Kabanata 14

22.4K 254 9
                                    

Kabanata 14

Decision





"Sigurado ka naba sa desisiyon mo?" Tumango ako sa kanya. Sa humigit kumulang tatlong buwan na pamamalagi ko kay Jayson, ay doon ko naisip na kailangan ko namang isipin ang sarili ko. Sarili kong buhay at sarili kong pangarap.

Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Tristan kung kaya't pati ang sarili ko ay napapabayaan ko na.

Simula ng umalis ako sa bahay namin, ay si Jayson na ang siyang nag-aalaga sa akin.

Bago lumipas ang dalawang linggo ay inamin niya ang lahat sa akin.

Pinaalala niya lahat sa akin, hindi ko nagawang magalit sa mga oras na iyon sapagkat alam ko, na kung hindi dahil sa kanya ay wala na siguro ako sa mundong ito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa mga nagawa niya sa akin.

At kahit gano'n ang sinabi niya, ay hindi ko magawang magalit sa kanya. Alam kong ayaw niya lang akong mapahamak ng dahil kay Tristan, kaya nagawa niya ang bagay na iyon.

Siya na rin ang nagsabi na pasukin ko ang mundo ng magmomodelo. At sobrang saya niya nang pumayag ako sa alok niya.

Masaya ang naging ayos ng pamumuhay naming dalawa. Alam kong marami nang nasasabi ang mga kapwa modelo namin dahil sa ang tingin nila sa amin ay mag kasintahan.

Hindi nalang namin iyon pinapansin, para lalong hindi pa lumaki ang issue sa amin ni Jayson.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Oo naman sigurado na ako sa desisiyon ko, 'wag kang mag-alala dahil hinding-hindi na iyon magbabago pa." nakangiting sagot ko sa kanya. Napailing nalamang siya nang marinig iyon sa akin.

Nagtulungan kaming mag-empake dahil mamaya nang 7 ang alis namin papuntang airport.

Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang narealize na ang dami ko palang nasayang at sinayang oras at araw noong nasa tabi pa ako ni Tristan.

At siguro kung hindi ko nakilala si Jayson ngayon, ay tiyak na hindi ko alam kung anong kinahihitnan ng buhay ko kay Tristan.

Hindi alam nina daddy at mommy ang sitwasiyon naming dalawa ni Tristan ngayon, basta't ang sinasabi ko nalamang ay busy siya sa kanyang pamamalakad sa kompanya at ako ay nagtatrabaho naman bilang isang model.

"Basta Anne kung ano man ang plano mo, balak mo lagi lang akong nandito para sa iyon, mahal na mahal kita." sabi niya na may halong senseridad pagkatapos isara ang zipper ng huli naming bagahe.

Napakaswerte ko dahil mayroong Jayson Viado akong nakilala, mahal na mahal ko siya ngunit bilang kaibigan lang.

Alam kong mahal niya ako na higit pa roon ngunit sinabi ko na sa kanya na ayoko siyang masaktan ng dahil sa akin.

Naintindihan naman niya iyon kaya mas lalong lumaki ang tiwala ko sa kanya na 'di niya ako pababayaan sa lugar na pupuntahan namin. Sa france, doon kasi namin nais ipagpatuloy ang pagmomodelo.

At alam kong tutulungan niya akong magbagong buhay at kalimutan narin si Tristan.

Kahit masakit sa akin, kahit alam kong mahal ko pa siya, kailangan ko itong gawin para sa aming dalawa. Alam kong dito siya sasaya at dito kami sasaya.

Masakit mang isipin na kailangan ko na siyang kalimutan ay alam kong ito ang tama. Sa France narin ako gagawa ng hakbang upang makapag-anull narin kami, upang tuluyan na kaming magkahiwalay.

"Salamat talaga Jayson sa lahat-lahat, hindi ko alam kung pano ko susuklian ang mga nagawa mo sa akin." mahinang tugon ko sa kanya habang inaayos ang kanyang sarili.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon