CHAPTER 20: Preparation (Part 2)

1.2K 40 0
                                    

JD's POV

Nasa daan ako ngayon papunta sa bahay nila Jasmine sabi kasi ni Mama sunduin ko daw para may kasama kami. Ang layo layo pa naman. Nagdrive nalang ako papunta sa kanila.

Nung makarating na ako dun ay bumaba ako agad at tinignan kung ready na ba siya o hindi.

"Hi Tita nasaan po si Jas." tanong ko sa Mom niya.

"Nasa kwarto niya puntahan mo nalang dun anak." turo ng Mom niya sa taas.

"Sige po thank you Tita" sabi ko at pumunta na sa taas.

Ng makarating na ko sa taas ay nadatnan kong nakabukas ang pinto kaya pumasok na ko at nakita ko naman ang isang napakagandang nilalang na nag aayos ng gamit.

"Hey babe." sabi ko nanikinalingon niya.

"Hey." sagot naman niya. Lumapit na ako sa kanya na nag aayos ng kanyang gamit na dadalhin.

"Are you ready?" tanong ko sa kanya tsaka yumakap sa likod niya.

"Yeah! So lets go?" tanong niya at humarap.  Nakahawak na ako ngayon sa bewang niya. Nakatitig lang ako sa kanya the whole time. Ang ganda niya talaga. At ang labi niya nakakatakam.

"Hey are you ok babe?" tanong niya kaya nahimasmasan na ako. Fuck what am I thinking.

"Yeah so let's go?" tanong ko. Fuck baka di ako makapag pigil makanakaw ako ng kiss ng di oras.

"Let's go." sabi niya at nag tungo na sa may pinto.

Kinuha ko na ang bag niya at sinundan siya palabas ng pinto. Nung makababa na kami sa hagdan ay nakita namin si Tita na nagluluto.

"Mom mauna na kami" sabi niya kay Tita.

"Sige ingat kayo. Oh JD ingatan mo yang prinsesa namin ah?" sabi niya naman sakin. Of course naman tita ako pa.

"Cge po. Salamat po pala sa pagpayag na sumama siya ngayon." sabi ko naman.

"Ok lang yun anak sige na baka mahuli na kayo." sagot niya naman at nagpatuloy na sa pagluluto.

"Bye mom i love you." sigaw ni Jas nung palabas na kami. Narinig ko naman ang sagot ni tita

"Sige ingat!" sigaw niya.

Pumasok na kami sa kotse. Syempre pinagbuksan ko siya ng pinto gentleman ako eh. At pumasok na rin ako at naupo sa drivers seat.

"So let's go?" tanong ko sa kanya.

"Let's go I'm so excited to see Kate on the stage." excited niyang sagot. Mukang mas excited pa siya kesa kay Kate eh.

"Where my kiss?" pang aasar ko sa kanya.

"What kiss? " takang tanong niya.

"This kiss!" sagot ko at tsaka ko siya hinalikan sa labi. Mejo matagal din yun mga 3 seconds. Sabi ko na eh hindi ko talaga matitiis to. Nakanakaw na naman ako ng halik ng wala sa oras.

"Hey!" nakapout niyang sabi na mukang naaasar.

"Babe don't do that I might kiss you again" tinignan ko siya ng nakakalokobg ngiti.

"JD stop it. Magdrive ka na nga." pagmamaktol niya naaasar na talga to. Hahaha sorry naman babe.

Nagdrive na ako at nagtungo sa airport susunduin ko pa kasi si Daddy eh. Yup sila yung mga susunduin ko and it's a surprise for Kate.

"Dad!" sigaw ko ng makita ko siya sa arriving area na papalapit samin.

"Dave." sabi niya and tinignan ang babaeng katabi ko ngayon "Oh hi Jasmine nice to see you again." ngiting sabi niya at niyakap si Jas.

"Hi Tito nice to see you again." nakangiting bati naman ni Jasmine.

"So let's go? Baka magtampo si Kate pag di tayo umabot dun sa school nila." pag aanyaya ko sa kanila. Baka di kami maka abot dun hindi ko pa makita ang prinsesa namin na maglakad sa stage.

Pumasok na kami sa kotse at nagdrive na papunta sa school nila Kate. 20 minutes pa bago ka makarating sa school nila ang 30 minutes nalang magsisimula na. Hope we'll make it. Dahil kung hindi, hindi ko makikita ang kapatid ko.

AC's POV

Nako naman 30 minutes nalang magsisimula na ang pageant at wala parin si kuya. Nako talaga pag hindi siya pumunta malilintikan talga sakin yun.

"Hey!" sino ba to bakit nang gugulat dinadagdagan ang kaba ko eh.

"Oh?" sagot ko at nilingon kung sino siya. Ay si Pikachu pala ay este si Ren pala.

"You ok?" tanong niya.

"Just a little bit nervous. How 'bout you?" tanong ko sa kanya pero mukang alam ko na ang sagot sa tanong ko. Muka palang alam mo ng hindi kinakabahan. Eh bakit nga naman kasi kakabahan ang isang Gangster Leader diba? San hindi ko nalang tinanong.

"I'm ok." bored niyang sagot. Pero infairness ang pogi niya sa suot niyang school uniform ngayon. Huh? Pogi? Sinabi ko nga ba yun? Uhhg scratch that part.

"Sabi ko nga." sabi ko na eh sana hindi nalang ako nag tanong.

"Just relax don't be nervous." pagpapagaan niya sa loob ko. Bakit kung makapag salita tong taong to parang ang dali lang ng lahat para sa kanya.

"Thanks." sagot ko naman. Oo inaamin ko na gumaan nga ng konti anh loob ko.

"Candidates the show will start in 5 minutes be ready." sabi nung coordinator sa amin.

"Oh bumalik ka na dun sa kabila baka mapagalitan ka pa" sabi ko kay Ren eh pano kasi sa kabilang backstage silang mga lalaki.

"No I can stay here if you want." sabi niya.  Nako ang tigas ng ulo ah.

"No thank you I can manage myself." naka ngiting sabi ko.

"I'll stay here." sabi niya. Nako ang tigas ng bungo nito ah basagin ko kaya bungo niya.

"Ren" sabi ko at pinukulan siya ng masamang tingin. Makuha ka sa tingin please.

"Ok I'll go." sabi niya ay umalis na. Mabuti naman nakukuha ka pa sa tingin.

Malapit ng magsimula. Meron na kaya si kuya? Sana naman meron na siya.

Kaya ko to Kate kaya mo yan. Lalakad ka lang doon, pose at ngiti yun lang ang gagawin mo. Kaya Kate wag kang kabahan. Ok lang yan isipin mo nalang na walang nanonood sayo. Isipin mo na nasa harap ka lang ng salamin. Ok lang yan Kate. Relax!!! Inhale, exhale, inhale, exhale. Sige Kate pag patuloy mo lang yan ok lang yan.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon