CHAPTER 97: Whatever It Takes

263 15 0
                                    

AC's POV

"Bakit?"

"He told me to."

"I told you not to get around him or go near him. Why didn't you do that?"

Nanatili akong tahimik sa huli niyang tanong. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko.

But wait. Paano niya nalaman na nagkita kami?

"How did you know?" wala sa sariling tanong ko.

"I have my own ways of tracking you." sagot niya kaya agad ko naman siyang tinignan.

"So you're saying that you're invading my privacy?" maiinis na ba ako?

"Kinda." maikling sagot niya.

"Seriously? Kailan pa?" naiinis na ako! How can he do this to me?

"Since we got back here. Na sana hindi nalang natin ginawa." sagot niya at tinignan ako.

What the heck?

"You're unbelievable! Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya.

"Mas mabuti ng mainis ka sakin kesa mapahamak ka." ok I'll shut my mouth.

Pero naiinis parin ako!

"Bakit ka bumili ng condominium?" tanong ko sa kanya.

"Wag mong ibahin ang usapan." sagot naman niya.

"Ano pa ba ang gusto mong malaman?" tanong ko naman.

"Everything!" sigaw niya.

"Ok! He just told me a story. That's it. It's nothing!" sagot ko.

Ano pa ba ang gusto niyang malaman? Alangan naman na sabihin ko sa kanya yung kwento ni Nathaniel? Anong sasabihin ko? Na nagkaroon si Nathaniel ng puppy love? That would be so dumb.

"And? Bakit kaylangan doon kayo sa bar magkita? Don't you know na maraming manyakis doon? At hindi mo din ba alam na maraming nagpapalitan ng drugs at pera doon? Pwede kang makulong pag nagraid sila don." pagpapaliwanag niya.

Ok. May point naman siya.

"No."

"Hindi mo naman pala alam. Siguraduhin mo muna na ligtas ang pupuntahan mo bago ka makipagkita sa kung sino lang." sabi naman niya.

"Ok ok. I'm sorry." pag hingi ko ng tawad.

"Wag kang magsorry sakin. Dahil kapag napahamak ka ako na naman ang sisisihin ng kapatid mo." sabi niya at nagtungo sa kwarto.

Hindi ko naman kasi alam na ganon ang mga nangyayari doon eh. It's only my second time being there. Paano ko malalaman?

"Pwede ka ng umuwi." sabi niya paglabas ng kwarto.

"Ikaw? Saan ka pupunta?" tanong ko naman.

"Wala. I'll stay here." sagot niya.

"May inuuwi ka bang babae dito?" wala sa sarili kong tanong.

"Paano ako mag uuwi ng babae dito? Kabibili ko lang nito last week. Pang ilang araw ko palang dito nagistay." sagot niya at naupo sa couch.

"So may balak ka nga?" may balak ba siyang mag uwi dito ng babae?

Pag meron sisiguraduhin ko na masisira ang building na to kasama silang dalawa.

"Ikaw kung balak mong magpauwi sakin why not." sagot naman niya habang naka upo parin sa couch.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon