CHAPTER 76: Nathaniel Legazpi

418 14 1
                                    

Matt's POV

"Nathan. Isn't it familiar to you?" tanong ko.

"No."

"Naalala niyo ba yung dating leader ng Vipers?" tanong ko ulit.

"Yes. He's in jail." sagot ni Blake.

"Well kung naaalala niyo nga siya bakit wala kayong naiintindihan?"

Ewan ko sa mga to. Ulyanin na ba sila?

"Ano bang sinasabi mo?" tanong naman ni Kurt.

"Ok. Nathan. Pangalan ng isang tao na ginagamit kapag hindi sa Gang World. Let's get back to Nathaniel Legazpi, who was known to be the leader of Vipers and also the founder. Nathaniel uses different names, Nathaniel for Gang World and Nathan outside Gang World." pagpapaliwanag ko.

Naka tulala lang sila at hindi nag abalang mag salita. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Nabasag ang katahimikan ng may tumunog.

"Hello tita?" niloud speaker ni Ren ang kanyang phone kung saan tumatawag ang mama ni Kate.

[Hijo nagkita na ba kayo ni Kate?]

"Hindi pa po tita bakit po?"

[I can't contact her. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.]

Nagkatinginan naman kaming lahat. Paanong hindi niya sasagutin eh tawag yon ng mama niya?

"Ah ganon po ba? Sige I'll try to call her po. I'll call you back kung natawagan ko siya o hindi."

[Thank you hijo.] sabi niya at pinatay na yung tawag.

"Anong balak mo ngayon?" tanong ni Blake.

"Baka nagkakamali tayo. Baka hindi si Nathaniel yung kasama niya. Kaylangan muna nating maka siguro na siya nga yon." sagot naman ni Ethan.

"Tawagan mo na muna kaya si Kate." sagot ko naman.

Ilang minuto na rin naming paulit ulit na tinatawagan si Kate pero hindi niya sinasagot.

"Matt itry mo kayang tawagan siya. Baka galit siya kay Ethan kaya hindi niya sinasagot." suggestion ni Mike.

Tinawagan ko siya at wala talaga. Hindi talaga niya sinasagot lahat ng tawag namin sa kanya.

"Tatawagan ko muna si Tita." sabi niya at tinawagan na niya ulit ang mama ni Kate.

"Hello tita? Hindi din po namin siya macontact."

[Can you look for her hijo? Nag aalala na kasi ako sa kanya.]

"Yes Tita right away po."

[Salamat hijo.]

"Anytime po Tita."

Pagkatapos non ay nag meeting na kaming lahat kasama ang iba pang Clashers.

"Kapag nakita niyo siya tawagan niyo kaagad ako. Wag niyo siyang sasaktan.  Ngayon kung meron mang mangangahas na hindi tumulong sa paghahanap tumayo na ngayon." sabi niya at tahimik lang silang lahat. Walang nag abalang tumayo ni isa sa kanila.

"Now look for Chrislie Kate Montenegro and Nathaniel Legazpi. This is a command from the Clashers Highest Position Holder. All must obey what I say. Dismiss!" sabi niya at naglabasan na silang lahat.

Wag naman ngayon Ethan.

Nakakatakot talaga to kapag galit. Ni wala manlang nag abang sumalungat sa mga sinasabi niya kahit na si Blake na minsan ay nagpapatahimik sa kanya.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon