"Akala mo hindi ka namin babalikan?" Hinubad ng lalake ang bag niya saka ito inilapag sa lupa. Pinatunog niya rin ang kamao niya gamit ang isang kamay niya saka humakbang palapit sa akin.

"You can do whatever you want to me. Ang gusto ko lang, huwag niyo gagalawin ang scholarship ko."

"Hahayaan mo kaming bugbugin ka at hindi ka lalaban? Lumaban ka – lalake sa lalake." Iniangat nito ang dalawang kamay saka ako itinulak sa dibdib kaya napaatras ako ng bahagya.

"Do you want me to?" Napaatras ito nang magsimula akong lumapit habang nakatingin sa mga mata nito.

Nahalata ko ang takot sa ekspresyon nito at hindi na ako nagulat nang sinuntok ako nito. Tulad ng sinabi ko, hindi ako nanglaban at hinayaan lang sila pero sinusubukan ko bawasan ang sakit sa bawat pagtama ng kamao at paa nila sa pamamagitan ng pagsalag.

Noong una ay kaonti pa lang ang nanuod nang magsimulang saktan ako at kalaunan ay nadagdagan ang mga ito. Nang mapahiga na ako at nagsimula nang sumakit ang buong katawan ko, may mga umawat na. May dalawang lalake na umalalay sa akin sa pagtayo kaya naramdaman ko ang kirot ng kaliwang hita ko. Ito kasi ang pinaulanan ng sipa ng babae.

Halos sarado na ang isang mata ko habang nakatingin sa dalawa na hingal na hingal dahil sa ginawa nila. Kahit sobrang sakit na ng katawan ko, pinilit ko tumayo ng maayos pero muntik na akong bumagsak kaya umalalay kaagad iyong dalawang lalake.

"Wala ka naman palang binatbat." pag-aangas ng lalake habang nakangisi. "Lampa!"

"Remember what I told you." mariing sinabi ko sa dalawang bumugbog sa akin. Inilagay ng dalawang lalake ang magkabilang braso ko sa mga balikat nila saka ako dinala sa clinic.

Pinagpahinga at ginamot ako ng nurse matapos ako nito papuwestuhin sa kama. Ang sabi ko nga, may klase pa ako kaya ang ginawa nito, nag-compose ng email at sinend sa kung sino para maipaalam ang lagay ko.

Wala akong choice kung hindi magpahinga at nagising na lang ako na may benda sa braso at hita. Ang unang bumungad sa akin ay si Keera. Mangiyak-ngiyak ito habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Nang makita nito na gising na ako, kaagad itong yumakap sa akin.

"Ano bang pinaggagagawa mo?! Pinakaba mo ako!"

"Anong ginagawa mo rito?" Inirapan ko siya't pumihit patalikod sa kaniya. I don't want to see her.

"Nandito ako kasi nag-aalala ako, okay?! Sino ba gumawa sa iyo niyan?!"

"That's none of your business."

Narinig ko ang paggalaw ng upuan niya kaya akala ko umalis na siya pero nagkamali ako. Narinig ko kasi ang boses niya, asking the nurse what happened. Since I asked her na huwag sabihin kahit kanino ang nangyari bago ako natulog, hindi nito sinabi.

Pinilit ko bumangon kahit masakit ang katawan ko at isinandal ang likod ko sa head board ng kama. Pinanuod ko lang silang dalawa sa pag-uusap habang iniisip kung kailan ako makakaalis rito. Tutal naman ay nakagawa na ng excuse letter ang nurse, puwede ko mapuntahan ng maaga iyong supplier ko para maaga ko matapos ang transaction ko ngayon at makapagpahinga ng maaga sa bahay.

Lumapit sa akin si Keera na may hawak na saklay kaya nagsalubong ang kilay ko. Naupo siya sa paanan ng kama ko saka hinawakan ang saklay ng patayo. "Baka kailanganin mo raw ito."

"I don't need that." Ayokong makita ako ng mga tao na nakasaklay. Masakit na sa ego ko na nagpabugbog ako para lang maisalba ang scholarship ko, gagamit pa ako niyan? Magmumukha lalo akong kawawa.

"Huwag na matigas ulo, Lie Jun."

"Can you stop calling me that?" Napakamot ako sa ulo dahil sa narinig kong tawag niya sa akin.

The Guy Next Door (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt