Kabanata 4

32.1K 310 9
                                    

Kabanata 4

The Neighbor





Ilang araw na ang nakalipas ng mangyari ang bagay na iyon, Aaminin ko sa sarili ko na nagustuhan ko ang ginawa niyang ganon sa akin.

Simula kasi ng maikasal kmai ay iyon palang ang unang beses na mahawakan niya ako ng ganoon.

Kahit pinipigilan ko na huwag ngumiti ay hindi ko parin maiwasan sa tuwing naalala ko iyon, sa twing nararamdamn ko ang mga kamay niya na humahaplos sa akin.

Mga mata na nang-aakit sa akin. Mga titig na kung minsan hindi mo maintindihan kung siya ba'y galit o ano.

Maaga siyang umalis kanina, hindi man lang nagpaalam, buti at nakita kong bumaba siya ng kanyang kwarto at nagmamadaling pumunta sa garahe upang kunin ang kanyang sasakyan, tinawag ko pa siya para mag-agahan, ngunit, nilingon niya lamang ako at sinabi na hindi siya gutom at doon nalamang siya sa opisina niya kakain.

Hindi ko naman siya pinilit pa, dahil alam kong, magagalit siya at wala rin lamang akong laban sa kanya.

Habang nagwawalis ako ay naalala ko ang niluto ko na sana ay kakainin namin ng sabay para sa agahan, ngunit ng sinabi niya na hindi siya gutom, ay parang nawalan na rin ako ng gana kaya hindi ko na itinuloy ang pagkain ko.

Habang inaayos ko naman ang ilang gamit sa bahay namin at nililinisan na rin ang mga ito ng sabay, ay naalala ko nga rin pala na may bagong lipat sa katabi naming bahay, ngunit hindi ko alam kung babae ito o kung lalaki, malimit ko kasi itong napapansin na madaling araw na ito umuuwi ngunit hindi ko makita ang itusra nito sapagkat madilim ang oras na iyon sa parte niya.

Hindi ko alam kung nasa bahay ngayon ang bagong lipat kasi sa pagkakalam ko ay maag itong umaalis. Siguro sa trabaho niya o ano.

Nang mailiigpit ko na nang maayos ang mga pinangpalinis ko ay saka muna ako nag-ayos ng sarili at saka inihanda ang mga pagkain na niluto ko para ibigay ko sa aming bagong kapit-bahay.

Nang matapos ko na ng paghahanda ay saka ako lumabas ng bahay at tinungo ko na ang kaniyang tinutuluyan.

Nag-dalawang isip muna ako kung itutuloy ko paba ito o kung hindi na, ngunit sa huli ay napagdesisyunan ko na ituloy nalang dahil total, eh nandito naman na ako alangan naman na umatras pa ako.

Kumatok ako ng dahan-dahan na dalawang beses, ngunit walang sumagot, kaya kumatok uli ako at saka nagsalita na:

"T-tao po, may tao po ba rito?"

Habang kinakatok parin ang kanyang pintuan.

Nang wala uling sumagot, ay napag-isipin kong umalis nalang dahil siguro'y nasa trabaho iyon at baka mamayang madaling araw pa ang uwi.

Maglalakad na sana siya pauwi nang biglang mayroong magsalita sa aking likuran, nung una'y binalewala ko ito at baka sa ibang kapit-bahay lamang namin iyon.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad ngunit dahan-dahan lang baka mahulog ko ang dala-dala ko ng bigla ulit may nagsalita sa likuran ko.

Kahit nagtataka ko kung sino man iyon, ay lumingon parin ako at ang laki lang ng gulat ko nang makita ko ang hindi ko inaasahan, lalaki pala ang kapit-bahay namin! jusko! akala ko pa naman ay babae.

Nailang naman ako kaagad sa kanya dahil sa kanyang istura! gulo-gulo pa ang kanyang buhok na sa tingin ko eh galing pa sa isang mahimbing na tulog at nako! naka-boxer lang ito na isang stripes na red! myghaad favorite ko ang kulay na iyon! Napabaling ako sa kanya ng magsalita na siya.

"H-hey miss, sorry kung hindi ko kaagad narinig ang pagkatok mo, tulog pa kasi ako at puyat pasensiya na ah, ahm, tara pasok ka muna"

hindi na ako naka-angal pa sa sandaling iyon at pumasok nalang ako sa loob ng kanyang bahay.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon