Wakas

25K 226 14
                                    

Wakas


"Ohh! My very Handsome Grandson... How are you baby boy?"

"So adorable! Boy, mana sa ama hihi"

"How I wish my next baby will be like him!"

Magiliw na bati ni mama sa aking anak na si Curwen Brine at nang iba pang kumare ni mama. Tatlong taon na siya at sa totoo lang ay kaarawan ngayon ng aking anak. Masaya ako sapagkat kahit noong mga araw na iniluluwal ko siya ay laging nagkantabay si trsistan sa tabi ko.

At kahit na wala ang mga magulang ko noong ipinagbubuntis ko si Curwen ay ok lang naman sa akin iyon dahil sa tuwing sasapit ang kaarawan niya ay saka naman umuuwi dito sina mama at papa. Kahit papano ay bumabawi parin sila sa mga oras at panahon na hindi nila nakasama ang anak ko.

"You know, I think I'm the happiest man alive babe.." nagulat ako ng biglang mayroong mga brasong pumulupot sa may bewang ko. At kahit na hindi ito lingunin kilala ko kung kaninong may-ari ang mga brasong iyon.

Humarap ako sa kaniya at ipinulupot ang aking dalawang braso sa likod ng kaniyang leeg. Magiliw na ngiti ang siyang ibinigay niya sa akin. Tinugunan ko naman iyon ng ngiti rin na may sensiridad. "Malaki na si Curwen..and I think kailangan na natin siyang sundan honey..." at nagbigay ng isang pilyong ngiti sa akin.

Pinalo ko ang kaniyang braso na hindi naman gaanong malakas. Pero bigla siyang bumitaw sa akin na para bang nasaktan sa ginawa ko. "Ang OA ha.." birong sabi ko sa kaniya. "Ikaw talaga..hindi na mabiro.." Saad niya at saka muling hinapit ako at marahang hinalikan sa noo.

"Oh tama na muna ang lambingan ninyo, at samahan niyo muna kami rito sa paghahanda ng mga pagkain.." Saad ni mama, kung kaya't napahiwalay kami ng wala sa oras ni trsitan. Nakita kong nangingiting umiling si mama sa kaniyang nakita.

"Kayo, talaga! Hindi na kayo nasanay sa amin, ganyan rin kami ng papa mo anak!" Natatawang sabi nito sa amin at mapanuksong tumingin sa akin. Syiempre kahit na mag-asawa na kami ni Tristan at may anak na, hindi rin naman naming maiiwasan na hindi mailang lalo na sa mga magulang namin.

Ngunit ito atang si Tristan ay walang kahiya-hiya kahit na nasa harapan kami ng kaniyang mga magulang. Sina tita Esmeralda at tito Michael. Pero nagagalit sila sa tuwing iyon ang tinatawag ko sa kanila. Paulit-ulit akong kinukulit na 'mama at papa' nalang din daw ang dapat kong itawag sa kanila.

At sinasanay ko naman na ang sarili ko roon.
~~~
ILANG minuto ang siyang lumipas at sa wakas ay nakaupo narin ako sa may sofa rito sa aming sala. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga bata na masayang-masaya habang pinapanood ang Clown na gumagawa ng iba't-ibang mga magic tricks.

Napalingon ako sa may pintuan ng may nakita akong mga bagong dating. Inayos ko ang aking damit, at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na bumababa at nakikisabay sa bawat lingon ng aking mukha. Kunot-noo kong tinungo ang pintuan, dahil ang alam ko ay kumpleto na ang mga bisita na nandito ngayon.

Otomatikong nanlaki ang mata ko nang Makita ko kung sino ang bumungad sa akin sa harap ng pintuan naming. "J-jayson?" hindi ko mapigilan ang hindi mautal dahil sa pagkabigla ngayon. Ngumiti lamang siya sa akin at bahagyang gumilid.

Nagtaka ako sa kinilos niya, ngunit mas lalong lumaki ang mata ko nang Makita ang babaeng dati'y naging karibal at kalaban ko dahil kay Tristan. "A-andrea...W-whoa, I don't know that you too will come!" pilit kong tinatago ang kaba ko dahil sa pagpapakita nila sa akin.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon