Dumaan ang mga oras na nakayuko ako habang nakatutok sa mga questionnaire. I can say na may naitulong ang pag-re-review ko sa araw-araw dahil halos lahat ng items ay kasama sa nai-review ko. Buti talaga at wala iyong moment na kung ano iyong ni-review, iyon pa ang wala.

Sobrang tahimik ng kapaligiran at tanging pagbuklat lang ng papel ang maririnig sa kwartong pinag-take-an ko ng exam. Lahat ay seryoso sa pagsagot. Iyong mga usual na maiingay sa block ko, parang naputulan ng dila. Kahit nang mag-lunch kami, karamihan ng estudyanteng nakikita ko, parang seryoso masyado sa buhay ang itsura.

Nang palabasin na kami dahil tapos na ang set ng exams, kabi-kabilang ungot ang narinig ko dahil ang iba ay hindi sure sa mga isinagot nila habang ang iba naman ay masaya dahil natapos na ito. Nag-unat ako't tumayo saka ko nilapitan si Trista.

"Kumusta naman?"

"Hindi ko alam." Napasabunot siya sa sarili saka ipinatong ang dalawang siko sa lamesa niya. "Pakiramdam ko, papatayin ako ng mga magulang ko kapag lumabas na ang resulta ng exam."

"Kailan raw ba i-re-release?"

"Next week."

Hinila ko siya patayo at tinulungan siya sa pagliligpit ng gamit. "Halika. Lumabas na tayo para makasagap ka ng sariwang hangin." Bumalik ako sa lamesa ko saka ko kinuha ang bag ko bago kami lumabas. Wala pa akong natatanggap na message kina Kuya Gavin maliban sa pamilya ko. They were all saying good luck.

Tinawagan niya na si Patch para kitain kami sa tapat ng department namin. Naupo muna kami sa bench habang hinihintay namin ito at nang dumating ito, para itong si Trista dahil bagsak rin ang balikat nito. At ang tanging naisip ko lang na paraan para mai-lift kahit papaano ang mood nila ay ilibre sila ng ice cream kaya heto't pumila ako sa ice cream parlor habang naghihintay ang dalawa sa labas.

"Where are you?" bungad ni Lie Jun nang sagutin ko ang tawag nito.

"Sa ice cream parlor. Ililibre ko sina Trista at Patch kasi hindi sila satisfied sa nagawa nila sa exam."

"Wait me for me. Papunta ako kay Gav para sabay daw namin kuhanin si Axel."

"Bibilihan ko rin ba kayo? No worries; my treat. Baka kailangan niyo rin."

"No need for me. I know I did well."

Napangisi ako't humakbang paabante dahil natapos na iyong isang umo-order. "Iba rin talaga ang bilib sa sarili."

"Sira. Wait for me."

Ibinaba ko na ang tawag at saktong umalis na rin ang umo-order sa harap ko kaya ako na ang bibili. Kumuha ako ng anim na cup para sa lahat dahil ayoko namang sila lang ang kakain. Pagkalabas ko habang bitbit ang tray na may mga cup, seryosong nag-uusap ang mag-girlfriend.

"Bakit ang dami?" nagtatakang tanong ni Patch pagkaupo ko sa isa sa bakanteng upuan na pinwestuhan nila. "Tigdadalawa tayo?"

"Huwag kang sugapa, Patch. Pupunta sina Lie Jun rito. Anim na binili ko kasi baka kailanganin rin nina Kuya Gavin at Axel."

"Ano palang balita sa love life mo?" Kumuha si Trista ng isang cup at kutsara saka sinimulang tikman ang ice cream. "Kayo na ba ni Jun?"

Umiling ako't kumuha na rin ng cup at kutsara. "Plano ko naman siya sagutin pero gagawin ko kapag nakuha na namin resulta ng exam. Bagsak o pasado, bibigay ko pa rin sa kaniya iyong oo ko. Mabait naman siya at responsable kaya wala akong maisip na dahilan para hindi siya sagutin."

"Pero tingin mo, Patricia. What if nang ligaw siya sa iyo noong hindi pa pumuputok iyong balita rito tungkol sa kaniya? Sasagutin mo kaya siya?"

"Actually, naisip ko iyan dati. Schoolmate ko siya, hindi ba? Sa sobrang takot ko sa kaniya, iniisip ko, dapat ako lumayo kasi baka masira buhay ko, lalo pa't grabe iyong mga balitang umiikot sa kaniya pero nang makilala ko naman siya, napagtanto kong harmless siya." Nagkatinginan silang dalawa saka sabay na tumawa. "Anong nakakatawa?"

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now