summer rin kabuuan ng theme namin.

Agad akong inayusan ng make-up artist, at mayroon ring isang nag-aaply ng matingkad na kung ano sa aking balat.

Nang inilibot ko ang lugar na siyang pagkukuhanan namin ng picture ay napahanga ako sa ganda ng lugar. Dagat pala ang napili nila para sa photoshoot ngayon.

Kaya pala nakabikini ako at naka-short lamang si Jayson. Walang katao-tao sa buong lugar, dahil pin-ri-vate nila ito upang walang makapanood sa amin, at dahil baka mabastos rin kami o ang ilang mga co-models.

Light make-up lang ang inilagay nila sa akin ngunit kinapalan naman ang paglagay ng lipstick sa aking labi. Kulay red ito na mas naging mapang-akit dahil mas kinapalan nila ang pag lagay nito sa akin.

Napangiti ako dahil sa itsura ko habang nakatingin sa full-sized mirror. Ito ang mga bagay na hindi ko halos magawa-gawa ng nasa poder ako ni Tristan.

Kung sana hindi ko siguro siya pinilit na ipakasal sa akin, ay malamang na masaya siya ngayon sa piling ng babaeng mahal niya. Sobra talaga ang pagsisisi ko dahil sa ginawa ko.

Tama nga siya. Naging makasarili ko, at hindi ko naisip kung anong magiging sitwasyon niya kapag ginawa ko iyon. Ngunit wala na akong magagawa, nangyari na, at hindi ko na pwedeng ibalik pa.

"Ms. Leanne, the photoshoot will start by 5 minutes." sabi sa akin ng isang staff na siyang nagpabalik sa akin katinuan. Kung ano-ano nanaman ang naiisip ko.

Agad kong iniling ang aking ulo para tuluyang maalis ang mga nasa isip ko.

"Hey Anne...bothered?" tanong ng kung sino sa akin. Lumingon ako para tignan kung sino yun at si Jayson pala.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon