CHAPTER 74: Where Are You?

419 17 1
                                    

Matt's POV

"Wala ba siyang sinabi na pupuntahan?"

Ang daming tanong ang hindi ko masagot na galing sa mga kaibigan ko.

"Wala siyang sinabi. Ang sabi lang niya sa akin ay sabihin ko daw sa DATING BESTFRIEND niya na wag nalang daw siyang paki alaman." sagot ko at tinignan si Ren na naka kanina pa nagtatanong.

"Blake hindi ba natin siya mahahanap?" tanong na naman niya kay Blake.

"Ethan mabuti pa na hayaan na muna natin siya." sagot naman ni Blake.

"Pero pano kung napa-"

"Ethan please lang. Hayaan mo muna siya. Pagkatapos mo siyang hindi pansinin at kausapin ng dalawang araw sa tingin mo kakausapin ka pa niya? Sa tingin mo ba na hindi siya nasaktan sa ginawa mo? Please let her do what she wants. Hindi pwede na sa lahat ng pagkakataon ay gusto mo ang masusunod." hindi ko alam kung makakapagpigil pa ako sa kanya.

"You know nothing." maiksing sagot niya.

"Wala pala akong alam eh bakit hindi mo sabihin? Ano? Bakit hindi mo ipaliwanag kung meron ka ngang rason sa mga ginawa mo." sabi ko at umalis na at nagtungo sa kwarto.

Ngayon niya hahanapin si Kate ng dalawang araw niyang hindi pinansin?

Ren's POV

Wala silang alam sa mga nangyayari.

Hindi ko din naman sila masisisi kung magalit sila sa akin dahil si Blake lang ang tanging nakaka alam.

Flashback

Habang naglalakad ako pabalik sa resthouse may biglang may humila sa akin at ipinalibot ang braso sa aking leeg.

"Ren Ethan Morris. What a pleasant surprise. Nagbalik ka na pala." sabi niya habang sinsakal parin ako.

"Anong kaylangan mo?" tanong ko naman .

"Alam mo ang gusto ko. Wag kang mag maang maangan." sagot niya.

"Hindi niyo siya makukuha." pagmamatigas ko.

"Hindi nga ba? O baka ikaw pa ang gumawa ng paraan para lumayo siya at mas mapapadali siyang kunin."

"Hindi yon mangyayari."

Kahit kaylan hindi nila makukuha ang gusto nila.

"Well tignan natin pagkatapos kong kunin ang kapatid mo. May naka abang na sampong lalaki sa labas ng village ninyo. Ngayon kung susundin mo ang sasabihin ko walang mangyayari sa pamilya mo. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Morris?"

"Wag mong gagalawin ang kapatid ko! Ano bang kaylangan mo sakin?"

Pag may nangyari sa pamilya ko pagkatapos nito makikita niyong Vipers!

"Simple lang naman ang gusto namin. Iwasan mo siya. Wag mo na siyang kausapin pa. At putulin mo na rin ang ugnayan ninyong dalawa. Gagawin mo o mapapahamak yung kapatid mo?" pagbabanta niya sakin.

"Gagawin ko wag ko lang sasaktan yung kapatid ko." tanging nasabi ko nalang.

AC pasensya ka na. Hindi ko gustong gawin to. Bigyan mo ako ng ilang araw para ayusin to.

"Wag ka nang manlaban. Hindi lang ako ang narito. At kapag sinubukan mong baliin ang napag usapan isang tawag ko lang at manganganib ang pamilya mo. Tandaan mo nakikita ko ang bawat galaw ninyo. " sabi niya at sinikmuraan ako.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon