CHAPTER 70: TMI

493 19 1
                                    

AC's POV

Gabi na at naka upo kaming lahat dito sa tabing dagat. Habang nagbobonfire. Ang saya nang ganito walang may hawak ng cellphone kahit ni isa sa amin.

"Alam niyo maglaro tayo." suggestion ni Mike.

"Anong game?" tanong ni Alexa.

"Never Have I Ever. Simple lang pag nagawa mo na uminom ka. Walang dayaan ah." sabi niya at sumang ayon naman ang sila.

"Pupunta na ako doon para magpahinga." sabi at agad naman silang tumutol.

"Ang KJ mo mamaya na kaya. Ang aga pa oh." sabi ni Trixie. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo at makijoin sa laro.

"Ok mag start na tayo. Ako muna magtatanong." sabi ni Mike at nagtanong na. "Never have i ever, umuwi sa bahay nang lasing." sabi niya at uminom naman si Ren, Matt, Blake, Kurt, and Mike. Inshort Clashers.

"Never have I ever, give a hickey or got a hickey." isang tanong ni Kurt na napalunok ako. Agad kong tinignan si Ren at uminom nga siya lintik na to. Kaya uminom na din ako at napatingin naman sila sakin. Sunod ding uminom si Mike and Kurt.

"Hoy sinong binigyan mo ng hickey? O ikaw ang binigyan?" tanong sakin ni Trixie. Tiniganan ko naman si Ren at nanlaki ang mga mata nila.

"Do you still have it?" tanong naman ni Lexie. At tinignan ang magkabilang leeg ko at sumigaw siya.

"Ahhhhhhhhh girl oh my god!" sigaw niya at agad naman nila akong tinignan.

"Ano ba tumigil na nga kayo." sabi ko naman. "Hoy kayong dalawa sino ang binigyan niyo ng hickey?" tanong ko kay Mike and Kurt.

"Sino pa nga ba edi yung mga chiks namin." sagot naman ni Mike. Aba ang yayabang ah.

"Ok ako naman" sabi ni Blake. Nako kinakabahan ako dito sa taong to. "Never have I ever, Screwed up at school." sabi niya at ang dalawa uminom!

"Hoy kayong dalawa nakakarami na kayo ah." sabi ko at natawa naman sila.

"Ako na, never have I ever, kissed someone without their consent." tanong ni Trixie.

Tinignan ko naman si Matt at uminom siya. Tinignan ko naman si Ren at uminom din. Agad ko naman siyang tinignan ng masama.

"Oh bat di kayo umiinom?" tanong ko sa tatlong Clashers.

"Eto iinom na. Eto naman!" sabi naman ni Kurt at uminom pati na rin si Mike at Blake.

"Kala mo antitino ng mukha eh." sabi ko at nagtawanan kaming lahat.

"Never have I ever kissed someone's girlfriend or boyfriend." tanong ni Lexie. Napalunok naman ako at tinignan si Matt. Mag isa lang siyang uminom at nagtinginan naman kami ni Blake.

"Teka sinong hinalikan mo?" tanong naman ni Kurt sa kanya.

"Hayaan mo na nga siya. Baka yung babae yan." sabi naman ni Mike. Nagtama ang tingin namin ni Matt nang tumingin siya sakin. Agad naman akong umiwas at tumingin sa ibang direksyon.

Parang ayaw ko nang maglaro ah.

"Iba naman laruin natin. Baka may malasing na eh." suggestion ni Blake.

"Kukuha lang ako ng jacket don babalik din ako agad." sabi ko sa kanila at naglakad na papunta sa rest house.

Habang kumukuha ako ng jacket ay may tumawag.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon