Kabanata 11

19.4K 268 7
                                    

Kabanata 11

Paper Bag





Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Patuloy parin kasi ako sa pagtakbo. Pagkatapos ko kasing umalis sa opisina ni Tristan ay nakita ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo sa gilid ng kalsada.

Wala akong pakialam kung sino ang makakita sa akin kahit masabihan pa akong baliw.

Habang tumatakbo ako doon naman bumagsak ang ulan na tila nakikipagsabayan sa pag-iyak ko.

Nararamdaman ko ang unti-unting paghina ng katawan ko. At dahil doon ay napaupo ako sa semento ng wala sa oras.

Biglang kumirot ang ulo ko na siyang naging dahilan ng mas lalong paghagulhol ko. Siguro, kung may makakita man sa akin ngayon mismo, ay aakalain akong labas sa mental.

Habang bumabagsak ang ulan ay nakaupo ko sa gilid ng kalsada at nakahawak sa ulo ko.

Awa ang nararamdaman ko sa sarili ko ngayon. At alam kong sa mga oras na ito ay walang sinoman ang siyang maglalakas loob na lapitan ako, na magtatanong kung ayos lang ba ako, kung san ako nakatira, at kung bakit ako nandirito.

Nang bahagya nang tumigil ang pagsakit ng ulo ko ay dahan-dahan na akong tumayo upang ipagpatuloy ang paglalakad ko.

At doon ko lang din naramdaman na basang-basa na pala ako.

Hawak-hawak ko ang magkabilang braso ko habang naglalakad. Sa ngayon, ay hindi parin tumitigil ang pag-agos ng luha ko.

Marahan ko itong pinunasan habang humihikbi parin ako. Sa di kalayuan, ay may nakita akong parke, pero nasa kabilang bahagi pa ito ng kalsada, kaya kailangan ko pang tumawid upang makarating roon.

Hindi ko na rin kasi alam kung pano ako makakauwi, lahat basa sa akin, maski ang pera ko na nasa shoulder bag.

At dahil madulas ang kalsada sanhi ng pag-ulan, ay dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kabilang bahagi.

Naalala ko ang nangyari kanina sa opisina ni Tristan. Doon ay napahagulhol muli ako.

Gano'n na ba ang galit niya sa akin? No, hindi galit sa tingin ko pagkamuhi, dahil sa ginawa ko sa kanya, sa pagpilit ko sa kaniya, doon niya ako kinamumuhian.

Matagal ko naman nang tanggap na kinamumuhian niya ako, pero bakit ganito sa tuwing sinasabihan niya ako ng mga mabibigat at masasakit na salita ay masakit parin?

Kailan kaya ako magiging manhid sa mga salitang bibitawan niyang muli sa akin? Sana nga maging gano'n ako, para kahit anong masasakit na salita ang sabihin niya, ay wala akong mararamdaman na kahit anong sakit at hinanakit.

Bigla akong kinabahan. At nanlaki ang mga mga ko nang makitang may paparating na sasakyan sa aking harapan.

Bigla akong natigilan, hindi ko maikilos ang paa ko. Bigla akong natulala.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang ito, pero pakiramdam ko ay totoo ang mga nangyayari.

Papalapit ng papalapit ang sasakyan sa akin, ako nama'y hindi alam ang gagawin, at dahil sa madulas ang kalsada kaya siguro'y mas lalong bumilis ang pagpapatakbo sa sasakyan.

Bigla kong naalala si Tristan at sanay maging masaya siya kung mawawala na ako sa piling niya.

Alam ko naman na iyon ang gusto niya simula pa no'ng una.

At alam kong kahit mawala ko, kahit may mangyaring masama sa akin, wala sa kanya 'yon dahil wala naman siyang pakealam.

Muli kong pinunasan ang mga luha na hindi tumitigil sa pag-agos sa aking mata. Alam kong pinanghihinaan ako ng loob sa mga oras na ito, pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magkaroon ng lakas ng loob ngayon, wala naman na akong ipaglalaban pa, kaya wala nang kwenta 'yon.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon