Kabanata 26 (2)

11.6K 125 2
                                    

Kabanata 29

Text message (part two)





Napansin kong papunta siya rito kaya inayos ko ang sarili ko pati ang ang kakainin namin.

"Ah niluto ko tara? lunch na tayo?" aya ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at humila ng upuan upang ipa-upo ako roon.

Nagtaka ako sa kinilos niya pero hindi na ako nagsalita pa. Kumuha siya ng baso sa may kusina ng opisina niya at inilapag ito sa lamesa.

Nag-hila rin siya ng upuan na siyang nakatapat sa akin at doon ay umupo na siya.

"Nag-abala ka pa." aniya. Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. 'Hindi ba niya nagustuhan ang ginawa kong ulam?' nasabi ko sa sa isip ko.

Iniwaksi ko iyon at itinuon ko nalamang ang aking pansin sa pagkaing nakahain na sa aming harapan.

Sinandukan na pala niya ako pati na rin no'ng ulam na niluto ko. Sinigang kasi ang niluto kong ulam na alam kong isa sa mga paborito niya.

"Thanks for cooking wife, don't you know that this is one of my favorite?" Tanong niya. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago ko siya sagutin.

"A-ah ganun ba? sige sa susunod ay magluluto ulit ako ng ganyan para mas ganahan ka pang kumain." saad ko.

Nang isusubo ko na sana ang nasa kutsara ko ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya na may bahid na pagtataka.

"I'm sorry wife, Alam kong wala ka pang naalala sa ngayon, at ito na kaagad ang ginagawa ko." sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay kong may hawak na kutsara.

"Ano ka ba? 'wag mong sisihin ang sarili mo. May tiwala naman ako sayo." sabi ko sa kanya. Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil umusbong nanaman ang sakit sa dibdib ko. Alam kong mali itong ginagawa kong pagpapaggap sa kaniya na wala pa rin akong maalala.

Pero kasi hindi ko pa kayang masaktan at hindi ko rin kayang wala sa tabi niya. Alam kong nagiging desperada na ako pero wala akong pakialam roon.

Mahal na mahal ko siya kahit na may sakit parin akong nararamdaman sa tuwing magkasama kaming dalawa.

Ano bang pwedeng itawag sa sakin? Desperada? masokista? Oo siguro nga ay ganoon na ako ngayon. Pero ano bang magagawa ko? Kung ganito ko lang din siya kamahal?

"Wife..." sambt niya habang nakahwak parin ang kamay niya sa akin.

"Hmm?"

"I'm so sorry for everything. Kung hindi sana ako nabulag sa pagmamahal ko kay Andrea ay hindi sana ito mangyayari." Umiling ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na 'wag mong sisihin ang sarili mo? kumain na nga tayo, dahil alam kong marami ka pang aasikasuhin sa trabaho mo." sabi ko.

Lumipas ang kalahating oras at doon lang kami natapos sa pagkain namin. Nag-kwentuhan pa kami ng kung ano ano at nagtalo pa sa kung sino nanaman ang siyang maghuhugas ng mga pinagkainan namin.

Siyempre sa huli ay nanalo ako. Sinabi ko kasi sa kaniya na ako na lang ang siyang maghuhugas dahil marami pa siyang pipirmahang mga dokumento at mga papeles.

Pumayag narin siya sa huli at hindi na muling nangulit pa sa akin. Muli kong inilibot ang kabuuan ng kusina ni Tristan ngayon.

May sarili kasing kusina ang opisina niya. Pero kakaunti lang ang mga gamit na naroon.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon