Kabanata 29

10.7K 108 8
                                    

Kabanata 29

Stranger





Nang makaalis na si Tristan ay agad ko namang minessage si Jayson. At ang loko naman ay nagpupunyagi dahil lang sa pinayagan ako ng asawa kong pumunta para sa welcome party niya. Itong gabi ring ito ay mamemeet ko ang parents ni Jayson.

Simula kasi no'ng naging kaibigan ko siya ay hindi ko pa nakikita ang parents niya.

At sa tuwing tinatanong ko rin kung nasa'n ang mga parents niya ay lagi naman niyang sinasabi ay nasa ibang bansa ang mga ito dahil sa trabaho nila sa kanilang kompanya.

Nang makaayos ako ay saka ako dumiretso sa mall upang bumili ng aking masusuot para mamaya. At hindi rin ito alam ni Tristan na lumabas ako ngayon.

Nakalimutan ko kasing sabihin ito sa kaniya kaya hindi na rin ako nakapagpaalam pa. Ibinigay ko ang bayad ko kay manong nang makababa na ako sa taxi.

Diretsong pasok ako sa loob ng mall para makapili na ako ng damit ko para mamaya. Hindi rin kasi ako magtatagal rito dahil damit lang din ang balak kong bihin.

Nang maka-punta ako sa 3rd floor ay doon ko nakita ang iba't-ibang klase ng damit, mapa-gown ito o dress. Kumislap-kislap ang aking mata dahil sa ganda ng mga damit na naka-display rito.

Ang kaso nga lang ay wala akong perang pambili para sa mga ito. Limang libo lang kasi ang dala kong pera kasama na roon ang pagkain ko at pati narin ang pamasahe ko.

Hindi ako humihingi ng pera kay Tristan dahil ayokong may masabi ang ibang tao sa amin. At pinipilit ko rin ang sarili kong hindi humingi sa kanya ng kahit isang sentimo.

Habang tumitingin-tingin ako sa paligid ko na punong-puno ng iba't-ibang mga dresses at gown ay may isa akong natipuhan. Itim ang kulay nito na may touch of red. Napaka-seductive kung tingnan pero hindi naman ito masyadong revealing.

Below the knee ang taas nito at tube-style siya. May nakapalibot naman ritong isang ribbon na siyang itatali sa likod at kulay red iyon. Hindi siya straight lang dahil naka-baloon style siya kaya mas lalong gumanda ito.

May mga iba't-ibang mga beads na siyang nakapalibot rito at iyon ang dahilan kung kaya't kumikinang-kinang ito kapag natatamaan ng ilaw. Nakita ko namang may kasama iyong sombrero na kulay pula na sa tingin ko ay ipit sa buhok para sa damit na ito.

Lumapit ako rito upang mapagmasdan ko pa ito sa malapitan at doon naman may lumapit sa aking isang saleslady. Ngumiti ito sa akin kaya napangiti narin ako sa kaniya.

"Ma'am.. I'm sure babagay po sa inyo iyan. Maputi kasi kayo." puri niya sa akin at naramdaman ko namang umakyat ang dugo ko sa aking mukha kaya wala sa oras na napayuko ako.

"Ma'am.. are you okay?" tanong nito sa akin. Iniangat ko naman ang tingin ko sa kaniya at tumango.

"Yeah..I'm okay." sagot ko sa kaniya. Nakita kong tumitig siya sa akin ng mariin at ganon nalang ang pagtataka dahil sa tingin niya sa akin.

"W-why? is there's something wrong?" tanong ko rito. Agad naman itong umiling at narinig ko pang nagsalita ito.

"O-oh my ghad! Wala po, kayo iyong sikat na m-model ngayon?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Do'n ko narealize na hindi pala ako nakapag-dala ng sunglass ko at scarf para matakpan ko man lang ang istura ko.

Huminga naman ako ng malalim at tinignan ko ulit ang saleslady sa tabi ko na ngayon ay naka-nganga na dahil sa gulat siguro na makita niya ako rito.

"Ahm how much is this dress?" pag-iiba ko ng usapan para hindi na ulit lumawak ang pagtatanong niya sa akin.

"A-ahh..." nagkanda-utal-utal siya habang hinahanap ang price tag na nasa loob pala ng dress. Kaya pala hindi ko kaagad nakita ang presyo nito dahil sa nakatago ang tag price nito.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon