CHAPTER 67: Drunk?

553 19 0
                                    

AC's POV

Habang nasa biyahe kami ay nagpapatugtog lang sila ng malakas para mas enjoy daw yung trip namin. Ewan ko ba sa mga to. Gabing gabi eh.

"You wanna eat something?" tanong ni Ren sa akin.

"I'm not really hungry." sagot ko naman.

Lumapit siya sakin at bumulong. "You don't need to be hungry to eat me." sabi niya kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Pervert" inis kong sabi.

"You like it. Just admit it fiancée." sabi naman niya.

"Kausapin mo sarili mo jan. Bahala ka!" sabi ko naman at tumingin sa ibang direksyon.

"Wala na ba kayong ibang gagawin kundi mag away?" tanong ni Blake.

"Tanongin mo yang kaibigan mo. Bahala siya sa buhay niya." sagot ko naman.

"What? I'm just talking to my fiancée." sagot naman niya.

"Fight one more time and pag uuntugin ko kayong dalawa." inis na sabi ni Blake.

"Whatever!" maiksing sagot ko.

Lumipas ang ilang minuto at naramdaman ko ang kamay ni Ren sa bewang ko.

Hindi ko lang siya pinansin at hindi ko rin siya nilingon.

"Hey! Fiancée. I'm sorry!" sabi niya at inilapat ang kanyang ulo sa balikat ko.

Hindi lang ako nagsalita at tinanggal niya ang hood ko at ipintong ulit ang ulo sa balikat ko kaya naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Please fiancée." malambing niyang sabi.

"Ano ba." sabi ko naman.

Hindi siya nagsalita at naramdaman ko nalang ang kanyang labi sa aking leeg.

"Stop. Ok ok. Just stop." sabi at itinulak siya.

"Hey Kate. What is that on your neck?" turo ni Matt sa marka na ibinigay ni Ren.

"Nothing." maiksing sagot ko at tinignan si Ren ng masama. Sino ba kasing may sabi na lagyan niya ako ng love bite bago kami umuwi.

"Ok." sagot naman niya.

Maghahating gabi na ng makarating kami sa resthouse nila Ren kaya nagpasya na kami kung saan matutulog ang bawat isa.

"Ok girls may room doon sa right side it has a California King size bed magtabi tabi nalang kayo don and boys yung dati sa left side na kayo alam niyo naman na siguro kung anong gagawin niyo" sabi ni Ren.

Sasama na sana ako sa girls nang hawakan ni Ren yung braso ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa room namin. Bakit?" tanong ko naman.

"Dito ka." sabi niya at itinuro ang pintuan ng kwarto.

"Anong gagawin ko jan?" tanong ko naman.

"Syempre jan ka matutulog." sagot naman niya.

"Ok." sagot ko at pumasok na sa kwarto. "Oh akala ko ba dito ako matutulog?" tanong ko ng sumunod siya.

"We're sleeping here not just you." sagot naman niya.

"Ano? Jan ka sa sahig matulog." sagot ko naman.

"Come on para namang di tayo magkatabing matulog sa US dati." sabi niya naman.

"Whatever I'll take a shower first." sagot ko nalang at kumuha ng damit sa maleta ko tsaka pumasok sa banyo.

Nang matapos na ako ay nadatnan ko naman si Ren na nakahiga na sa kama.

"Are you gonna sleep now?" tanong ko sa kanya.

"Yeah." maiksing sagot niya habang naka pikit.

Nakaraan pa ang ilang minuto at tuluyan na siyang nakatulog kaya nilagyan ko siya ng kumot at lumabas muna ng kwarto. Hindi ako makatulog siguro jetlag to.

Pumunta muna ako sa may balcony at umupo sa isang ball chair. Nagplay lang ako ng music pero mahina lang. Pinikit ko ang mga mata ko habang nakikinig.

Napamulat ako ng may bumulong sa tenga ko.

"Hey bat hindi ka pa natutulog?" bulong niya.

"Hindi ako makatulog. Ikaw bat gising ka pa?" tanong ko naman.

"Can I sit beside you?" tanong ni Matt. Oo si Matthew Adriane Rivera nga.

Umusog naman ako at tsaka siya umupo sa tabi ko.

"Hindi rin ako makatulog kaya uminom muna ako kanina sa baba." sagot naman niya. Dahil sa lapit niya ay naamoy ko naman ang amoy alak niyang hininga.

"Are you drunk?" tanong ko ulit.

"Not really. Just kinda tipsy. But I'm not drunk." sagot niya. "So anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong niya ulit.

"Nagpapahangin lang. Hindi ako makatulog." sagot ko.

"Si Ethan? Tulog na ba siya?" tanong niya ulit. Bat andaming tanong nito?

"Yeah he is already asleep. Mukhang pagod yata." sagot ko ulit.

"I know it was a hickey from him." sabi niya na agad kong ikinagulat.

"Huh? Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"This!" sabi niya at itinuro ang marka na ibinigay ni Ren bago kami umuwi.

"Ah ano kasi ibi-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"I know. I know don't need to explain that." sabi niya kaya hindi nalang ako nagsalita.

"You know I like you right?" tanong niya.

"Matt alam mo naman na si-"

"Alam ko. Ayoko lang kasi na ikeep lang to sa sarili ko. You know nirerespeto ko si Ethan dahil sa kaibigan ko siya. Ang hirap lang kasi ikaw pa na gusto ko yung magiging girlfriend niya." sabi niya at huminga ng malalim.

"Alam mo Matt mabuti pang matulog ka na. Lasing ka na eh. Halika na sasamahan na kita papunta sa kwarto niyo." sabi ko at tumayo na.

Tumayo naman siya at nagulat ako ng humarap siya sakin at hinawakan ako sa pisngi.

"Kate..." sabi niya tumingin ng diretso sa aking mga mata. At dahan dahan niyang nilapit ang muka niya sa akin.

Naramdaman ko nalang na unti unti kong nalalasahan ang alak sa kanyang mga labi.

"Kate gusto kita. Hindi ko yon itatanggi. Pero pinilit kong kalimutan na gusto kita dahil kay Ethan pero ang hirap lang kasi. Kate sorry." sabi niya at yumakap sa akin.

Nanatili lang akong nakatayo at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung dahil sa paghalik niya sakin o dahil sa taong nakatayo sa likuran niya.

"Christlie Kate Montenegro! Matthew Adriane Rivera!" sabi niya at agad namang tinanggal ni Matt ang pagkakayakap sakin.

"Mali ang iniisip mo." agad kong sabi.

"Sabihin niyo ngayon to sakin." sabi naman niya.

"Wala akong kaylangang ipaliwanag dahil wala naman kaming masamang ginagawa." sagot ni Matt.

"Wala kayong masamang ginagawa? Nagyayakapan kayo dito sa labas? Hating gabi?" tanong niya na mukhang galit. "Sabihin niyo na hanggat malamig pa yung ulo ko. Wag na kayong magsinungaling." sunod niyang sabi.

Nako naman kasi Matt ano ba kasing ginawa mo! Kung sana nagpahatid ka nalang sakin kanina wala sanang nangyaring ganto.

A/N: Sino kaya yung nakita ni Chris na nasa likod ni Matt?

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon