CHAPTER 36: Ready

1K 36 0
                                    

AC's POV

Maaga akong nagising at yung mga kasama ko ay mahimbing pang natutulog. 3:45 palang gising na ako. Nagtungo lang ako sa banyo at inayos ang sarili ko. Pagkatapos kong mag ayos ay tahimik lang akong lumabas ng kwarto. Bumaba na ako ng hagdan at tahimik lang ang paligid.

Nakabukas na yung ilaw sa kusina at sala. Sino na kayang gising ngayon?

Nagtungo lang ako sa ref at kumuha ng gatas. Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"Good morning beautiful." sabi niya at nang humarap ako ay *tsup*. What the hell?

"Ano ba?" sabi ko sabay iwas sa kanya. Halikan ka ba naman sa pisngi umagang umaga?

"Hey! I'm sorry ok? I cooked pancakes for you!" sabi niya sabay turo sa lamesa. Agad naman akong nagtungo sa lamesa dala ang gatas ko.

"Hey AC!" kalabit niya sakin

"What?" tanong ko naman habang kumakain.

"Can I have some? " sabi niya sabay turo sa pancakes.

"Kumuha ka ng tinidor mo don." sagot ko naman.

"No use your fork!" sabi niya kaya sinubuan ko siya.

"Lakihan mo kasi yang bunganga mo!" sabi ko sa kanya.

"It's delicious, just like you!" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"What the hell? What are you saying? You're saying nonsense!" sagot ko sa kanya.

"Ayusin mo na yung mga gamit mo mamaya kasi malayo yung byahe at paki ayos na din yung mga gamit ko." sabi niya at tumayo na.

"Tell that to Angel not me!" sagot ko naman.

"Pero ikaw yung gusto kong mag ayos." sagot naman niya.

"Whatever!" sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos na akong kumain ay umakyat na ako sa taas para ayusin yung mga gamit ko.

Nagshower lang muna ako at nang matapos ay sinoot ko lang yung swimsuit ko at nagshort lang tapos nagsuot ng cardigan  na mahaba abot hanggang tuhod. Pagkatapos ay inayos ko na yung mga gamit ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay pumunta lang ako sa kwarto ni Ren para ayusin yung mga gamit niya.

Kumatok lang ako at pinagbukasan naman ako ng mga boys na nasa kwarto niya.

"Oh Kate ang aga pa ah. Gising ka na at nakaready ka na agad?" tanong ni Matt.

"Yup and kayo bumaba na tulungan nyo yung kaibigan niyo don naghahanda ng pagkain." sagot ko naman.

"Sige baba na kami" sagot din nila.

"Kurt may tatanungin lang ako sayo sandali pwede ba?" tanong ko kay Kurt.

"Sure ano ba yon? " sagot naman niya.

"Ah bakit nandito si Angel? Tsaka pano niya nalaman na nadito kami?" tanong ko. Eh bakit ba curious ako eh.

"Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito kayo pero nagpasundo nalang siya sakin kahapon." sagot naman niya.

"Ah sige salamat." pagpapasalamat ko sa kanya at lumabas na siya. Ako naman nag ayos ng gamit ni Ren.

Nilagay ko lang yung short niya at yung sunblock niya tsaka syempre yung towel niya. Pagkatapos kong ayusin ay bumaba na ako nadatnan ko naman sila na busy sa pag aayos.

"Ang busy ng mga Gangsters ah!" sabi ko sa kanila at agad naman silang nagtinginan sakin.

"Oo na tutulong na yang mga tingin niyo nakakamatay ah." sabi ko at nagtungo sa kanila.

Nang matapos na kaming mag ayos ay gising na din sila. Umakyat lang ako para tignan yung mga girls sa kwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko silang palakad lakad.

"Anong nangyayari sa inyo!?" tanong ko sa kanila at agad naman silang napa tigil sa paglalakad.

"Kate wala kaming maisusuot." sagot naman nila.

"Yun lang ba? May rashguard ako jan at tsaka swimsuit. Hiramin niyo na muna. Magbihis na kayo at bumaba na pagkatapos aalis na tayo. Overnight pala yun ha so magdala nalang kayo ng mga damit niyo." pagpapaliwanag ko sa kanila.

Binigay ko na yung mga swimwear at bumaba na dala yung bag ko at dinaanan ko na din yung kay Ren sa kwarto niya.

"AC magsasandals ka?" tanong ni Ren

"Oo dadalhin ko nalang yung flip flops ko." sagot ko naman.

"Ah ok. So sino pa ba ang kulang?" tanong niya.

Nandito na naman yung mga girls at yung Clashers nadito nadin si Xander. So it means si Angel nalang.

Lumapit lang ako kay Ren at bumulong sa kanya.

"Yung gf mong maarte nalang ang kulang. Gisingin mo kaya!" bulong ko sa kanya.

"She's not my girlfriend!" inis niyang sambit.

"Ok. Sabi mo eh!" sabi ko naman sabay alis na.

Ang tagal niya ah. Pabebe pa. Di ba siya nahihiya na siya nalang yung hinihintay?

Nanood lang muna kami at salamat naman bumaba na ang princessa.

"Salamat naman makaka alis na tayo! Tara na nga tatanghaliin pa tayo eh. Ang tagal niyo kasi!" pagmamaktol ko at agad naman silang lumabas. Ang tagal tagal eh pa special!

Gaya nga ng napag usapan kagabi ay doon ako sa kotse ni Ren. Umupo lang ako sa likod at pumwesto na.

"Bakit nanjan ka?" tanong ni Ren.

"Diba dito nga ako?" tanong ko rin

"Sa harap ka uupo!" sagot naman niya.

"Edi sa harap!" sabi ko at lumapiat na sa harap.

Nang makasakay na kaming lahat ay pinaandar na ni Ren ang kotse at umalis na kami. Tahimik lang sa daan ang mga kasama ko. Dapat dalaga doon na ako sa van eh mas masaya don.

Dahil bored ako ay nilagay ko lang ang headphones ko at natulog na. Nagising ako ng may yumuyug yug sa balikat ko.

"AC gising na may bibilhin ka ba?" tanong niya.

"Sige sunod nako!" sabi ko naman at sumunod na.

Nandito kami ngayon sa isang convenient store. Ano nga bang bibilhin ko? Mukang wala naman yata eh.

Sumunod nakang ako kay Ren at nagtungo naman siya sa Wine section.

"Iinom kayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Ikaw wala ka bang bibilhin?" tanong niya.

"Mukang wala naman." sagot ko at nagtingin tingin lang.

Bumili siya ng isang malaking bote ng Vodka at 4 cases ng San Mig Light na may flavor. Bumili lang din siya ng popcorn, nachos, potato chips and Lays. Marami pa silang binili na kung ano ano.

Nang makabayad na sila ay pumunta na kami sa kotse at umalis na.

Sana naman maging maganda ang mga mangyayari sa beach wag naman sanang puro masama. 

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon