Kabanata 38

11.1K 109 2
                                    

Kabanata 38

Positive





Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, para akong naubusan ng dugo sa narinig kong sinabi ni mark sa akin.

Ako buntis? paano naman mangyayari iyon?

"When the last time that you have your period?" tanong niya sa akin habang hinahagod parin ang likuran ko.

Teka, oo nga ano? kailan ba 'yun?

Mas lalo akong namutla ng maisip kong mahigit isang buwan na akong hindi nadadatnan.

Imposible, alam ko namang laging nag-iingat si tristan sa twing nag-gaga'non' kaming dalawa.

"Mahigit isang buwan na ako hindi nadadatnan" sabi ko at binuksan ko ang gripo at doon ay naghugas ako ng aking kamay"

At nagpunas rin ako ng aking bibig.

Hindi na dapat ako mahiyang sabihin sa kaniya ang ganitong bagay, wala rin naman akong magagawa roon eh.

Siya ang unang nagtanong ay sumagot lang ako

"Halika, mas mabuting pumunta nalang muna tayo sa doktor" aniya.

Umiling naman ako, agad-agad? no ayoko.

Mas maiging sa botika muna ako pupunta.

"I think I need to buy a PT". Nakita kong kumunot ang noo niya habang nag-lalakad kami palabas ng Comfort Room.

At hindi rin nakaligtas ang mga matang panay ang tingin sa aming dalawa.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil wala rin naman akong magagawa kung awayin ko pa sila.

"PT? what was that?" takang tanong niya, otomatikong napairap naman ako sa kaniya

"Akala ko ba alam mo ang bagay na iyon?" tanong ko, mas lalong lumukot ang mukha niya at bahagyang umiling.

"Tatanungin ba kita kung hindi?" sabi niya

"Tsk, whatever".

**

TINGINAN ng mga taong nasa loob ng mercury drug ang lagi naming nakukuha, simula nung pumasok kami.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin? e kilalang-kilala itong lalaking kasama ko dahil sa pagmamay-ari niya ng nag-iisang mall rito sa lugar namin.

"Ano nakakuha kana ba?" hindi ko siya sinagot dahil hanggang ngayon ang naiinis parin ako dahil sa pagsama niya sa akin rito.

Sinabihan ko kasi siya na wag na siyang sumama at sa maghintay na lamang siya sa sasakyan niya ngunit masyado siyang makulit kaya wala narin akong nagawa at hinayaan na lamang siyang sumama sa akin sa pagbili ko nga ng pregnancy test.

At ngayon heto ang kinalabasan ng pagsama niya sa akin.

Ako tuloy ang nahihiya para sa kaniya. Ang dami kasing mga mata ang siyang nakatingin sa amin.

Lalo na sa akin.

"Hey, I'm talking to you" pansin kong sumeryuso ang tinig niya kaya napilitan akong harapin siya, nasa likuran ko kasi siya na naka buntot sa akin kahit san man ako mapunta.

"Hindi pa nga diba?" sabi ko naman at ibinalik ang tingin ko sa mga PT na nakalagay roon.

"Faster please" narinig kong bulong niya sa akin.

"Eh sino ba kasing nagsabing sumama ka hanggang dito sa loob? sabi ko naman kasi sayo, ay ok lang ako kahit na mag-isa lang akong bumili nito" sabi ko sa kaniya.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon