CHAPTER 13: Practice Makes Perfect

1.5K 52 1
                                    

AC's POV

Habang nagkukulitan kami ni Ren sa kusina ay pumasok na si Mama na naka ngiti. Nagtungo siya kung nasaan kami ni Ren.

"Kayong dalawa tama na yan. Ikaw Kate kunin mo yung mga heels na binili ko para sayo kahapon." sabi niya na at tumigil naman kami.

"Bakit ma?" "Bakit po" sabay naming tanong ni Ren. At saka kami nagkatinginan.

"Pupunta dito yung kaibigan ko na pageant instructor." sabi niya "Kaya gawin nyo nalang yung mga sinasabi ko." pagpapatuloy niya at ginawa na namin yung sinabi niya.

Umakyat na ako sa taas ay hinanap ang mga heels na sinasabi niya at tsaka bumaba na. At nung pagbaba ko ay nakita ko naman ang isang babaeng maganda at matangkad.

"Ayan na pala siya eh." sabi ni mama at tumingin naman sakin yung magandang babae.

"Oh she's really beautiful like you." pagpuri naman niya sakin.

"Oh Kate yung contact lens mo? Diba sabi ko ilagay mo?" tanong ni mama.

"Sige ma akyat muna ako ilalagay ko lang po saglit." sabi ko namam at iniwan na ang mga heels sa may hagdan.

Nung bumaba na ako ay pinagsuot ako ni mama ng heels.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Sabi ko na kaseng hindi ko nga alam eh. Mama talaga.

"Kate isuot mo na yang heels." turo niya sa 6 inches na nude color na heels.

"Ma ayoko!" hindi ko pag sang ayin sa sinabi niya.

"Sige na Kate igaguide ka naman namin eh" pagpupumilit ni mama.

Kaya wala na akong nagawa kundi isuot ang heels. Hindi muna ako tumayo dahil natatakot ako na baka matumba ako.

"AC kaya mo ba?" tanong ni Ren na nasa tabi ko ngayon.

"Oo kaya naman."sagot ko naman sa kanya.

"Halika na kumapit ka sakin." pag aalok niya at tumayo tsaka inilahad ang kamay niya para alalayan ako.

Humawak naman ako agad sa kamay niya at parang may kakaiba akong naramdaman habang hawak ko ang kamay niya.

"AC ok ka lang ba?" tanong niya at parang nahimasmasan naman ako sa pag iisip.

"O-Oo ok lang ako salamat." sagot ko naman.

"Sige na AC halika na ipractice mo na yan." sabi niya. Kaya humakbang ako ng isa at yes hindi pa ako natutumba.

Humakbang pa ako ng isang beses at hindi parin kaya pinagpatuloy ko lang pero nakahawak parin si Ren sakin.

Pero nung mas binilisan ko ang lakad ay di sinasadyang natapilok ako at parang nadulas ako at nung babagsak na ako ay nasalo ako ni Ren at nahawakan niya ang bewang ko kaya hindi ako natumba.

Napatitig nalang ako sa kanya habang hawak hawak niya ako. Tinitigan ko ang muka niya. Yung makapal niyang kilay, bilog na mga mata na kulay brown, yung mga pilik mata niya na mahahaba, yung ilong niya matangos, yung bibig niya na kaakit akit.

Kate tumigil ka nga. Parang may naramdaman akong kakaiba sa tyan ko.

Ano ba Kate tumigil ka nga bestfriend mo siya. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano.

"AC ok ka lang?" tanong niya at nahimasmasan naman ako.

"Ahh oo thank you." sabi ko at tumayo na ng maayos.

"Ok now Kate get off your heels ang get some books." sabi nung magandang babae. Kaya sinunod ko naman at kumuha ng mga libro. Nung naka kuha na ako ay agad akong bumalik na may dalang libro.

"Now put 1 book on your head and walk without dropping the book back ang fort." utos niya kaya nilagay ko nalang ang libro sa ulo ko at lumakad ng diretso ng hindi nalalag lag yung libro sa ulo ko.

Bawat pagbalik ko kung nasaan siya ay dinadagdagan niya ng libro at kahit isa ay wala pa akong nailalag lag.

Nang matapos na ko ay sumunod naman si Ren. Ganon din ang ginawa niya kagaya ng ginawa ko na naglagay ng libro sa ulo at naglakad.

Habang naglalakad siya at tinitignan ko naman siya ay hindi pala tinitignan tinititigan ko pala siya.

Eh sino ba kasi ang hindi mapapatitig sa kanya eh ang pogi niya at ang lakad? Parang pang model lang naman na akala mo sanay sa mga ganito. Eh first time nga naming sumali sa pageant eh.

Kumbaga mga first timer palang kami at pinapangako ko na hinding hindi na ito mauulit kahit kelan kahit itaga niyo pa sa buwan.

"Oh tapos na pala kayo jan." sabi ni mama na nagpreprepare ng meryenda.

"Almost ma 2 rounds nalang si Ren and we can already rest." sagot ko naman.

"Sige tanggalin ko lang sa oven yung brownies para mahanda na." sabi niya habang papunta ng kusina.

Pinag patuloy naman ni ren ang ginagawa niya at nung matapos na ay nagpahinga muna kami saglit sa sofa bago pumunta sa kusina.

Pumunta na kami ni Ren sa kusina kasama yung instructor namin at umupo na.

Umupo ako at tumabi naman sakin si Ren at yung magandang babae naman ay sa harap namin. Habang kumakain kami ay nagsalita naman ang magandang babae.

"What are you two?" tanong niya samin at nagkatinginan kami ni Ren.

"Ahm I mean what is your connection with each other like boyfriend girlfriend thingy?" curious na tanong niya

"We're bestfriends po." agad kong sagot.

"You two have something." sabi niya habang kumakain.

"What do you mean po?" tanong naman ni Ren.

"You have some sparks. Sa mga titigan niyo kanina sa paghawak niyo ng kamay? I know may something talaga sa inyong dalawa." mahabang sabi niya at bumalik na sa pagkain.

Tumingin ako kay Ren na nakatingin din pala sakin kaya agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at ganon din ang ginawa niya.

Nang matapos na kaming mag meryenda ay nagpractice na ulit kami pero ngayon ay dalawa na kaming lumalakad at sa huli ay nagpopose kaming dalawa. Iba't ibang pose ang ginawa namin meron yung naka kapit ako sa balikat niya at tsaka nagpose meron din yung nasa harap niya ko at hinawakan at hinawakan ang magkabila niyang balikat at hinarap ang ulo ko sa magandang babae.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon