Kabanata 28

12K 137 2
                                    

Kabanata 28

Email





Masarap na amoy ng ulam ang siyang nakapagpagising sa akin. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata at bumungad sa akin ang init ng sikat ng araw.

Mula sa aking kinahihigaan ay umupo ako at bahagyang kinusot-kusot ang mata ko. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang bahid ng dugo na tiyak ay nanggaling sa akin.

Napabuntong hininga ako pagkakita ko doon. Wala na talaga. Tuluyan ko nang naibigay ang sarili ko sa kanya.

May bahagi sa isip ko na mali ang ginawa ko ngunit may bahagi rin namang nagsasabing tama iyon dahil mag-asawa naman kami.

Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko at napatingin ako sa tiyan ko.

Dito ko na naramdaman ang gutom ko. Napahinga ako ng malalim ng maamoy ko nanaman ang ulam na naggagaling sa ibaba.

Umusod ako sa kama upang kunin ang ponytail na katabi lamang ng lampshade at saka ko ito pinantali sa buhok ko. Isinuot ko naman ang tsinelas ko na nakatapat lamang sa higaan namin at saka ako tumayo.

Napahawak ako sa may bedside table namin na siyang kinalalagyan rin ng lampshade namin ng biglang kumirot ang gitnang bahagi sa ibabang parte ng katawan ko.

Kaya hindi muna ako humakbang at tinignan ko muna kung pwede na akong maglakad at nang tumigil ang sakit ay doon na ako dahan-dahang humakbang papunta sa may pintuan upang mabuksan ito.

Nang makarating ko, ay hinawakan ko ang doorknob ng pintuan namin at saka ko iyon inikot nang mabuksan ito.

Dahan-dahan akong naglakad pababa sa may hagdanan dahil narin sa kirot at sakit na nararamdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko. Nang makarating ako sa may kusina ay nabungaran ko si tristan nagluluto ng sinangag, dahil narin sa amoy nito kaya ko nalaman.

Topless lang siya dahil sa boxer short na suot niya at kitang-kita ang brusko niyang pangangatawan dahil narin sa suot niyang black apron na nakatali pa sa may likuran nito.

Wala sa sarili akong napangiti habang hinahagod ko siya ng tingin. Ngunit nawalan ang ngiti kong iyon na maalala ko ang plano kong magkunwari-wariang wala parin akong naalala.

Parang gusto ko nang umatras, kalimutan ang plano na siyang sinimulan namin ni jayson. Pero kapag naalala ko ang kagaguhang ginawa nila sa akin ng babae niyang si Andrea, at otomatikong napapapikit ako at napapayukom ng kamao kapag naiisip ko iyon.

Kahit gustuhin ko mang kalimutan, at burahin iyong alaalang iyon ay hindi ko magawa-gawa. Pilit kasi itong pumapasok sa isip ko.

Nagpasya akong maglakad patungo sa kinaroroonan niya. Tumikhim ako nang maabot ko ang pwesto niya. Bahagya akong sumandal sa may lababo namin na malapit lang sa kaniya.

Tinignan niya ako ng marinig niya ang pagtikhim ko. Ngumiti siya sa akin at pagkatapos ay pinunasan ang kaniyang kamay at bahagya akong hinila upang mayakap niya.

Hindi ako nagpakita ng anumang emosyon sa kaniya. Bagkus ay ipinikit ko nalamang ang aking mga mata at dinamdam ang init ng yakap niya.

Naramdaman ko ang kaniyang hininga sa may bandang likuran ng tenga ko at nagsalita siya.

"Are you still sore?" mahinang sambit niya sa akin na siyang nakapagpapula ng mukha ko.

Iniyuko ko nalamang ang aking ulo at tinignan ang aking paa sa ibaba. Nang hindi ako nagsalita at tumugon sa tanong niya ay bigla ko na lamang narinig ang mahinang pagtawa niya sa likuran ko.

Naramdaman ko uli ang kaniyang paghinga ngunit hindi kagaya kanina na nasa likuran ng aking tenga, dahil ngayon ay nasa batok ko na siya.

Napasinghap ako ng naramdaman kong inilapat niya ng bahagya ang kaniyang labi sa may batok ko. Ngunit mas nagimbal ako ng tuluyan niyang dinampian ng maliliit ng halik ang aking batok.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon