CHAPTER 90: Planned

390 12 3
                                    

Ren's POV

"Saan mo ba talaga kami dadalhin Mattew? Ha? Sinasayang mo ang oras! Kung naghahanap na sana tayo ngayon baka nakita na natin siya." reklamo ni Kurt

"Magtiwala lang kasi kayo. Atat kayo masyado!" sagot naman ni Matt.

"Shut the fuck up! Tumatawag si AC!" sigaw ko ng makita ang cellphone ko.

"Ano?"

[Ren. ]

"What!?"

[Si Blake!]

"Ano nga? Isa AC makakatikim ka na sakin!"

[Patay na siya.] rinig ko ang paghikbi niya mula sa telepono.

Nanlaki ang mata ko at tinignan ang mga kasama ko.

"Saan mo nakuha yan?"

[May kadadating lang na box dito sa bahay. May damit at sulat.]

"Anong sabi sa sulat?"

[Sinabi na damit daw ni Blake tapos may dugo dugo. Tapos may initials na M&D black yung box.]

"Shit!"

"Turn around. Babalik ako kina AC may natanggap daw na box galing sa Vipers."sabi ko sa kanila.

"AC wait for me. Papunta na ako." sabi ko at pinatay ang tawag.

"Why aren't you turning back?" tanong ko kay Matt.

"Magtiwala ka lang sakin." tanging sagot ni Matt.

"Nasisiraan ka na ba Mattew? May natanggap si AC na box galing Vipers! Blake's clothes are in there! Yung kaibigan natin patay na daw! Anong nangyayari sayo?"

"Ethan pwede ba pakinggan niyo muna ako sa ngayon? Malapit na tayo! Masasagot lahat ng tanong mo kung makikinig ka lang sa akin!" sabi niya at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Turn around or I'll kill you!" sabi ko at tinutukan siya ng baril.

"Ethan!" sigaw ni Mike at Kurt.

Nanatili siyang naka tingin sa daan at tila hindi nasisindak sa pagtutok ko ng baril sa kanya.

Tumigil ang sasakyan sa isang tagong daan.

"Bumaba kayo. Diretsuhin ninyo ang daan na yan. You'll find a house. Pag wala kayong nakita sa loob pwedeng pwede mo na akong patayin." sabi niya at kaagad namang bumaba sina Mike at Kurt.

"Siguraduhin mong makabuluhan to Matthew Rivera!" sabi ko at bumaba na din para sundan sila.

"Sinisigurado ko yan sayo." sabi niya habang naka sunod sa akin.

Habang naglalakad kami ay may nakita kaming isang bahay. Agad namang pumasok si Kurt sa loob at sumunod na din kami.

"Blake?" tanong naming tatlo.

"Gulat na gulat? Ako lang to! Para. Naman kayong nakakita ng gwapo. Huminahon kayo. Ako lang to!" sabi niya at lumapit sa amin.

Bago pa siya magsalita ulit ay sinuntok ko na siya.

"Ethan! Ano ba!" awat sa akin ni Matt.

"What was that for?" tanong naman ni Blake ng makatayo.

"That's for being gone for almost a week." sabi ko at sinuntok siya ulit sa kabila.

"At yon? Ano yon?" tanong niya ulit ng makatayo habang hawak ang mukha.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon