CHAPTER 75: Demon Inside

448 15 0
                                    

Ren's POV

Nagpaiwan muna ako dito sa resthouse at silang lahat ay umuwi na. Bukas nalang ako uuwi. Siguradong hahanapin nila tita si AC sakin.

Nasan ka na ba kasi! Mababaliw na ko kakaisip kung nasaan ka.

Minabuti ko ang matulog nalang at iwan muna saglit ang mga problema.

Tanghali na ng magising ako. Naligo lang ako at nag ayos na ng sarili.

Anong sasabihin ko kay Tita? O baka naman umuwi na siya sa kanila.

Baka nga. Sana talaga naka uwi ka na sa inyo.

Imbes na umuwi ako sa bahay ay nagpunta muna ako sa bahay nila AC para kunin yung luggage ko.

"Oh Ethan nandito ka na pala." bungad sakin ni Tita Cristina.

"Ah opo kukinin ko lang po yung luggage ko." sagot ko naman.

"Kumain ka na ba? May pagkain pa dito baka gusto mong kumain." alok niya.

"Hindi po. Busog pa po ako. Ah tita si AC po?" wala sa sarili lng tanong ko.

"Ah may pinuntahan siya kasama niya yung kaibigan niya." sinong kaibigan ang sinasabi niya?

"Si Matt po ba yung kasama niya?" kaibigan niya naman si Matt baka magkasama sila.

"Hindi siya. Si Nathan pinakilala niya sa amin kaninang sinundo siya dito." sagot naman niya.

Nathan? Sinong Nathan? At saan sila nagpunta?

"Ah sige po kukunin ko na po yung luggage ko. Paki sabi nalang po kay AC na dumaan po ako dito." sabi ko at umakyat na sa taas.

Napa upo ako sa kama niya habang iniisip kung sino yung Nathan na yon.

Bakit parang wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa taong yon.

Nag iwan nalang ako ng sulat sa side table niya para alam niya na dumaan ako dito.

Pagkatapos non ay umuwi na ako para magpahinga. 

Naka higa ako ngayon dito sa kwarto ko. Habang nakikinig ng music. Nang may narinig akong kumatok ay pinatay ko agad yung music.

"Come in." sabi ko naman at nakita ko si Euniece na tumakbo papunta sakin.

"Kuya!" sigaw niya at dinaganan ako.

"What is it baby?" tanong ko sa kanya.

"I miss you." sabi niya at niyakap ako.

"I miss you too. Si Mommy?" tanong ko.

"She's busy may ginagawa siya sa kusina." sagot niya.

"Ok." sabi ko at pumikit.

"Kuya are you and ate AC are married?" tanong niya na ikinagulat ko.

"No baby why? We're still to young for that." sagot ko naman.

"Well she came here kanina and she is with a guy." sabi niya na mas lalong ikinagulat ko.

"What did she do here? At sino yung kasama niya?" sunod sunod kong tanong.

"She said hi to me and mommy tapos nagplay kami saglit tapos umalis na sila nung guy." sagot niya.

"Who's the guy? Do you know him? Did your ate AC introduced him to you?"

"He introduced himself I even play with him."

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon