CHAPTER 98: Under Vipers?

Start from the beginning
                                    

Nagdoor bell muna ako sa gate nila at pinagbukasan naman ako ni Yaya Linda ng gate kaya kaagad naman akong pumasok.

"Oh Ethan." sabi ni Tita ng makita ako.

"Tita si AC po?" tanong ko.

"Hah? Akala ko ba magkasama kayo? Sinabi niya na magkasama kayo. Nagtext siya sa akin kahapon na sa inyo siya matutulog. Bakit mo siya hinahanap sa amin?" tanong naman niya.

Fuck! What the hell is happening?

"Tita, isang araw ko na po siyang hindi nakikita. And definitely hindi siya pumunta sa amin. Nanjan po yung sasakyan niya sa garahe ninyo." sagot ko naman.

"Anong ibig mong sabihin?" nag aalalang tanong ni Tita.

"Tita hindi ko pa po siya nakikita mula kahapon. Kaya nga po pumunta na po ako dito para magtanong eh." sagot ko naman.

"What do you mean?" sulpost ni JD havang pababa ng hagdan.

"Si Kate daw hindi pa sila nagkikita mula kahapon. Nasaan na kaya yung kapatid mo?" sabi naman ni Tita sa kanya.

"Alam mo Ethan ilabas mo nalang yung kapatid ko. Hindi yung gagawa ka pa ng kwento at pupunta putan ka pa dito." ramdam ko ang galit sa boses niya at ang mga tingin niya sa akin ay masakit.

"Hindi pa nga kami nagkikita diba? Paano ko siya itatago sa inyo? Alam mo na hindi ko gagawin yan." sabi ko naman.

"JD tama na yan. Wag kang mangsisi ng ibang tao. Tatawag ako sa pulis para hanapin siya." sabi ni tita at tumalikod na.

Bago pa siya makatalikod ay tinawag ko na ulit siya.

"Tita, kami nalang po ang maghahanap sa kanya. Ako nalang din po ang tatawag sa mga pulis. Wag na po kayong mag alala." sabi ko at agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Salamat hijo. Pag nakita mo siya sabihin mo na umuwi na ha?" sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Sige po baka nasa kaibigan niya lang po siya nakitulog papauwiin ko po agad pag nakita ko siya."

I'm trying to control myself from anger at this point. AC ano na naman ang ginagawa mo!?

"Sige hijo. Maraming salamat." pagpapasalamat niya

"Tita pwede po ba akong pumunta saglit sa kwarto ni AC may naiwan pa po yata ako noong huli na nagpunta ako dito." sabi ko.

"Oo naman hijo." sabi niya kaya agad akong umakyat papunta sa sa kwarto ni AC.

Wala naman talaga akong naiwan. Gusto ko lang humanap ng ebidensya na hindi siya pumunta sa kung saan.

Habang tumitingin tingin ako ay nakita ko sa side table niya ang susi ng sasakyan niya.

Her car is here she can't go anywhere.

Pumasok ako sa closet niya at nakita kong walang nagalaw sa mga pang alis niya. Kabisado ko siya kapag aalis siya malilipat lahat ng hindi niya gustong suotin sa kabilang sabitan.

Maayos. Hindi siya umalis.

Shit!

Napapamura napang ako dahil sa mga nangyayari.

AC did you fucked up again or maybe... No nevermind.

Habang tumitingin ako ay may nakita akong isang kahon na nasa ibabaw ng vanity niya.

Nakakalat ang mga papel at ballpen sa lamesa. She definetley didn't leave. Hindi yon aalis ng ganito kagulo.

Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang isang sulat.

Happy Birthday. I totally didn't expect that you would get my first kiss. Well almost everything first. But anyway I don't have much to say I just want to say na wag kang mambababae kundi sasagasahan talaga kita. Yung totoong message ko sasabihin ko nalang sayo ng harapan pag tayong dalawa nalang.

Go to Ethan's garage with this key. And you will find out what's my gift for you. Happy Birthday Pikachu!

XO AC

Agad ko namang tinignan ang susi na katabi ng sulat and...

Susi ng sasakyan? Aanhin ko to?

Agad akong umalis dala ang sulat at ang susi na nasa loob ng box.

Nang makarating ako sa garage ni Ethan ay agad naman niya akong sinalubong.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin.

Agad ko namang itinaas ang susi na dala ko.

"Ohhh ok.  Akala ko sa isang araw mo pa kukunin yun kasi ang sabi ni Kate sa akin nung huli siyang pumunta dito. Buti nalang tapos na." too much talking.

"Where is it?" tanong ko.

"It's here halika tignan mo." sabi niya kaya sinundan ko nalang siya.

Nakita ko ang isang Black  na sasakyan. It's different.

"Sabi niya i customize ko daw yung interior so ayan. Tapos na siya." sabi niya.

"Kanino to? Sakin daw?" tanong ko.

"Yeah. Iba pala talaga pag mayayaman ang nagregalo. Ilang milyon din ang halaga niya in US dollars. What more kung iconvert sa Philippine peso."

This girl is not kidding kapag siya ang nagreregalo. I don't need this but definitely want it.

"I've check the car. Pina customize niya lahat yan. Nag iisa walang katulad. And sabi niya may bracelet daw na kasama yan. May system sa sasakyan na yan na kayang itrack yung bracelet. As far as I know suot suto niya yon lagi. And I think that was cool. "

This piece of shit just gave me an idea.

"Kukunin ko na to. There will be someone who will pick my car here." sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinaandar ito.

Habang nagmamaneho ako ay kinuha ko yung phone ko para tawagan sina Kurt.

"Call all the departments." sabi ko ng sagutin niya at kaagad ko din itong pinatay.

AC pag ikaw napahamak hindi ko alam kung anong gagawin ko.

At sa mga taong pinaghihinalaan ko mapapatay ko talaga kayo kahit na kaibigan ko pa kayo.

Sinabi ko na dati walang kaibigan pag si AC ang pinag uusapan.

There's no exemption in this.

Ano ba kasing nangyayari pati ako naguguluhan na. Gustong gusto ko ng sumabog sa galit.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now