CHAPTER 77: Not Again

426 18 12
                                    

AC's POV

Anong nangyayari sayo?

Tanong na gustong gusto ko nang tanongin sa kanya pero natatakot ako kung ano man ang dahilan niya.

"Aalis muna kami." sabi ni Blake.

"Mamaya na kaya dito muna tayo." sagot naman ni Kurt.

Tinignan ko si Blake na masamang naka tingin sa kanya.

"Sabi ko nga eto kasing si Mike kung ano anong binubulong sakin. Tara na nga." sabi niya at mabilis na lumabas. Sumunod naman sila at kami nalang ni Ren ang nandito.

Tahimik lang ako habang naka yuko.

"Kilala mo ba siya?" tanong niya dahilan para muling tumayo ang balahibo ko sa katawan.

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Yes I'm quite comfortable with Nathaniel pero hindi pa kami ganon ka close para malaman ko lahat ang tungkol sa kanya.

"Silence means yes. So ano mo siya?" tanong niya ulit. Hindi ulit ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik.

"Gusto mo na ba talagang umuwi? Ipapahatid nalang kita." bigla akong napalunok sa sinabi niya. Oo gusto kong umuwi.. Pero kanina yon. Pero ngayon parang mas gusto kong makasama nalang siya.

Gusto kong sabihin na hindi pero tila hindi ako makapagsalita. What's happening to me?

"Sige na. Sasabihan ko na sila na ihatid ka. O mas gusto mong si Matt nalang? Siya nalang. I'll talk to him." sabi niya at tumayo.

Ramdam ko ang lamig sa boses niya at nasasaktan ako dahil don

"No." maiksing sagot ko.

"No? Bakit? Si Blake nalang ang maghahatid sayo." sabi niya at naglakad patungo sa pinto.

"Hindi. Wala. Dito lang ako." sagot ko at naramdaman ko naman na nakatingin siya sakin.

"Akala ko ba gusto kong umuwi?" malamig niyang tanong.

Agad naman akong tumayo at niyakap siya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Please. Don't ever go out with someone else again." Bulong niya sa tenga ko na mas lalong ikinaiyak ko.

"Ikaw kasi eh. Hindi mo ko pinapansin." sabi ko habang naka yakap sa kanya.

"I'm sorry. It's just that I don't want something to happen to anyone. Natatakot lang ako." sagot niya naman

Ilang minuto rin akong nakayakap sa kanya kaya humiwalay na ako. Pinunasan naman niya ang luha ko using his thumb finger.

Hindi ko alam pero parang nawala lahat ng inis at galit ko sa kanya. I feel secure in his arms.

"Do you want something?" tanong niya habang nakahawak sa muka ko.

"Wala." sagot ko at naupo sa sofa.

"Are you sure?" tanong niya ulit.

"Wala nga." sagot ko naman.

Nanatili lang akong naka upo at tumabi naman siya sa akin at inakbayan ako.

Did I just calm the demon trying to come out? Cause if yes I'll be so happy.

"Inaantok ka ba?" tanong ko sa kanya dahil naka pikit siya at nakasandal.

"Not really." sabi niya at inayos ang sarili at nahiga sa lap ko.

Hindi daw inaantok!

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon