CHAPTER 65: Back Off

788 22 4
                                    

AC's POV

Naglalakad parin kami hanggang sa may nakasalubong kaming nga lalaki na naka itim. Napakapit naman ako agad kay Ren.

"Jan ka lang sa gitna namin." sabi niya at pinalibutan nila akong lahat.

Habang nakatingin si Ren sa ibang direksyon ay biglang may sumugod sa kanya.

"Ren nanjan na!" sigaw ko kaya agad siyang lumingon. At nang papaluin na siya ay agad naman siyang naka iwas.

Ilang saglit lang ay nakabulagta na yung mga sumusugod na lalaki sa amin kanina.

"Kaylangan na nating tapusin to! Habang madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw." sabi ni Ren at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Bakit hindi nalang kayo magsumbong sa pulis?" tanong ko habang naglalakad kami.

Agad silang napatigil at tumingin sa akin.

"Really? Tinatanong mo yan?" sarcastic na sabi ni Kurt.

"Bakit? Kesa mapahamak pa kayo mas mabuti na sabihin niyo na sa mga pulis. Wala pa kayong gagawin. Easy as that!" sagot ko naman.

"We can't. It's against the rules. And who would believe us? Gangsters? Iisipin nila na laro lang lahat to. Iisipin nila na walang masamang mangyayari kasi nga we're teenagers." pagpapaliwanag ni Blake.

"Mabuti pa ipapahatid ka na namin sa SH." sabi ni Ren.

"Why? Sasama ako sa inyo! Hindi ako pwedeng umalis." pagdadabog ko.

"No! Kahit ako na ang maghatid sayo! Di ka pwedeng sumama!" matigas na sabi ni Ren.

"Yan ka na naman eh! Yung gusto mo nalang lagi yung nasusunod! Can I decide for myself atleast for once!" sabi ko naman.

"Ok. Look. I can't loose you again. I will do anything to keep you safe. Kahit ako nalang ang mapahamak. Wag lang ikaw." sabi niya naman at niyakap ako.

"Ren please. Kahit ngayon lang hayaan mo ko. Kaya ko naman eh. Magtiwala ka naman sakin please." bulong ko sa kanya habang naka yakap.

"Ethan. May tiwala naman ako sa grupo natin na kaya natin siyang protektahan. Hindi ka naman mag isa, kasama mo naman kaming lalaban. Hindi naman naming hahayaan na may mawala dito satin ngayon eh." sabi ni Matt.

"Pero pano kung ma-" naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Blake.

"Just let her. We can do this. We'll protect her, you can blame me if something will happen to her." sabi ni Blake.

"Fine!" matigas niyang sabi.

"Tara na. May papabagsakin pa tayo." sabi naman ni Mike.

Nang paakyat na kami papunta sa taas ay biglang nagsalita si Blake.

"We need to leave. Now!" sabi niya.

"Bakit?" tanong naman ni Ren.

"Mautak sila! May bomba dito! Kung di tayo aalis ay matutusta tayong lahat dito!" sabi niya kaya agad naman kaming naghanap nang madaling labasan.

"We have no choice kaylangan nating tumalon dito. Wala na tayong oras. In 15 seconds kaylangan na nating makalabas." sabi niya at itinuro ang malaking bintana.

"Nababaliw ka na ba Blake Andrew Mendoza? Nasa 3rd floor tayo!" sigaw ko naman.

"We don't have any choice. Kung maghahagdan tayo sasabog na yung bomba." sagot naman niya.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon