CHAPTER 14: Shocked

1.4K 49 1
                                    

AC's POV

Hay nako monday na naman.

Buti nalang walang klase kasi whole week na kaming magprapractice.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals ko. Nung matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nagpunta sa walk in closet ko at kumuha ng isusuot.

Kumuha lang ako ng thin strap shirt na parang crop top, denim jeans and boots na mejo may heal. Ganito nalang ang sinuot ko para masanay ang paa ko na mag heals at kumuha lang ako ng thin gray blazers.

Pagkatapos kong magpalit ay pumunta na ako sa dresser at nilagay ang contact lens ko baka magalit na naman si mama eh. Pinatuyo ko lang ang buhok ko at nagsuklay na. Nilugay ko lang ito para naman bumagay sa outfut ko. Naglagay na ako ng pulbo at liptint.

Nag aayos na ako ngayon kasi papagalitan ako ni mama.

OA niya kasi.

Tinignan ko yung sarili ko sa full length mirror at pati ako ay hinangaan ang sarili ko.

Ang laki nga ng pinag bago ko. Parang hindi na nga ako ang nasa salamin eh.

Nung matapos ko ng tignan ang sarili ko ay bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumain.

"Good morning ma." bati ko kay mama na nagluluto.

"Buti naman nag ayos ka na. Sanayin mo ng mag ayos Kate ha. Dalaga ka na dapat alam mo na mag ayos ng sarili mo." pangangaral niya sakin. Nagtungo nalang ako sa ref at kumuha ng gatas.

Napansin ko na wala yata si Kuya. Kaya nagtanong ako kay mama.

"Ma nasaan si kuya? Wala at siya ngayon?" tanong ko at luminga linga sa paligid para hanapin si Kuya.

"Maaga siyang umalis. May pupuntahan daw. " sabi niya habang nagluluto.

"Ah saan daw ma?" tanong ko at kumuha na ng pagkain.

"Hindi niya sinabi pero gagabihin na daw siya ng uwi mamaya" tugon niya.

Hindi nalang ako sumagot at kumain nalang. Natapos na akong kumain ay nagpunta lang ako ng sala para hintayin si Ren.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na siya. Pagpasok niya sa loob ay tinignan niya ako at parang nagulat ang mukha?

Anong problema ng taong to. Parang nakakita ng multo. Nababaliw na kaya siya? Hay nako bahala siya.

Nilapitan ko nalang siya at tumayo sa harapan niya pero naka tingin parin siya sakin.

"Huy ok ka lang? Para kang nakakita ng multo ah?" pabirong tanong ko at agad naman siyang nahimasmasan.

"Ahh o-oo ok lang ako. Ang ganda mo ngayon ah." sabi niya at ngumiti.

"Ah thanks. Ano tara na?" tanong ko pero hindi ko na siya pinasagot at lumabas nalang ako ng bahay at sumakay sa kotse niya.

Buong biyahe siyang tingin ng tingin sakin.

Ano kayang problema niya? May dumi kaya sa mukha ko? Pangit kaya ang suot ko? O baka naman hindi maayos yung buhok ko?

"Ren may problema ba?" di ko na napigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na siya.

"Wala naman naninibago lang ko ako sa ayos mo." mahinahong sabi niya habang nagmamaneho.

"Bakit? Pangit ba?" tanong ko naman.

Bakit siya naninibago? Ano kayang ibig niyang sabihin.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now