CHAPTER 49: Where is She?

1K 34 6
                                    

AC's POV

Kitang kita ko na hinahalikan ni Angel si Ren habang naka higa. Pabagsak kong sinara ang pinto at mabilis na bumaba ng hagdan.

Pagkababa ko ng hagdan ay narinig ko si Ren na tinatawag ako.

"AC!" sigaw niya.

Lumapit ako kay Kurt at hiningi ang susi ng sasakyan.

"Kurt give me the key's now!" galit kong sambit.

"Kurt!" pagbabanta ni Matt.

"Kurt I said give me the keys!" halos hindi na maipinta ang mukha ko sa galit.

"AC wait I will explain!" sabi ni Ren. Nang makababa na siya ay nakita ko naman ni Angel na naka sunod sa kanya.

"Kurt I swear to god if you don't give the keys. Give me the keys!" sigaw ko at agad naman niya itong inabot sa akin. Mabilis akong pumunta sa kotse na sinakyan namin kanina at mabilis itong pinaandar.

Alam kong hindi ko pa kaya. Pero this is the only way to escape from this shit.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko ito pinansin at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Saka ko lang binagalan ang takbo ng makarating na ako sa highway.

Hindi ko alam kung saan ako papunta. Ang alam ko lang ay gusto kong tumakas sa lahat ng mga nangyayari. And that time I found myself on a big tree.

Dito ako dinala ng sasakyan. Tahimik. Walang katao tao. Walang magulo. Lumabas ako ng sasakyan at umupo sa baba ng puno.

As I was sitting, I found myself shedding tears. Why do I feel this way towards him? Why am I acting like we're together but the fact is we're not. I thought it was just a crush. Mahal ko na nga ba siya?

Habang naka upo ako at nag iisip ay biglang umulan. Wala akong balak na sumilong. Nanghihina pa ako, wala akong lakas para tumayo.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa at nang tignan ko ay maraming missed calls. Hindi ko lang ito pinansin at binulsa na ulit.

Nanatili muna ako doon hanggang sa tumila na ang ulan.

Ren's POV

"Bro sana naman naisip mo yung mga ginawa mo!" pangangaral sakin ni Blake.

"Wala akong ginagawa!" sagot ko naman.

"Wala? Oo nga wala. Wala ka nga palang ginawa dahil nandito si Angel, magkatabi kayong natulog, at higit sa lahat wala ka talagang ginawa dahil hinayaan mo siyang halikan ka!" sabi naman niya.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?" inis kong tanong.

"Kaibigan mo nga kami. Kaya ka nga namin pinagtakpan kanina. We tried our best para hindi muna pumasok si Kate sa kwarto mo. Pero hindi eh nagpumilit siya." sagot niya ulit.

"Bakit hindi mo ako agad ginising?" inis kong tanong.

"Paano ka namin gigisingin kung nakapatong sayo si Angel?" sarcastic na sagot ni Mike.

"Ethan. Mag ingat ka kasi sa mga ginagawa mo. Dahil sa mga ginagawa mo hindi mo alam na may nasasaktan ka na. Oo alam namin na kayo ni Angel pero ang iuwi siya dito, below the belt na yon." mahinahong sambit ni Matt.

"Aalis ako!" sabi ko at ng akmang aakyat na ako para magbihis ay pinigilan nila ako.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Blake.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon