CHAPTER 31: Stole

1.1K 36 0
                                    

AC's POV

Nasa daan lang kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Ano ba kasing kailangan mo sakin? " tanong ko ulit.

"Shut up and don't talk!" sabi niya na nagdadrive.

"What if ayaw kong tumahimik?" pang aasar ko sa kanya.

"Just try to and see the consequence of your actions!" sabi niya na naka smirk. Mejo nakakakaba yun ah.

"Whatever!" sabi ko nalang at tumingin sa bintana.

"San mo ba ko dadalhin?" tanong ko ulit.

"Isa pa!" sabi niya na naka smirk parin. Ano naman ngayon kung isa pa.

"Ano ba kasing kailangan mo sakin?" tanong ko ulit.

"Subukan mo pang magtanong at hahalikan na kita." para namang kaya mo.

"As if naman na kaya mo!" pang aasar ko sa kanya. Alam ko naman na di niya kaya eh.

"Try me! I can do it without any hesitation Ms. Montenegro!" sabi niya na naka taas ang isang gilid ng labi niya. Those lips. Yuck Kate ang manyak mo na naman.

"And I believe that you can't do it Mr. Morris!" oo siya nga. Siya yung humila sakin dun sa mga nagkukumpulang mga tao. Kaya pala pamilyar sakin kanina kasi siya pala talaga yun.

"If I kiss you, I'm your first kiss right?" nang aasar niyang tanong.

"As if naman na kaya mong gawin. Excuse me hindi ako nagpapahalik sa may girlfriend!" asar kong sagot.

"I don't have a girlfriend, unless you want to be." nang aasar talaga to no? Sarap dukutin yung lungs niya gamit yung fishing rod.

"Nope. I don't want to be with a playboy slash gangster slash a boy named Ren Ethan Morris!" asar na asar na ko dito eh. Kanina pa to.

"Watch your words AC!" sabi niya ulit. Ano bang meron sa tanong to?

"San mo ba talaga ako dadal-" and that moment when I feel his soft lips on mine. Para akong nakukurente at parang ang bagal ng oras.

"I said it a while ago. Don't say I didn't warn you!" sabi niya at bumalik ang tingin sa daan.

I can't believe it. That my first kiss was stolen by Mr. Ren Ethan Morris. Stolen by my bestfriend with a girlfriend.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa nangyari at feeling ko ang awkward ng situation namin. Natulog nalang ako habang kami ay nasa byahe na hindi ko alam kung saan ang punta namin.

Nagising ako na naka higa sa kama at may kumot. Teka nasa sasakyan lang ako kanina ah. Tsaka bakit iba na yung suot ko? Naka uniform lang din ako kanina ah.

Teka di kay-

"Ren!!!!!!" pasigaw kong pagtawag sa kanya.

"Anong sinisigaw mo jan?" tanong naman niya sakin pagkapasok niya sa kwarto.

"Nasan ako? Tsaka bakit iba na yung damit ko? Don't tell me na-" naputol yung sasabihin ko nang magsalita siya.

"May maid dito siya yung nagpalit ng damit mo. At ito pa yan yung mga isusuot mo habang nandito tayo." sabi niya at sabay hagis ng mga paper bag na may lamang mga damit.

"No I will not stay here with you. Uuwi na ko samin!" sabi ko at tumayo na sa kama. Hinayaan niya lang ako hanggang maka baba na ako ng hagdan. Nung nasa baba na ako saka lang siya nagsalita.

"Go home if you want and if you know the way to go home and as if may sasakyan ka?" sabi niya at pumasok na sa isang kwarto.

Ano ba tong mga nangyayari? Bakit niya ako ginaganito? Like what the hell? Wala manlang akong magawa? Kung uuwi man ako wala rin akong sasakyan at kung may sasakyan man ako hindi ko din alam kung saan pauwi! Nako naman talaga... Para lang akong isang bag ng pera na ninakaw sa bangko!

Umakyat nalang ulit ako sa kwarto at humiga. Nagisip ako ng paraan kung paano ako makak uwi.

"Tama!" oo tama nga yun nga yung cellphone ko tatawagan ko si Mama.

Nung kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bag ko ay hindi ko mahanap yung bag ko. Nasan na ba yun?

Naglakad ako papunta sa kwarto kung saan pumasok si Ren at walang pag aalinlangan kong binuksan ang pinto.

"Ren nasan yung bag ko?" sabi ko habang naka pamewang. Nadatnan ko naman siyang naka higa.

"Can you just knock? Hindi mo ba alam yung salitang privacy?" sabi niya habang naka tingin sakin.

"Nasan yung bag ko?!" tanong ko ulit.

"Chill. Nasakin. Ano bang kailangan mo sa bag mo? " tanong naman niya.

"Bag ko kasi yon kaya kukunin ko na!" sabi ko naman.

"Ito na nga! " sabi niya sabay abot sakin ng bag ko.

Hinanap ko naman agad yung cellphone ko at ng makita ko ay tatawagan ko na sana ni mama pero nagsalita ang asungot.

"If you're gonna call Tita I already told her about this. Sinabi ko na. Sinabi ko na kasama kita at mag iistay tayo dito for a week... Kung nag aalala ka sa school I already fix it. Nothing to worry all you have to do is to be with me just for a week pagkatapos non pwede mo nang gawin kung anong gusto mo. Deal?" mejo napaisip ako sa sinabi niya ah. If I will stay here just for a week pagkatapos neto magagawa ko na yung gusto ko and sure naman ako na walang mangyayaring masama dito diba?

"Deal!" sabay abot ko sa kamay niya.

Let the game begins! Tignan natin kung totoo tong mga sinasabi mo Mr. Ren Ethan Morris.

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta na sa kwarto ko. Humiga lang ako at hinayaan na makatulog kahit di pa ako kumakain. Habang naka pikit ako napapa isip nalang ako sa mga bagay na nangyayari.

Ano kayang mangyayari sa mga susunod na araw na pamamalagi namin dito? Ano kayang kahahantungan ng plano niya? Ang totoong tanong bakit niya to ginagawa? Bakit kailangan niyang gawin to sakin? Pwede naman niya akong kausapin, pero ayaw ko din kasi siyang kausapin eh. Kaya siguro naisip niya to dahil sa pag iwas ko sa kanya sa mga nakaraang araw.

Siguro naman pagkatapos neto magiging maayos na ang lahat. At magiging kampante na ako na ganito nalang.

Pano na pala si Angel? Alam niya ba to? Sila ba talaga? Hays tama na nga to maka tulog na nga.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon