"Sure." Nakangiting bumalik siya sa ginagawa niya pero mukhang wala siya sa sarili dahil hahawakan niya iyong kaldero kung saan pinakukuluan iyong mga dahon. Kaagad ko hinawakan iyong kamay niya para hindi ito mapaso. "Mag-ingat ka nga."

Nahihiyang tumungo naman ito pero nang tignan ang kamay na hinawakan ko, gumuhit ang maliit na ngiti sa mukha niya. "Salamat."

Chineck naman siya ni Clara pati na ni Clyde at nang masiguradong ayos lang siya ay bumalik na kami sa kani-kaniyang ginagawa pero hindi pa man rin kami nakakatagal ang makarinig kami ng pagbagsak ng kung ano sa direksyon nina Patricia kaya napatingin kami rito.

"Ayos ka lang, Pres?" nag-aalalang tanong ni Lance saka tinulungan sa pagpupulot ng mga natapon si Patricia.

"Ayos lang." anito saka ibinalik ang mga natapon na dahon ng repolyo pabalik sa strainer. Tumulong na rin si Tina sa pagpupulot at ang dalawang nag-su-supervise, lumapit na rin.

"Ano bang nangyayari sa iniyo? Kung saan-saan kasi kayo tumitingin." nag-aalalang sinabi ni Marian.

"Sorry." Naisuklay ni Patricia ang kamay sa buhok saka huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagpupulot sa mga natapon.

Pagkatapos namin magluto ay inihanda na namin ang mga pagkain. Dinala ito nina Marian at Clyde sa office ng head ng club matapos sabihin na tapos na kami sa activity. Tumulong muna ako sa pagliligpit at si Patricia, may nabitawan na naman. Ang masama, plato ito na babasagin kaya ang mga piraso nito, nagkalat sa sahig.

Out of reflex, nagmadali akong lumapit pero to the rescue kaagad si kalyo kaya sa inis ko, niyaya ko na lang na lumabas si Kate nang hindi nagpapaalam sa iba.

Pagkarating sa cafeteria, tinanong muna ako ng kasama ko kung anong gusto ko. Binanggit ko naman bago ako naghanap ng upuan at hinayaan siyang bumili ng pagkain namin. Habang naghihintay, may ilang ka-block ako na nakita. Kumaway naman ang mga ito at tumango na lang ako.

Nang makita ko na pumasok sina Gavin, Axel, Patricia at Lance, itinungo ko ang ulo ko para hindi nila ako makita. Akala ko, hindi nila ako makikita dahil nasa pinakasulok ako pero mali ako dahil kumaway pa si Axel matapos ako tawagin ni Gavin.

Hindi nakatingin sa direksyon ko si Patricia habang naglalakad sila papunta sa kinauupuan ko kaya naisip ko, ano pa ba aasahan ko rito?

"Bakit mag-isa ka?" tanong ni Axel pagkaupo sa harapan ko at iyong tatlo, umupo rin sa kabilang kabilang side ng lamesa. Pahaba kasi ito na may upuan sa magkabilang gilid.

"I'm not. Kasama ko si Kate."

"Kate? Ka-club mo?"

"Iyon iyong halatang may crush sa iyo, hindi ba?"

Nang itanong iyon ni Gavin, nag-angat ako ng tingin para tignan ang reaksyon ni Patricia sa narinig kaya lang, nadismaya ako dahil nakatingin lang ito sa kung saan.

"Yeah. Bakit pala kayo magkakasama? Wala ba kayong klase?"

Itinuro ni Gavin si Axel gamit ang isang kamay at isa ay ipinangalumbaba niya. "Sinamahan niya ako para humanap ng isa pang club kasi kailangan ng maganda-gandang record kung gusto ko pa mag-apply scholarship for next school year. Nag-announce kanina. Hindi ka ba nakatanggap ng text?"

"Nope." Hinugot ko ang phone sa bulsa ng bag ko at tinignan kung may natanggap ako.

"Hi," bungad ni Kate nang makalapit sa amin habang dala ang tray ng mga pinamili. Tumayo ako't kinuha sa kaniya iyong tray at inilapag ito sa harap namin. "Lunch niyo rin?"

"Anong gusto niyo? My treat." pag-epal ni mukhang kalyo kahit hindi pa nakakasagot ang mga kaibigan ko sa tanong ni Kate.

Ang epal talaga. Kaya kahit nasa club room, hindi ko pinapansin iyan.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon