Kabanata 1

53.5K 656 19
                                    


K

abanata 1

Bitch



"You Bitch! Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na dapat pagkarating ko dito ay malinis na ang buong bahay?! at anong ginawa mo, siguro nakipaglandian kana naman?!"

Bigla akong nagising nang marinig ko ang boses niya.

Mula sa pagkakahiga ko dito sa sofa ay bigla nalang niya akong hinila paalis at kasabay nun ay ang pagbagsak ko sa carpet ng sala namin.

"Ano?! sumagot ka!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya dali-dali akong tumayo at humarap sa kanya.

"A-ano bang sinasabi mo?"

Mahinahon kong tanong sa kanya. Nakita ko ang pagigting ng kanyang panga at batay sa itsura niya nagyon ay pakiramdam kong inis at galit siya ngayon.

"Hindi mo ba ako narinig? ang bingi mo naman ang sabi ko ay bakit hindi ka naglinis ng buong bahay?! hindi ba't sinabi ko na sa iyo na dapat pagka dating ko dito ay maayos at malinis ang bahay! ni alikabok ay wala dapat akong makita at maramdaman!"

Nanggagalaiting sabi niya sa akin.

"P-pasensya na kasi nagluto pa ako, at saka naglaba pa kaya pasensiya na talaga kung hindi ako nakapaglinis."

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay nakayuko ako at naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko.

"Ang dami mong dahilan ni maglinis hindi mo manlang magawa! kung ano-ano pang inuna mo! at ngayon umiiyak-iyak ka, ano ha?"

Pasigaw nanaman na sabi niya sa akin. Yumuko nalang ako dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Nakakatakot siya at baka konting galaw ko lang ay magalit nanaman siya.

"P-pasensiya na talaga, hindi na mauulit"

Halos pabulong kong sagot sa kanya.

"Sige, pagbibigyan ko yang ginawa mo pero may isang kondisyon!"

Sabi niya na siyang nakapagpatingala sa akin para makita ko ang napakagwapo niyang mukha.

"A-ano yon?"

Napalunok nalang ako nang itanong ko iyon.

"Wag kang kakain ngayong gabi! at iba ang ipapagawa ko sa iyo ngayon!"

Napapikit akong mariin ng biglaan siyang sumigaw sa harapan ko. Sa mga oras na ito, masasabi kong nanginginig ako sa takot sa kaniya at alam kong wala akong magagawa kundi ang sundin siya sa kung anong nais niyang ipagawa sa akin.

Tutal ako naman ang nagsimula nito, kaya titiisin ko at paninindigan ko, dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya naging halimaw ngayon.

Pag kasabi niya sa akin ng mga salitang iyon ay doon ko na naramdaman ang sakit ng buong katawan ko at doon ko rin naalala ang mga ginawa ko kanina, ang nag-hugas ng mga pinggan, na siyang pinagkainan sa umaga at sa tanghali, nagluto, at naglaba ng aming mga damit na nakatambak na pala at umabot pa ng tatlong araw!"

"Nakikinig kaba sa akin?! Lintek naman oh!"

Ayan nanaman siya laging nakasigaw, hindi ko alam kung minsan galit siya o minsan trip lang talagang niyang sigawan ako sa harap ng mulha ko.

Napaigtad ako dahil sa gulat at takot ko nang marinig ko ang boses niya, agad akong napatungo sa kanya at nakita ko nanaman ang mga mata niyang nakakaakit ngunit, galit ang mas umiibabaw dito ngayon.

"Ahm ano ba i-iyon?"

Nasabi ko nalang sa kanya. Hindi ko talaga alam kung anong gusto niya ngayon, minsan nababasa ko siya pero madalas hindi. Nahihirapan ako kaya hindi ko agad alam kung ano talagang gusto niya.

"Ang sabi ko pumunta kana sa kwarto mo at tatawagin nalang kita kapag ipappagawa ko na saiyo ang gusto ko..."

Napalunok nanaman ako habang nakatingin sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at agad nalamang nagpatiuna papunta sa aking kwarto.

Nang makarating na ako sa mismong kwarto ko ay doon nalamang ako napahagulhol sa iyak sapagkat kanina ko pa ito gustong ilabas, pinipigilan ko lang kanina.

Ilang araw ang lumipas ng araw na ikasal kami. Sa araw na iyon ay minahal ko na siya kaagad.

Mahirap mang paniwalaan ay naramdaman ko na, na kailangan ko siyang alagaan, pangatawanan, at silbihan bilang kanyang maybahay.

Ngunit sa araw na rin iyon, ay naramdaman ko rin ang pakiramdam na ayaw na ayaw ko ang pagiging malamig niya kaagad sa akin.

Hindi ko alam kung pa'no ako nakakapagtiis sa mga pinaggagawa niya sa akin pero alam kong nakakayanan ko lahat ng ito sapagkat mahal ko siya, at kaya ko pang pagsilbihan at alagaan siya kahit na ito ang mga pinaggagawa niya sa akin. At kaya ko rin na maghintay na ako'y kanya ring mahalin.

Ako ang may gawa sa kaniya nito, ako rin ang aayos sa kaniya. Alam kong mali at alam kong napilitan din siya noong araw na ikinasal kaming dalawa.

Dati pinapangarap ko siya mula sa malayo, dati masaya na ako kahit hanggang tanaw ko nalang siya.

Dati kahit magkasama silang dalawa ng girlfriend nia ay hindi ko mapigilan na hindi magselos. Oo alam ko naman na wala akong karapatan para magselos dahila una sa lahat, walang kami.

Pangalawa, ni hindi niya ako kilala at ako lang ang nakakakilaka sa kaniya sa aming dalawa, at pangatlo, mahal niya ang girlfriend niya.

Mahal nila ang isa't-isa.

Ngunit ngayon, oo masaya ako dahil natupad ang pangarap ko na maging kami ngunit hindi bilang mag boyfriend at girlfriend, kundi mag-asawa.

Sa mga araw na nalaman niyang kailangan ko siyang pakasalan upang maisalba ang kompanya ng pamilya ko, alam kong hindi siya papayag alam kong hindi niya ipagpapalit ang girlfriend niya sa isang tulad ko.

Ngunit laking gulat ko na lamang isang araw, sinabi sa akin ni daddy na pumapayag na siyang pakasalan ako, at hindi dahil sa inutos o pinilit siya ng kaniyang ama, kundi nag kusa siyang sabihin ang sagot niya.

Pakiramdam ko noon, ako ang pinakamasayang babae sa mundo. Sa isip ko parang nasa isang magandang panaginip ako na ayaw ko nang bumangon.

Ngunit nasa reyalidad tayo at hindi natin basta-basta matatakasan ang mga responsibilidad at pagsubok na darating sa buhay natin.

Dito kasi masusubok kung hanggang saan ang kaya mong gawin, kung hanggang saan ang tapang mo, at kung kaya mo bang lagpasan ang mga pagsubok na iyon.

At itong sitwasyon na pinasok ko ngayon, alam kong malaki itong pagsubok sa akin, hindi lang sa aking sarili, kundi sa aming dalawa ni tristan.

Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko buhat sa naging pag-iyak ko. Dito lang sa kwarto ko na 'to nabubuhos lahat ng mga hinanakit ko at lahat ng emosyon na pinipigilan kong ilabas sa twing nasa harapan ko siya o di kaya'y nasa tabi ko.

Pinahid ko ang natitirang luha sa kaliwang mata ko at saka ako humugot ng malalim na hininga. Kung sana hindi naging ganito kakumplikado ang lahat, edi sana maayos kami ni tristan ngayon.

Tumayo ako at muling inayos ang aking sarili. Napapansin ko na rin kasi na simula nang lumipat kami dito sa bahay na pagmamay-ari niya, bigla nalang bumaba ang bilang ng bigat ng katawan ko.

Siguro dahil hindi ako nakakakain ng maayos, sa pagod at sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na alam ko namang imposibleng mangyari.

Humiga na ako sa kama at nagpakawala ng buntong-hininga. Ngunit bigla ko nalang naalala na may ipapagawa pa pala siya sa akin.

At kahit kinakabahan ako ay muli akong bumangon at umupo na lamang. Hindi ko alam kung ano nanaman ang gagawin niya sa akin mamaya.

Pero sana, 'wag naman na sana niya akong saktan ulit..

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon