Kabanata 23

14.7K 162 4
                                    

Kabanata 23

Jealous





Inilagay niya sa garahe ng aming bahay ang kaniyang kotse, at pagkatapos ay bumaba na siya matapos niyang mapatay ang makina.

Bubuksan ko na rin sana ang pintuan ng kaniyang kotse nang siya na ang nag-presenta na buksan iyon. Hinayaan ko na lamang siyang gawin iyon.

Nang mabuksan na niya ito ay nagulat ako ng alalayan pa niya ako. Iyon kasi ang unang beses na inalalayan niya ako. Nasanay na kasi akong lagi niya akong iniiwang mag-isa kung may pinunpuntahan kaming dalawa.

Naglakad kami papunta sa may pintuan at nakita kong may dinukot siya mula sa kaniyang bulsa. Nang makuha niya iyon ay susi pala para sa pintuan ng bahay namin.

Nang mabuksan niya ito ay pumasok na kami sa loob, at doon sumalubong ang madilim na itsura ng buong kabahayan. Humakbang siya ng kaunti at may pindot sa gilid at doon ay limiwanag ang buong bahay.

Dati pa rin ang istura ng bahay namin, simula no'ng umalis ako. Ang naiba nga lang ay ang pagkakaayos ng mga sofa sa sala.

At kung ibang tao lang siguro ako dito ay masasabi kong malungkot ang atmosphere sa loob. Mababakas dito ang mga away at mga sagutan na nangyari sa aming dalawa ni Tristan noon.

"Hey, are you okay wife?" tanong ni Tristan na ngayo'y nasa aking harapan na. Umiling ako sa kanya, at ipinagpatuloy ang pagiging tahimik ko na kanina ko pa ginagawa. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga bago magsalita.

"Sorry kung ito ang nadatnan mo sa bahay natin, don't worry, tomorrow I'll be cleaning the whole house," aniya.

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya pero umiwas  rin at itinuon ang tingin sa isang malaking picture frame na nakasabit sa may pader na pinaggigitnaan ng dalawang kwarto, ang kwarto namin at ang guest room.

Umupo ako sa mahabang sofa at inilapag ang shoulder bag ko roon.

Hindi ko na napansin si Tristan, at siguro'y kinukuha ang mga maleta ko sa compartment ng kaniyang sasakyan.

Tumunog ang cellphone sa may shoulder bag ko kaya kinuha ko iyon at tinignan kung anong ang notification. I open my phone at nakitang si Jayson pala ang nag-message sa akin.

-Naka-uwi naba kayo Anne? kamusta na? maayos ba ang pakikitungo niya sa'yo?

Napailing nalamang ako habang nagtataype sa cellphone ko para replayan si Jayson.

-Maayos naman ako dito, ikaw nga ang dapat kong tanungin kung nakarating kana jan sa paris?

Hindi nagtagal ay nagreply na siya. Binuksan kong ang cellphone at binasa ang reply niya.

-Try to see my number on you phone Leanne!

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya walang atubiling tinignan ko naman ang number niya sa cellphone ko.

Napatawa nalang ako ng mahina dahil naka-roaming pala ang number na ginmit niya sa akin. Agad ko siyang nireplayan.

-Oo na nakita ko na.

-I miss you already Leanne, but how did you know that I am the who's messaging you?

-Of course Jayson, kabisado ko na ang way ng messages mo saa akin, kahit hindi ko rin nakita iyong number kanina, I replied already.

Nag hintay ulit ako ng ilang minuto para sa reply niya ngunit wala nang dumating pa na message mula sa kaniya.

Ibinalik ko na lang ito sa may bag ko pero bago ko pa maipasok iyon sa loob ay muli nanaman itong tumunog. Nakakunot-noong sinagot ko uli ito ng makita kong siyang tumatawag.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon