LSS Series #1 - 01

3K 107 9
                                    

Tyler Allen Garcia.


"Sandali! Sandali!"

Pambihira naman 'tong nagtatawag oh! Hindi makapag antay?! Naglilinis pa 'ko ng bahay eh.

Lumabas ako at nagulat ako dahil sila Hazel at Vincent, ang mga kaklase ko, pala ang maghahanap sa'kin "Uy! Musta na kayo? Taray ganda ng bagong uniform ha?!"

"Ayos lang naman kami, Ty. Ikaw ba?" pangangamusta ni Hazel sa'kin.

"Hmmmm ito, naglilinis lang ng bahay. Ito lang naman pwede kong gawin habang di pa 'ko pwede pumasok eh." paliwanag ko sa kanila.

Hulyo na ngayon pero hindi pa rin ako nakakapag-enroll dahil kulang pa kami sa pera ni Ate eh kaya gahol ako ngayong 3rd year.

"Badtrip naman kasi 'tong principal na'tin eh! Sana man lang i-consider ka nila na i-enroll." Saad ni Vincent

"Kaya nga eh... At tsaka Ty, pwede ka naman pahiramin ni Mommy ng pera eh..." suhestyon ni Hazel na ikinagulat ko.

"Nako te! Wag na... Basta tiwala lang makakapasok ako. Ba't nga pala kayo nandito?" saad ko.

"Kinakamusta ka na kasi sa'min ni Ms. Angelica dahil halos isang buwan ka na wala. Akala nga rin ng lahat lumipat ka na eh kasi wala ka rin sa GC namin eh." Kwento niya.

"G-gano'n ba? Hindi bale, makakahanap rin kami ni Ate ng paraan para makapag enroll na 'ko-" saad ko.

"Okay na." napalingon kami sa gilid nang may magsalita "Na-enroll na kita, Ty. Makakapasok ka na!"

Nagulat ako sa sinabi ni Ate Tylene, ang ate ko, kaya napasigaw kaming tatlo sa tuwa at niyakap ko si Ate "Salamat ate!"

"Hala! Makakapasok ka na Ty! Nakakatuwa naman! Biruin mo 'yun?" masayang saad ni Hazel.

"Oo nga! Magugulat sila malamang dahil papasok ka na." sabi ni Vincent.

"Lalo na si Aileen 'noh? Sobrang ganado kaya magrecite ngayon 'yun?!" sabi ni Hazel na ikinatawa naming tatlo.

Kompitensya pa rin ba talaga ang hanap ni Aileen? Nakakaloka naman 'yung bruhang 'yun.

Dati kong bestfriend si Aileen, pero simula nang malaman ko na sinisiraan niya ko sa iba lalo na sa mga baguhan palagi sa section namin, iniwasan ko na siya.

Yung kompitensya na sinasabi nila Hazel at Vincent ay yun ang pagiging honors. Nalaman ko na lang sa iba rin na sinasabi niya na di 'ko deserve ang pagiging honor kaya ayaw niya daw sa'kin.

"Hay nako! Hayaan niyo na 'yung Aileen na 'yun. Kumain na muna kayo sa loob. May dala akong Pancit bihon." Pumasok kami sa loob at kumain kami ng dala ni Ate.

Habang kumakain, kinamusta ko ang section namin at natuwa naman ako dahil wala naman daw umalis sa'min pero may bago daw na nagdagdag "Apat 'yung mga nadagdag sa'tin ngayon. Dalawang babae at Dalawang lalaki."

"Ayweh? Kamusta naman 'yung mga bago? Okay naman ba sila makisama?" tanong ko sa kanila.

"Hmmm? Okay naman. Yung isa, Morena, Matangkad, at Maganda pa. Pero 'yung isa?! Jusko napaka ingay! Best friend nga nitong Hazel na 'to eh." Sabay turo ni Vincent kay Hazel habang kumakain.

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Where stories live. Discover now