Kabanata 26

10.9K 128 1
                                    

Kabanata 26

Tex Message





Tila ba hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko ngayon. Feeling ko napako ang mga paa ko sa sahig ng kanyang opisina.

Alam ko kailangan kong ipagpatuloy na wala pa rin akong naalala pero hindi ko mapigilang hindi masaktan sa nakikita ko ngayon.

Parang sinasaksak ang puso ko habang pinapanood sila sa ginagawa nila.

Ni hindi ako makapagsalita, ni hindi ko maigalaw ang mga daliri ko sa kamay at paa. Ano bang nangyayari sa akin? Ba't parang deja vu ang natutunghayan ko ngayon?.

Hindi parin nagkakalayo ang labi nila sa isa't-isa. Ngayon ay naghahalikan sila na para bang walang bukas.

Pilit kong isinara ang aking mata upang pigilan ang mga luha kong nagbabadya.

Gusto ko mang umalis rito upang hindi masaksihan ang ginagawa nilang paghahalikan, at naiinis ako sa sarili kong katawan! Hindi parin kasi makaalis ako sa aking kinatatayuan!

Naiyukom ko ang aking kamao sa hindi malamang dahilan. Naalala ko pa pala na may dinala rin akong ulam, no'ng araw na nasa ganito akong pangyayari bago ako maaksidente.

Nakita kong itinulak ni Tristan si Andrea ngunit panay naman ang hila ni Andrea sa kaniya. At nagulat ako dahil sa sunod na ginawa ni Tristan sa kaniya.

"You bitch! hindi ka na ba nadala sa ginawa mong panggagago sa akin andrea?! tang-ina naman oh! nang dahil sa yo, nagka-amnesia si Leanne! nang dahil sa'yo kinailangan pa naming daanin ang ganitong sitwasyon! parang-awa mo naman na Andrea tumigil ka na!" sigaw niya.

At itinulak niya ito kaya bumagsak si Andrea sa may sahig katapat ng kaniyang sofa.

"A-alam kong malaki ang nagawa kong pagkakakamali sayo, but please.give me another chance Tristan." desperadang saad ni Andrea habang nasa sahig parin siya.

Laking pasalamat ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin nila ako napapansin sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ano?! another chance? hindi! hindi pwede! hindi ko gustong bigyan ka ng gano'n! hindi ka nararapat mabigyan ng pangalawang pagkakataon! alam nating minahal natin ang isa't-isa! oo aaminin kong minahal kita! pero sinayang mo ang pagmamahal kong iyon Andrea! sinayang mo! at ngayon pinagsisisihan kong nagmahal ako ng isang malanding katulad mo!"

Nanlaki ang mata ko nang biglang sampalin ni Andrea si Tristan. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya nang ibalik ang tingin nito kay Andrea.

"W-wala kang alam Tristan! wala kang alam sa mga nangyayari kaya wala ka ring karapatang sabihan ako ng ganyan!" humihikbing saad ni Andrea. Tumingin siya sa gawi ko na siya namang ikinagulat ko.

Napaatras ako dahil sa mga titig niya sa aking napalalim na para bang unti-unti niya akong pinapatay.

Nakita kong napabaling rin ng tingin sa gawi ko si Tristan. At kitang kita ang panlalaki ng kaniyang mata at napaawang ang kaniyang bibig habang nakatingin sa akin.

Muling inalala ko sa aking isipan na wala akong maalala, na may amnesia ako at hindi ko kilala si Andrea.

Napahinga ako ng malalim habang sinasalo ang mga tingin nila sa akin.

"H-hi?" painosente kong sabi. Napahilamos si Tristan sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at iniwas ang kaniyang tingin sa akin.

Ngunit nanatili parin ang titig sa akin ni Andrea. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya at sa huli ay siya na mismo ang siyang umiwas roon. Pero isang nakakatakot na ngiti ang sumilay sa labi ni Andrea nang muli niyang nilipat ang titig sa akin.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon